Chapter 6: Not Enough
Shaina's POV
Habang nagpapahinga kami matapos ang practice ay nakaamoy ako ng napakabangong halimuyak!! May nagluluto sa baba at kailangan kong tingnan kasi nacurious ako.
Kaya lumabas ako ng mini dance studio at bumaba para tingnan kung sino ang nagluluto,,, sumunod na rin ang tatlo na sa aking palagay ay nagutom din sa amoy.
"Kuya Ron!!!? Wow ang bango ng niluluto mo!! Pwede na ba yan? Nagugutom na kasi ako!" Naeexcite akong kumain kasi gutom na rin talaga ako.
"Konti nalang pwede na 'to, nakahanda na rin ang mesa kaya pwede na kayong maupo"
Ang cute lang isipin na si kuya Ron na personal assistant ni ate Janelle ay marunong magluto.. Hmmm.
---
Janelle's POV
Nilagyan nya ang isang malaking mangkok ng pagkaing niluto nya, sa totoo lang nababangohan din ako sa niluto nya.
"Sana lang masarap yan!!" Seryosong sambit ko
Mauupo na sana si Ron para sumabay saaming kumain pero sa totoo lang ay ayaw ko syang kasabay!
"Ahm Ron, pwede mo ba munang linisin ang mini studio sa taas? Gagamitin pa kasi namin yun mamaya, Please!" Malumanay kong utos para hindi nya mahalata na ayoko syang makasamang kumain.
"Opo miss Janelle"
Pipigilan pa sana sya ni manager kaya inilingan ko sya. Dali dali namang umakyat si Ron para linisin ang mini studio.
Sa mga ginawa nya at sinabi saakin noon, naniniwala talaga syang wala na akong hinanakit sa kanya! Tsk! Tsk! Tsk!
----
Kayezy's POV
"Janelle! Bakit parang ang mean mo kay Ron?"
"Mean? Hindi kaya!"
"Labis pa sa gawain ng personal assistant ang mga pinapagawa mo sa kanya! Hindi ka ba naaawa sa kanya?"
She rolled her eyes, kaya mas naasar ako sa kanya, inaalila nya si Ron!! Hindi naman tama yun.. She's so mean!.
----
Ron's POV
Wow! May ganito pala dito, sarili nilang dance studio. Tumingin ako sa paligid at napaisip nalang kung ano ang lilinisin ko dito.
Wala namang kalat at wala ring alikabok, halata na bagong linis lang ito.
*Phone Rings
Napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag saakin.
"Hello ma!"
"Hello anak, nakakaistorbo ba ako? Kumusta na?"
"Mama naman, ilang oras pa lang po ako dito namimiss mo na agad ako,," nakangiti kong sambit.
"Naalala kasi kita, kumusta ang trabaho?"
"Ok naman po ma!, masaya po dito, at kayang kaya ko po ang mga pinapagawa ni miss Janelle saakin"
"miss Janelle!!? Bakit ang formal naman yata ng tawag mo sa kanya? Parang wala kayong pinagsamahan" sambit ni mama sa pabirong tono.
"Ganon po dapat, kasi boss ko sya! Ikaw po pala kumusta dyan?"
"Tinatanong pa ba yan anak, alam mo naman na lagi akong ayos diba,?"
"Hehehe... Opo nga naman, matatag po tayo eh,"
"Sige na anak, mag iingat ka lagi dyan ha?"
"Opo ma, ikaw din po."
*end of call
Nakakatuwa ang concern ni mama para saakin, sya ang dahilan kaya matatag ako ngayon. Salamat sa kanya.
Nang maibulsa ko na ang cellphone ko ay iniangat ko ang aking mukha, nakita ko sa reflection sa salamin na may tao sa likod ko..Wahhh, kanina pa ba sya dyan????
-----
Kayezy's POV
Hmmm, ang cute nya! Mahal na mahal talaga nya ang mom nya at kitang kita ito sa facial expressions nya habang kausap ang kanyang mom.
"Kanina ka pa ba dyan?"
"Hahaha, mama's boy!!!" Pang aasar ko sakanya.
"Grabe ka hindi naman ako mama's boy, namiss ko lang agad si mama kaya ganon kami mag usap!"
Halata na nahihiya si Ron saakin kaya tinigilan ko na lamang ang pang aasar sa kanya.
"Bumaba ka na at kumain ka na din!"
Sinunod nya ang utos ko at agad syang lumabas sa dance studio, hindi pa sya nakakalayo nang may salita akong inihabol na nagpangiti sa kanya.
"I like you....r dish! Masarap, Job well done Ron!".
----
Manager's POV
"Oh, Ron, bakit ang tagal mo, natapos na tuloy kaming kumain...wala kang kasama."
"Ok lang po ma'am!"
"By the way, para yatang nagdadalawang isip ako na payagan ka pang magluto sa susunod....kasi napaparami ang kain ng mga alaga ko... baka tumaba sila" pabirong sambit ko kay Ron na ngayon ay tumatawa.
----
Ron's POV
Ang bilis ng oras. Gabi na naman, kumusta na kaya si mama sa bahay.Ang hirap pala na malayo sa mahal mo, Hay!!!!.
Tinawag ako ni Janelle kaya agad akong nagtungo sa kanya, nakita ko naman na ang daming sapatos sa sahig.
"Ron, hindi ko kasi alam kung alin ang matibay sa mga yan, pwede bang isuot mo at maglakad ka? Please!"
Nag aalangan ako, isusuot ko pati yung mga may matataas na takong?? Para lang malaman nya kung matibay! Wala ba syang tiwala sa gumawa nyan??
"Ayaw mo?" Malungkot nyang sambit.
Ayoko naman na nakikita syang malungkot kaya ginawa ko ang utos nya.
Pinagtatawanan nila ako habang ginagawa ko yun, expected ko na yun. Nakita kong natutuwa si Janelle kaya hindi ko nalang ininda ang hiya.
May isang sapatos akong naisuot na bukod sa napakataas ng takong at ang dulas pa, naging dahilan ito para madulas ako at bumagsak sa sahig.
Sa nangyaring yun hindi ako makapaniwala na pinagtatawanan parin ako ni Janelle.
"Masakit ba?" Natatawang tanong nya sakin.
Ngumiti ako para magpanggap na ayos lang ako pero ang totoo.. Aray!!! Ang sakit!!!
"That's it!! Atleast alam ko na kung alin ang dapat suotin at alin ang hindi... ayusin mo yan Ron at ibalik mo sa kwarto ko!!"
Nanibago talaga ako kay Janelle ngayon, mabait naman sya dati pero anong nangyari?
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.