Chapter 3

459 15 4
                                    

Chapter 3: Present

Ron's POV

Limang taon!!! Limang taon ang lumipas, sa limang taon na yun ay maraming nangyari.

Nasa second year college pa lang ako nang bumagsak ang business ng mga magulang ko, kaya para hindi maputol ang pag aaral ko ay nagtiis akong maging working student. Estudyante sa umaga at worker sa gabi, hindi biro pagsabayin ang dalawang iyon. Nakakapagod!

Dahil na rin siguro sa laging hindi pagkakaunawaan ng mga magulang ko ay naghiwalay sila, iniwan kami ni papa at sobrang dinamdam ito ng mama ko, ang mga kapatid ko naman ay sinama ni papa kaya ako at si mama nalang ang nagtutulungan sa buhay.

Dahil sa mga nangyari ay naging seryoso ako sa mga bagay bagay, mas lalo kong naintindihan kung paano kahirap kumita ng pera.

Sa ngayon nga ay naghahanap ako ng trabaho kasi na end of contract ako sa huli kong pinasukan. Yung motto ko na ngayon ay 'kahit ano kakayanin ko'.. yan lagi ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko para hindi ako mawalan ng pag asa na magiging ok rin ang lahat.

Sa mall ako madalas maghanap ng trabaho kaya araw araw nagm-mall ako. 😀

Hindi ko alam kung anong meron sa mall na pinuntahan ko ngayon, napakaraming tao. Siguro ay may big sale na magaganap.

Napansin ko ang isang stage na may nakalagay na Pink Pop, ano kaya ang ibig sabihin nun at sino naman kaya yun? Tanong ko na lang sa sarili ko.

Hindi nagtagal nagsimulang magsigawan ang mga tao, nakita kong may apat na umakyat sa stage. Sila pala ang Pink Pop, isang girl group na sikat na sikat pala ngayon. Hindi ako updated kasi wala akong oras para maginternet kaya hindi ko sila kilala at hindi ko pa sila nakikita.

Sinulyapan kong mabuti ang mga mukha nila... Kinabahan ako sa nakita ko.... Isang pamilyar na mukha!

---

Janelle's POV

Nang tinawag na kami para umakyat sa stage ay narinig kong bigla ang mas malakas na ingay galing sa mga hiyawan ng mga tao sa mall na to.

Nagperform din kami ng sikat naming mga kanta at nang matapos yun ay naghanda na kami para sa album signing. Ganito pala ang feeling ng isang pop star, nakakapagod pero masaya.

"Janelle, ang dami mong fans ah, nung nag solo ka maraming humiyaw!" Nakangiting tugon ni Shaina Min.

"Oo nga pero mas maganda parin ako sayo hahaha!" Pabiro namang sabi ni Kayezy Jung

"Tigilan nyo na yan! Maghanda na tayo!" Seryosong sambit ni Cristy Min, sya ang ate ni Shaina.

Kaming apat ang bumubuo sa Pink Pop, nagsimula lang kami sa pakanta kanta sa internet hanggang may isang producer ang nakipagsapalaran para pasikatin kami. At ngayon nga ay natatamasa namin ang kasikatang hatid nya, salamat sa tulong nya.

Nakaupo kami ngayon sa tapat ng isang mahabang mesa, ang daming nakapila para magpa-autograph yung iba ay nagpapapicture na rin.

"Hi ate Janelle!" Bati ng isang batang babae sa harap ko

"Hello cute little girl!" Binati ko naman sya pabalik at napangiti ito.

Nang umalis na ang batang babae ay isa naman lalaki ang sumunod..

"Kumusta ka na!?" Tanong nito na para bang close kami

Wala syang hawak na album namin kaya natigilan ako at napaisip kung saan pipirma kaya inangat ko ang mukha ko para makita kung sino ang lalaking yon...

---

Ron's POV

Nakatingin sya sakin!!! Ano na ang susunod kong gagawin!! Kinakabahan ako kasi hindi ko malaman ang gagawin ko ngayon na nakatitig na sya saakin..

Nakikilala pa ba nya ako? Paulit ulit na tanong na paikot ikot sa aking utak.

"Hi Ron!, ikaw pala!"

Tinanggal ko ang suot kong sumbrero at ngumiti sa kanya, nakangiti rin sya saakin na parang walang nangyari.. pero anyway masaya ako at hindi sya galit saakin.

Sa tagal naman siguro ng panahon na lumipas ay nakalimutan na nya yung mga nasabi ko sa kanya noon.

"May album ka ba namin?"

"Ah, wala eh!" Nahihiya kong sagot

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh,, n-naghahanap kasi ako ng trabaho dito, kaso nakita kita kaya nakipila ako para makalapit sayo"

"Ah ganon ba, sige ang kamay mo nalang ang pipirmahan ko, sana maging lucky charm mo to at makahanap ka ng work"

Nakangiti parin sya habang nakahawak sa kamay ko na sinusulatan na nya ngayon, hindi maitago sa mga labi ko ang saya kaya napapangiti na lang ito ng kusa.

Agad naman akong tinulak ng lalaki sa likod ko kaya napaalis agad ako sa pila. Mukhang kanina pa kasi naghihintay ang lalaking yon.

Bago ako lumayo ay sinulyapan kong muli si Janelle na ngayon ay busy na sa pag-a-autograph ng mga album sa harap nya. Mas lalo pa syang gumanda ngayon at nasa kanya parin ang inosente nyang ngiti na noon ay hindi ko nakakalimutan.

Sa araw na to umuwi akong walang nahanap na trabaho, pangatlong araw ko na to at wala pa rin.

Napansin ko ang pirma ni Janelle sa kamay ko, kung pwede lang na hindi ako maghugas ng kamay para hindi ito mabura ay gagawin ko.

Ang successful na nya ngayon, nakakaproud lang na ang babaeng mahal ko ay pop star na ngayon.

----

Janelle's POV

Nakarating na kami sa dorm ng mga ka-groupmates ko nang bigla nila akong tadtarin ng tanong at intriga.

"Janelle, sino yung kangitian mong lalaki kanina?" Tanong ni Shaina na nakangiti na para bang nang aasar.

"Kakilala ko dati!"

"Kakilala mo lang ba? Bakit ang tamis ng ngiti nya sayo? At bakit parang sabik syang makita ka?"

Intrigang tanong ni Kayezy.

"Wala lang yun, kakilala ko lang talaga!" Seryoso kong sagot para matigilan sila.

"Ang gwapo nya!!" Patawang sabi ni Cristy.

Himala yata at nakikipag biruan sya ngayon, lagi syang seryoso kaya laking gulat ko sa sinabi nya.

"Type mo Cristy?" Kunwari seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi.!!!" Pataray na sagot nya.

Hindi ko talaga maintindihan tong si Cristy, minsan may kulit pero kadalasan masungit.

Patuloy parin sila sa kakatanong at handa ko na sanang paghahampasin sila ng unan nang biglang sumingit ang manager namin.

"Janelle Kim!, yung personal assistant mo na si Maggie... nagresign na!"

"What?!!! Bakit daw?"

"Sabi nya mangingibang bansa daw sya at pinapasabi nya rin sayo na salamat sa lahat ng tulong at kabaitan mo sa kanya!"

Yung personal assistant kong si Maggie, iniwan ako. Nalulungkot ako pero iniisip ko rin na maging masaya dahil baka dun sya maligaya at hindi ko hahadlangan yun.

Natahimik tuloy ang mga ka-groupmates ko sa sinabi ni manager maging ako rin.

Bigla nalang gumuhit sa labi ko ang isang makahulugang ngiti...... May naiisip akong isang bagay!!

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon