Chapter 8: Unsaid Feelings
Kayezy's POV
Naghanda ako ng instant noodles para mainitan ang ngayon ay nanginginig pa ring si Ron.
Buti nalang ay nakita ko agad sya at hindi pa lumala ang naging kalagayan nya..
"Here!! Kainin mo yan para mainitan ang sikmura mo" iniabot ko ang instant noodles at agad nya itong kinuha.
"Thank you Kayezy!!" Malumanay na sambit nya.
"Kung saakin nangyari yan eh aalis na ako!! Ayokong inaapi!!"
Tumitig sya saakin at nagbigay ng pilit na ngiti..
"Bakit mo ba tinitiis ang nangyayari sayo?" Seryoso kong tanong.
"Mahabang kwento..... pero Kayezy salamat talaga sa ginawa mo, ikaw pa mismo ang naghanap sakin"
"Walang anuman yon!! Kahit sino naman siguro ay gagawin din kung ano ang ginawa ko!"
Binalik nya ang kanyang atensyon sa pagkain at napansin ko naman na hindi na sya nanginginig... Salamat naman!!!.
----
Ron's POV
Malaki ang pagpapasalamat ko kay Kayezy dahil sa ginawa nyang paghanap saakin. Bihira na makahanap ng katulad nya sa panahon ngayon...
Buti na lang at hindi ako nilagnat sa sobrang lamig na naranasan ko kanina, bigla ko nalang naisip ang sinabi ni Kayezy kanina..
"Kung saakin nangyari yan eh aalis na ako!! Ayokong inaapi!!"
Hindi dapat ako sumuko, bukod sa kailangan ko ang trabaho ngayon ay kailangan ko rin na magpaliwanag kay Janelle... pero paano, kung ayaw nyang pag usapan namin ang mga nangyari sa nakaraan?
Third day!!!
Pangatlong araw ko na dito, gusto kong magtagal kaya sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako magpapatibag kahit anong hirap.
-----
Shaina's POV
Nagtungo kami sa isang set ng tv station para humarap sa interview, nakakakaba kaya hindi ko maiwasan ang mapaisip ng kung anu ano...
Pinaghintay muna kami sa holding area kasi mamaya pa daw ang interview, dahil nacucurious ako ay naglibot libot muna ako sa set.
"Sikat ka na talaga!!!"
Natigilan ako nang marinig ang boses ng lalaki sa likod ko.. Hindi ko na sana sya papansinin kaso nagpahabol sya ng salitang kumuha ng atensyon ko.
"Sana ngayon pwede na!!"
Agad akong tumingin sa likuran ko at nang makita kung sino ang nagsasalita ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, naramdaman ko rin na nag iinit ang mukha ko.
"Cedric Han!!?"
"Bakit mukhang gulat na gulat ka? Alam ko matagal na tayong hindi nagkita pero hindi ko iniexpect ang ganyang reaksyon mula sayo!"
Natatawa nyang sambit
"A..anong ginagawa mo d..dito?"
Nauutal utal kong tanong sa kanya.
"Supervisor ako sa tv station na 'to, nung nalaman ko nga na mag gi-guest kayo dito ay naexcite ako!"
"Naexcite?? Bakit??"
"Kasi makikita na ulit kita nang malapitan, Shaina ako pa rin ang Cedric na nagmahal sayo noon at magmamahal sayo ngayon! Akala mo ba nawala ang feelings ko noong binasted mo ako?"
Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa loob ng puso ko.. pero isa lang ang alam ko... natutuwa ako sa mga narinig ko..
Agad akong nakabalik sa pagiging lutang nang magsalita syang muli.
"Pwede na ba nating ituloy ang naudlot nating pagmamahalan noon?"
Wahhh!!!! Any time magcocolapse na ako dito sa sobrang kilig!!
"Ano ka sinuswerte??? Manligaw ka muna!" Pabebe kong sambit na agad nyang ikina-ngiti.
----
Janelle's POV
"Janelle ano ang mga katangian na gusto mo sa isang lalake?" Tanong ng interviewer.
"Ahmm, kahit ano po! I mean hindi naman po ako pihikan ang gusto ko lang po ay yung kaya akong ipaglaban at hindi ako iiwan!"
Sagot ko sa interviewer.
Tumingin ako kay Ron at napansin kong nakayuko sya, siguro ay nahihiya sya at naiisip rin ang mga nangyari noon.
Nang matapos na ang interview ay sumaglit kami sa isang restaurant, gustong gusto ko ang restaurant na 'to halata na bunga ng pagsisikap...
Naupo kami sa round table at ngumiti ako nang lumapit ang isang lalaki...
"Kuya Julius!! I missed you so much!"
Agad akong tumayo at niyakap sya, natutuwa ako dahil pansin ko ang tuwa sa kanyang mukha..
"Bakit ngayon ka lang?" Napalitan ng seryosong reaksyon ang mukha nya.
"Kuya alam mo naman po na lagi kaming busy, by the way.. sila yung mga kagroupmates ko...si Shaina, Cristy at Kayezy, I also want you to meet our manager!"
Isa isa kong itinuro kay kuya ang mga kagrupo ko at si manager, sinadya ko na hindi ipakilala si Ron kay kuya because he's not important for me anymore...
---
Julius' POV
Habang pinapakilala saakin ni Janelle ang mga kasama nya ay nabaling ang tingin ko sa isang babae na ipinakilala ni Janelle bilang Kayezy.
Ang cute nya!!! At ang ngiti nya ay hindi pangkaraniwan. Isa lang ang masasabi ko...kailangan kong mapalapit sa kanya...
"Nice to meet you all, ako na pala ang bahala sa inyo, Ipapaserve ko ang mga pinaka the best na dish ng restaurant ko!."
----
Ron's POV
Sya pala ang kuya ni Janelle!! Sya siguro ang tinukoy ng ama nya noong nag usap kami.
Hindi ako makapaniwala na successful na rin sya ngayon. Ang galing naman nya!
Mabilis naman na nagsidatingan ang mga pagkaing ipinangako ng kuya Julius ni Janelle. Amazing!!!
"Try this Ron!!" Sambit ni Kayezy na hawak ang isang dish upang ipatikim saakin.
"Sige!" Matipid kong sagot at agad na kinuha ang hawak nya.
Nakita kong napataas ang kilay ni Janelle habang nakatingin kay Kayezy, bakit mukha syang nagtataray!!!
Pagkatapos noon ay umuwi na kami sa dorm nila, agad naman silang dumeretso sa dance studio... magpapractice muli sila!!!
Nabalitaan ko na pinaghahandaan nila ang concert na mangyayari next month kaya puspusan na ang pag eensayo nila. Go Pink Pop!!!
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanficA short story of how a man's decision can change his entire life.