Chapter 22: Enjoy
Carlo's POV
"Nandito na tayo!"
Matapos kong ihinto ang sasakyan ay agad silang nag-unload ng mga gamit mula rito. Napapansin ko rin na excited na sila.
Ibinigay ko sa isang staff ng resort ang susi ng kotse ko para sya na ang bahala sa pagpark nito. Agad din kaming pumasok sa loob upang magcheck in.
"Good morning mr. Carlo Seo!" Pagbati ng receptionist saakin
Binati nya rin ang mga kasama ko at sabay ipinaalam kung anong number ng mga rooms namin. Sa isang room sama sama ang Pink Pop at si Briyana. Samantalang kaming apat na mga lalake ay sama sama din sa isang room.
Agad din kaming umakyat upang tingnan ang mga rooms namin, di na masama,,, may apat na higaan at ang view sa bintana ay dagat kaya napakarelaxing sa pakiramdam.
"Sa may dulo ako!" Sambit ni Julius na nagmamadaling nahiga sa dulong higaan.
"Ako nalang sa pangalawa!" Sambit ni Cedric na umupo sa pangalawang higaan at nag ayos ng gamit.
"Saan ka Ron!?" Tanong ko sa kanya
"Dito nalang sa kabilang dulo!" Sagot nya sabay lapit sa pang-apat na higaan at nag ayos na din ng mga gamit.
"Ikaw Carlo saan ka? Sa pangatlo nalang!!" Malakas kong sambit saaking sarili.
Agad naman na nagsitawanan kaming lahat, hindi pa namin masyadong close ni Ron sina Cedric at Julius kaya I'm looking forward for this vacation to get close to them.
----
Janelle's POV
"Huh!!! Apat lang ang kama, paano yan lima tayo!" Pangambang sambit ni Briyana
"Ako sa unang higaan!" Sambit ni Kayezy na lumapit agad sa unang kama.
"Ako sa pangalawa ah!" Sambit ni Shaina at agad din na tumalon talon sa kama.
"Sa pangatlo ako!!" Sambit ni Cristy
"Sa lapag nalang siguro ako, carpeted floor naman eh. Manghihingi nalang din ako sa staff ng extra kumot at unan!" Masayang sambit ni Briyana,
"Hindi!!! Tabi tayo!" Wika ko sa kanya.
"Naku wag na po! Idol ko kayong lahat kaya gusto ko na comfortable kayo!" Pagpapaliwanag ni Briyana.
"Really? Kung Idol mo kami hindi mo susuwayin ang gusto namin kaya dito ka rin sa pang-apat na kama matutulog katabi ko!" Pataray na sambit ko kay Briyana.
"Nakakahiya po!"
"Shhhhh!! No more arguments! Pagsaway ko.
Agad syang lumapit sa pang-apat na higaan at nag ayos na din ng gamit.
Sumilip ako sa bintana at natanaw ko ang napakagandang dagat, blue water, white sand at may mga maliliit na isla. Ang ganda dito kahit na malapit lang sa city.
"Janelle ano pa ang hinihintay mo?" Sambit ni Kayezy
"Anong ano pa ang hinihintay ko?"
"Duh! Wear your two piece girl!" Pataray nyang sambit.
Napansin ko nga na nakapagpalit na sila ng kani-kanilang swimsuit.
Si Shaina ay naka black one piece swim wear, si Kayezy ay ganun din, si Cristy ay nakasuot ng yellow two piece at si Briyana ay naka pink polkadots two piece.
Hinalungkat ni Kayezy ang mga gamit ko at natagpuan ang blue pair of two piece.
"Yan!! Ito ang isuot mo! Bilisan mo na at magtatampisaw na tayo sa beach!" Sambit ni Kayezy.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.