Chapter 23: Believe
Ron's POV
Kinagabihan ay gumawa kami ng bon fire at naupo sa palibot nito.
"Guys magkwentuhan tayo!" Anyaya ni Carlo
"Horror!!" Sambit ni Julius
"Wag yun!" Pangambang wika ni Kayezy
"O sige open story, kahit ano!" Tugon ni Carlo
"Sinong mauuna?" Tanong ni Shaina.
"Ikaw na Shaina!!" Sambit ni Janelle.
"Ok sige, once upon a time there was a princess..." panimula nya
"Ano ba naman yan, pambata!!! Yung makatotohanan naman!" Pabirong sambit ni Cristy.
"Makatotohanan 'to!! Makinig lang kayo!!" Paliwanag ni Shaina.
Agad naman nyang itinuloy ang kanyang kwento.
"Once upon a time there was a princess named Shaina,,,"
"Ano ba naman yan! Kailan pa nagkaroon ng prinsesa na pangalan ay Shaina?" Pagsalungat ni Cristy
"Naku naku naku, ako nanggigigil talaga ako sayo ate ah!!" Pabirong wika ni Shaina.
"Sige ako nalang muna ang magkkwento!" Sambit ni Carlo.
Agad naman nakinig kaming lahat nang magsimula na sya...
"Sabi nila, kaya daw napakaganda ng lugar na ito kasi pinangangalagaan daw ito ng isang ermitanyo!"
"Si tata lino ba yan?" Singit ni Shaina.
"Ano to bubble gang?" Pabirong hirit ni Kayezy.
"Shhhh, quite girls, it's interesting!" Sambit ni Cristy.
"Minsan daw ay nagpapakita ang ermitanyo sa mga tao nang hindi nila namamalayan na sya pala talaga yun! Nag-iibang anyo sya para makausap ang isang tao. Pero sabi nila mabait naman daw ang ermitanyo kaya hindi daw dapat sya katakutan.... the end!"
"Wow, ang ganda ng kwento mo sir Carlo!" Sambit ni Briyana.
"Thank you!, who's next?" Tugon ni Carlo.
"Ako!!" Pagpiprisinta ko.
"Uyy, himala magkikwento ka Ron!" Sambit ni Janelle.
Ngumiti na lamang ako at nagsimula nang magkwento.
"May isang lalaking high school student na nainlove sa isang babaeng high school student din,,, magmahalan sila pero pilit na pinigilan sila ng tatay ng babae. Ang sabi ng tatay ng babae sa lalake ay kung hindi daw nya iiwanan ang anak nyang babae ay hindi nya ito pag-aaralin sa college. Kaya nagparaya nalang ang lalake at kahit na masakit at mahirap ito para sa kanya ay iniwan nya ang babae. Nais lang ng lalake na matupad ng babaeng mahal nya ang mga pangarap nito kaya sya nagsakripisyo...hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ang lalaking iyon na patawarin sya ng babaeng minahal nya...the end!"
Napansin ko ang malulungkot na mukha nila Kayezy at Shaina, narinig ko rin na napa-slow clap sina Briyana at Cristy. Tatawa na sana ako pero nakita ko ang seryosong mukha ni Carlo, nahalata nya siguro kung ano ang tinutukoy ko.
Maging si Janelle ay parang tulala matapos kong magkwento kaya pinigilan ko nalang ang dapat kong itatawa.
"Sad story pero pwede na yan gawing novela sa wattpad ah!" Pabirong sambit ni Briyana.
"Hahaha, nagbabasa ka rin pala nun!" Tugon ni Shaina.
"Sige sino na ang susunod?" Sambit ko sa kanila
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.