Chapter 20: One Month Later
Ron's POV
Pinakiusapan ko ang best friend kong si Carlo na kung pwede nyang i-produce si Briyana at pumayag sya pero kailangan pa daw na magtraining ni Briyana.
Araw araw akong pinupuntahan ni Briyana upang tulungan ako sa restaurant... take note 'walang talent fee', para daw mabayaran nya ako ng utang na loob.
Natutuwa talaga ako sa kanya at pursigido sya na maging pop star. Dahil din doon ay naging mas close pa kami.
Isang buwan na ang nakalipas at nakikita ko na may improvement na kay Briyana, hindi na sya magaslaw kumilos at hindi na sya maraming kumain. Buti naman!.
"Kumusta ang training?" Paunang tanong ko.
"Nakakaenjoy at marami akong natututunan na makakatulong saakin para maging ganap na pop star sa future." Masaya nyang sagot.
"Mabuti naman; nakatapos ka na ng isang buwan na training kaya meron ka nalang.....one year and eleven months para maging ganap na pop star!," pabiro kong sambit.
"Ahhh, wag mong sabihin yan! Naiisip ko tuloy na ang tagal tagal pa!" Mangiyak ngiyak nyang sambit
"Hahaha, wag kang mag-alala maikling panahon lang yan basta pursigido ka lang!"
Maya maya pa ay dumating si Carlo sa restaurant at lumapit saamin.
"Magandang hapon sir Carlo!" Pagbati ni Briyana.
Ngumiti na lamang sa kanya si Carlo at tumango.
"Kailangan ko na ba na magpaluto ng favorite food mo?" Tanong ko sakanya.
"Wag na muna Ron kasi nagmamadali na rin ako at may lakad kami ni Janelle, dumaan pala ako dito para imbitahan kayo na sumama sa pinaplano kong bakasyon! Three days tayo doon! Sana rin wag kayong tumanggi!"
"Game ako d'yan sir Carlo!" Sambit ni Briyana.
"Sige ako rin! Game din ako!" Wika ko kay Carlo.
"Ahhh, himala hindi ka nagpapilit ngayon Ron ah!! Sige aasahan ko kayo!" Pabirong sambit nya.
Naisip ko na kailangan ko din ang bakasyon para makapagrelax naman ako. At perfect timing ang plano ni Carlo kaya hindi na ako tumanggi.
"Oh ikaw mag-mop ka!" Pabirong sambit ko kay Briyana.
"Hala bakit ako?"
"Sige sasabihin ko kay Carlo na wag kang isama!" Kunwari seryoso kong sambit.
"Ahhhh, sige na nga!" Mangiyak ngiyak nyang tugon.
Natatawa na lamang ako sa sitwasyon namin ni Briyana, para kaming aso't pusa pero sa bandang huli ay nagkakasundo parin kami.
---
Janelle's POV
Ang daming nangyari sa nakalipas na isang buwan, si Kayezy ay sinagot na ang kuya Julius ko, nakakatuwa kasi nakikita ko na going strong ang dalawa.
Si Cristy naman ay wala pa rin sinasagot sa mga manliligaw nyang sina Tyson at AO at nadagdagan pa ang manliligaw nya hindi lang isa kundi dalawa pa. Sina Buddy at Mao mga business man na nakilala ni Cristy sa isang event na pinuntahan namin. Haba ng hair!
Heto na nga! Ang engaged couple na kulang nalang langgamin sa sobrang sweetness sina Shaina at Cedric nagpaplano na sila para sa magiging kasal, wala pang exact date pero balak nila na next year ganapin. Hindi na ako makapaghintay sa wedding na yan!
At ako!,,,, nagtapat na saakin si Carlo ng nararamdaman nya, sinimulan na rin nya ang panliligaw saakin.
Alam kong hindi mahirap mahalin si Carlo pero hindi pa handa ang puso ko na magmahal ng iba. May isang tao pa syang hinihintay,.. hinihintay na bumalik at buohin muli ang parte ng puso ko.
Isang buwan na ang nakalipas pero hindi parin sya maalis sa isip ko, simula noong party.
Sinabi na rin saamin ni Carlo na hindi girlfriend ni Ron yung Briyana! Aaminin ko na natuwa ako nang malaman ang bagay na yun.
"Janelle nandyan na si kuya Carlo sa baba!" Sambit ni Shaina na parang kinikilig.
"Ok sige bababa na rin ako!"
Niyaya ako ni Carlo na lumabas ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya medyo kinakabahan ako.
"Hi Janelle, you look wonderful!" Pagbati nya saakin habang bumababa ako sa hagdan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Just wait and see!" Nakangiting sambit ni Carlo saakin.
Dinala nya ako sa isang museum, hindi ko alam kung ano ang ginawa nya para payagan kaming makapasok dahil malapit nang gumabi at malapit na rin magsara ang museum.
"Tara na, pumasok na tayo!" Anyaya nya saakin.
Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan na makapasok sa museum.
Ipinakita nya saakin ang isang painting. Painting ng isang babae na nalulunod sa sarili nyang luha.
"Ang babaeng yan na nakikita mong nalulunod sa sarili nyang luha ay umibig nang husto sa isang lalaki, pero ang lalaking iyon ay iniwan sya. Kaya sya'y nagdurusa at umiiyak nang lubusan." Paliwanag ni Carlo.
Hindi ako nakapagsalita at naging interesado sa mga sinasabi ni Carlo.
Ipinakita nya rin saakin ang isang sculpture. Sculpture ng isang babae na kung titingnan mo ay mukhang hindi pa tapos gawin.
"Bakit parang hindi pa tapos ang sculpture na yan?" Tanong ko
"Hindi pa talaga tapos yan! Ang umukit nyan ay isang lalaking sawi rin sa pag-ibig, inukit nya yan upang maalala ang babaeng pinakamamahal nya..pero hindi natapos...dahil pumanaw sya!." Pagpapaliwanag ni Carlo.
Kinilabutan ako sa mga sinabi nya kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Carlo.
Iniharap muli ako ni Carlo sa isang painting. Painting ng isang lalaki na malungkot na naghihintay sa isang park.
"Ito naman! Ang lalaking yan ay mahinahong naghihintay sa kanyang sinisinta, makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata dahil naghihintay pa rin sya sa lugar na yun kahit na alam nya na hindi na muli pang babalik ang kanyang sinisinta."
Tumingin saakin si Carlo at hinawakan ang aking pisngi.
"Janelle alam mo ba kung ano ang pagkakapareho nilang tatlo?,, parepareho silang tunay na nagmahal!. Kahit na hindi naging maganda ang kinahinatnan nila, ang importante doon ay hindi nila sinayang ang pagkakataon na magmahal at mahalin!"
Hinalikan nya ako sa noo matapos nyang sambitin ang mga salitang iyon. Tama sya, dapat na huwag sayangin ang pagkakataon na magmahal at mahalin.
Natigilan ako sa pagiisip nang bigla nya akong tanungin.
"Janelle, Would you be my girl?"
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ako makakilos o makapagsalita..
Narinig ko na lamang ang pagtawag nya sa pangalan ko at pagkatapos noon ay blangko na ang isip ko...
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.