Chapter 2 : When she cries
Ron's POV
Ilang linggo din ang lumipas nang naging kami, hindi naman ako nagkulang na ipadama sa kanya ang pagmamahal ko, mahal na mahal ko si Janelle at ganun din siguro sya saakin.
Hanggang sa araw ng graduation ay masaya kaming umakyat sa stage, hindi ko makakalimutan ang ngiti ng babaeng mahal ko, napaka inosente na nakakabighani. Inimbitahan nya rin ako sa bahay nila para na rin ipakilala sa mga magulang nya.
As expected alam ko na ang magiging reaksyon nila, bad trip sila saakin. Pero kahit ganun pa man ay hindi parin natinag ang pagmamahalan namin. Going strong...hopefully!.
"Ok ka lang ba?" Mahinahong tanong saakin ni Janelle habang hawak ang kamay ko.
"Oo naman, bakit naman ako hindi magiging ok?" Nakangiting sagot ko sa tanong nya.
"Ayaw nila sayo, pero ako...gustong gusto kita, I love you Ron!"
Ngumiti na lamang ako at hinalikan ang noo nya, dahil sa tingin ko ay actions speak louder than words.
Maya maya pa ay nilapitan kami ng kanyang ama, seryosong tinawag nya ang pangalan ko at pinasunod sa kanya. Tiningnan naman nya si Janelle na hudyat na wag syang susunod saamin.
Kinakabahan na naman ako! Ano kaya ang sasabihin ng ama ni Janelle? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad.
Sa likod bahay nya ako dinala at pinaupo sa bakal na silya ganun din ang ginawa nya.
"Dideretsuhin na kita!! Layuan mo ang anak ko!!"
Sa narinig ko ay nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa dereksyon kung nasaan nakaupo ang ama nya.
"Mahal ko po si Janelle, sana po wag mo kaming pigilan. Hindi naman po ako magpapadalos dalos at pangako ko po na aalalayan ko sya at aalagaan nang higit pa sa sarili ko."
"Ano bang maipagmamalaki mo? Wala!! Di ba?" Tinaasan nya ang tono ng pananalita nya at yun ang nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.
"Hindi naman po kami mahirap, may sariling business po ang mga magulang ko" yun ang isinagot ko dahil sa tingin ko ay yun ang nasa isip nya.. ang financial status.
Hindi maipagkakaila na mayaman sila Janelle, hindi lang talaga sya binibilhan ng cellphone dahil gusto ng mga magulang nya ay magfocus sya sa pag aaral, which is napaka effective naman.
"Alam mo bang excited nang magkolehiyo ang anak ko?"
Nanahimik nalang ako pero nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Paano kaya kung hindi ko suportahan ang pag aaral nya? Makakapag kolehiyo kaya sya?"
Nakangiting sambit nito na para bang nangaasar..
"Kaya mo po bang gawin yun sa anak mo?"
"Bakit naman hindi!!? Nagawa ko nga yun sa kuya nya, kay Janelle pa kaya!!"
"Hayaan mo nalang po kaming maging masaya... please!"
Naluluhang sambit ko at may halong pagpapakiusap sa kanya.
"Matigas ka ah!!"
Bigla itong tumayo at bumalik sa loob ng bahay habang ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko.
Konting minuto ang lumipas at nagpaalam na ako kay Janelle na uuwi na ako. Hinatid naman nya ako hanggang sa gate ng bahay nila. Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Janelle, na hindi nagbabago at napaka ganda parin.
---
Janelle's POV
Tinatanaw ko pa rin sya habang naglalakad papalayo, naisip ko kung hanggang kailan nya ako kayang ipaglaban. Ayokong mawala sya saakin, mahal na mahal ko ang lalaking yun.
Nang pagpasok ko sa bahay ay nakita kong nakaupo si dad sa sofa, tila hinihintay nya akong makabalik at may mahalaga syang sasabihin.
"Janelle, siguro naman ay marunong ka nang maging independent?"
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni dad kaya napakunot nalang ang noo ko.
"Simula ngayon ay hindi na kita papakialaman sa mga desisyon mo, malaya mong gawin kung anong gusto mo. Pero huwag mo na rin asahan ang kahit na konting tulong mula saakin!!maliwanag ba!?"
Napaupo nalang din ako sa sofa dahil sa narinig ko, hindi ko alam kung natutuwa ako o natatakot, magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
Maging ang mommy ko ay inutusan din ng dad ko na wag akong tulungan at pakialaman, sa una ay kontra sya dito pero di rin nagtagal napapayag sya sa gusto ng dad ko.
---
Ron's POV
Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang pagiisip,, sasabog na yata ang utak ko hindi ko alam kung anong gagawin.
Naisip ko si Janelle, wala kaming usapan ngayon pero parang gusto ko syang puntahan,. Habang naglalakad ay nakita ko sya. May bitbit na bagahe, mukhang aalis sya.
"Saan ka pupunta Janelle?"
Nagulat yata ito nang tanungin ko, halata na nanlaki ang mga mata nya at namula ang mga pisngi.
"Aalis na ako sa bahay Ron!"
"Teka!! Saan mo balak pumunta?"
"Kahit saan!, samahan mo ako!"
Kahit hindi nya sabihin ay sasamahan ko talaga sya, hindi ko kayang pabayaan na lang ang babaeng mahal ko, nagpunta kami sa isang atm machine para magwithdraw sya. Heto nanaman eh, yung mga napapanood ko sa mga teleserye yung kina-cut ng mga magulang yung account ng anak nila kapag naglayas.
"Expected mo na rin ba yan Janelle?"
Napayakap na lang sya saakin at humikbi, hindi ko kayang makita na nagkakaganito sya. Mas nasasaktan ako!.
Sa isang park kami nagpahinga, doon ay nag usap kami ng masinsinan at bakas ko pa rin sa mukha nya ang labis ng kalungkutan.
"Janelle, bumalik ka na sa inyo!"
Mahinang sambit ko pero pumukaw sa nalulungkot nyang mukha.
"Ayoko!!!"
"Kung ganun sa amin ka nalang tumira! Kahit pansamantala!"
"Ayoko Ron, ayokong idamay ka pa sa mga nangyayari sakin"
"Kung ayaw mo... bumalik ka na lang talaga sa inyo, saan ka ba titira? Wala kang malalapitang iba! Please Janelle, sundin mo naman ako kahit ngayon nalang!"
Bumalik sa pagkalungkot ang mukha nya at nagbabadya ang pag iyak ng mga mata nya. Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit at pagkatapos noon ay sinamahan ko syang umuwi sa kanila.
Hindi pa kami nakakalapit sa gate ay natanaw ko na agad ang ama ni Janelle, nakangiti ito na para bang gustong gusto pa ang nangyayari.
"Sir, tanggapin nyong muli si Janelle sa bahay nyo, nagmamakaawa po ako! Nahihirapan na po sya, at ayoko pa pong makita sya na mas mahirapan pa!"
Naluluha ako, pero kailangan kong labanan para hindi makita ni Janelle na nasasaktan din ako sa nangyayari sa kanya.
Agad na pinapasok si Janelle sa loob ng kanilang bahay, ngumiti ito at niyakap ang kanyang ama. Tumingin ito saakin na parang nagpapasalamat.
Ang ngiting yon ang namimiss ko hanggang sa ngayon...
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.