Chapter 4

413 12 0
                                    

Chapter 4: New Job

Janelle's POV

Sumagi bigla sa isip ko ang bagay na yun kaya napangiti ako. Tinawag ko si manager at nagrequest ng isang maliit na favor.

"Manager please,..... pahiram po ng isang private investigator!"

Nagpapacute ako kay manager para maawa sya saakin at i-grant ang favor ko, natawa na lang ako kasi effective.

"Thank you manager, I love you so much!!!" Niyakap ko sya at humalik sa pisngi nya.

Si manager ang pangalawang mommy namin, kasi sya ang nag aasikaso saamin dito sa dorm. Alagang alaga nya kami at love na love pa kaya sinusuklian namin sya ng mga mabubuting bagay, katulad ng loyalty at honesty.

Maaga akong nagising kinabukasan at inaasahan ko na may impormasyon na ibibigay saakin ang private investigator, hindi naman ako nabigo.

-----

Ron's POV

Ulan!!! Bakit ngayon ka pa dumating!! Naiinis ako dahil ayokong lumabas kapag umuulan, ayoko kasing mabasa ang sapatos ko baka magkalaskalas ng wala sa oras.

Nakakahiya din kaya yun lalo na't mag aapply na naman ako ng trabaho. Konti nalang ang pera ko kaya dapat makahanap at matanggap na ako.

"Ma, alis na po ako!"

"Oh sige anak, mag iingat ka ha? Good luck sayo!"

"Opo ma!" Hinalikan ko sa noo ang mama ko sabay alis ng bahay, naaawa na rin ako sa kanya, mahirap kasing magluto at maglako ng pagkain pero kinakaya nya para saaming dalawa.

Paglabas ko sa iskinita ay napansin ko ang isang magarang kotse, ang yaman siguro ng may ari nito.

Maya maya pa ay nagbukas ang pinto nito at lumabas ang isang diwata ay este si Janelle na ikinagulat ko!.

"Janelle, anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Ahh ehh, oo naman pwede!"

Ngumiti sya at pinasakay ako sa kotse na pag aari nya.

"Ang ganda ng kotse mo Janelle, at ang galing mo ring magmaneho!"

Wala naman syang sinambit kundi isang ngiti lamang.

"Mag aapply ka?" Tanong nya saakin habang nagmamaneho

"Oo sana pero saan ba tayo pupunta Janelle?"

"Sa dorm!"

"Sa dorm??? Mo??"

Napatawa naman sya dahil sa gulat ko. Ano naman kaya ang gagawin namin doon?

---

Janelle's POV

Hindi naman kalayuan ang lugar nila Ron kaya mabilis din kaming nakabalik sa dorm, pagpasok namin ay naghihintay na sina Shaina, Cristy, Kayezy at si manager.

"I'm back!!!, Girls...manager... I want you to meet Ron.... my new personal assistant!"

Bumilog ang mga mata nila maging si Ron ay napatingin din saakin dahil sa sinabi ko. Halata sa kanya ang pagkagulat. Magugulatin yata tong lalaking to.

"Ako?!!! Personal Assistant mo??"

"Yes Ron, since kailangan mo ng trabaho, naisip ko na ikaw nalang ang gawin kong P.A!"

Ngumiti ako sa kanilang lahat at wala namang tumutol sa mga ka groupmates ko maging si manager ay wala naman nasabi kundi ngumiti na lang din.

"Kung ok lang sayo Ron, pero kung ayaw mo naman ay wala akong magagawa"

"Hindi lang ako makapaniwala, Tatanggapin ko ang trabahong alok mo Janelle, Salamat!"

Yumuko sya sa harap ko simbolo ng pagpapasalamat nya. Buti naman at hindi na sya nagpapilit pa!.

-----

Ron's POV

Bakit kaya ang bait pa rin saakin ni Janelle, matapos ang lahat ng nagawa ko sa kanya noon? Siguro ay nakalimutan na nya talaga ang mga bagay na yun.

Hindi ko na rin tinanggihan ang alok nyang trabaho, kasi bukod sa kailangan ko na talaga ito, makakasama ko pa ang babaeng mahal ko. Sana pagdating ng panahon ay maibalik namin ang dati naming pagtingin sa isa't isa.

-----

Shaina's POV

Ginulat kami ni Janelle sa sinabi nya, ngayon lang sya nagkaroon ng lalaking P.A. ang akala ko ay man hater sya, bakit kaya?

Sinundan ko nalang ng tingin sina Janelle at si Ron habang papalabas sa dorm, naalala ko na sya pala yung lalaki sa album signing sa mall nung nakaraan.

Mali ang maghinala pero baka may gusto si Janelle sa lalaking yon.

----

Cristy's POV

Napansin ko ang kapatid kong sinusundan ng tingin sina Janelle at ang kasama nya, kaya lumapit ako sa kanya at kinalabit sya na ikinagulat naman nito.

"Intrigera lang ang peg? Bakit mo sila tinitingnan?

"Masama ba ate?"

"Oo masama kung ganyan kalagkit ang tingin mo!"

"Ate naman eh!!! Wala lang to, nangingilala lang ako"

"Alam ko na!!!! Namimiss mo si Cedric noh?"

Tinitigan ako ng kapatid ko ng masama, pero hindi pa rin nya napigil ang ngiti sa labi nya.

Si Cedric ang teenage crush ni Shaina, simula noong highschool sila ay crush na crush na nya ito.

Ang alam ko ay niligawan sya ni Cedric pero mas pinili ni Shaina ang career kaysa sa kanya. Kwento pa nga ni Shaina ay labis daw itong nasaktan nang hindi nya tanggapin ang pag ibig ng binata.

Sayang naman, pero sa aking palagay hindi pa huli ang lahat.

----

Ron's POV

"Salamat sa tulong mo Janelle, malaki ang utang na loob ko sayo!"

"Wag ka munang magpasalamat ng sobra sobra, walang anuman sa akin yun, at para saan pa ang pagiging magkaibigan natin kung hindi kita tutulungan!"

Ang bait talaga ni Janelle, hindi ko alam kung paano makakabawi sa kabaitan nya, kaya gagawin ko nalang ang lahat para hindi sya madisappoint saakin.

  Inihatid muli ako ni Janelle sa lugar kung saan kami nakatira, inalok ko syang pumasok sa bahay pero ayaw na nyang bumaba sa kotse nya.

 "Sya nga pala Ron, bago ko makalimutan, kailangan mong mag stay sa dorm kasama ko para kahit na anong oras na kailanganin kita ay nandyan ka,!!!"

 "Huh!! Janelle, kami lang ni mama ang magkasama dito sa bahay, kapag sa dorm nyo pa ako magsstay wala na syang kasama dito"

 "Siguro maiintindihan naman ng mama mo, wag ka ding mag alala kasi bibigyan naman kita ng day off""Sige papaliwanagan ko sya, salamat ulit Janelle!"

 "Ok, hihintayin kita bukas,!! See you sa dorm!" 

 Nakangiti sya sakin habang pinastart ang makina ng kotse nya, tinanaw ko naman sya hanggang sa makalayo na ang sasakyan nya.Pinaliwanag ko naman sa mama ko ang demand ni Janelle at pumayag naman sya, wag ko daw sayangin ang pagkakataon na binigay ni Janelle. Pagkatapos noon ay nag handa na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa dorm nila bukas...  

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon