Chapter 13

246 10 0
                                    


Chapter 13: Come Back

Kayezy's POV

Katatapos lang ng rehersal namin nang dumating sa dorm ang kuya ni Janelle.

Marami syang dalang pagkain na tamang tama kasi I'm starving.

"Hi Kayezy!" Pagbati nya.

"Hello po kuya Julius" magalang kong pagbati

"Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin kaya pwede wag mo na ako i-po!" Natatawang sambit nya.

"Ganun po ba?... ay sorry... hindi kasi ako sanay na hindi gumagamit ng 'po' kapag may kausap na nakakatanda!" Mariing pagpapaliwanag ko.

"Masasanay ka rin! Akong bahala!" Sambit nya habang nakangiti pa rin.

Pinagsalu saluhan naming lahat ang dala nyang pagkain at in all fairness masarap talaga.

"The best yung pagkain at syempre the best ka rin po kuya Julius!" Wika ni Shaina.

"Salamat at nagustuhan nyo, natutuwa ako!"

Ako lang ba o may iba rin na nakakapansin na lagi syang sumusulyap saakin. Ayokong mag assume pero iba yung mga tingin nya para bang may gusto syang sabihin.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Julius saamin para bumalik sa kanyang restaurant, pinakiusapan nya rin ako na kung pwede ko syang ihatid hanggang sa gate and I said "sure".

"Kayezy may sasabihin ako sayo pero sana wag kang magagalit" wika nya.

"Sige ano ba yon?" Tanong ko.

"Pwede ba akong manligaw sayo?" Nahihiya nyang sambit.

Konting minuto din akong hindi nakarespond sa tanong nya at natutulala ako kasi ang bilis nya.

"You're so fast, ngayon lang tayo nagkausap nang ganito and you still don't know me!" Mahinahon kong sagot

"I will confess!! I felt that love at first sight when I saw you last time sa restaurant. You're beautiful and I can feel that you're personality is also beautiful."

"Thank you, I don't know what to say pero I will ask Janelle first ok?" Sambit ko sa kanya.

"Alright, just let me know!" Nakangiti nyang tugon.

Kumaway ako sa kanya nang papaalis na ang kotseng sinasakyan nya. Why am I like this... parang may hinahanap ang puso ko.

Isang tao na sana kung sakanya mangagaling ang mga salitang binitawan ni Julius ay mas ikatutuwa ko pa.

"I missed you..." bulong ko sa hangin.

---

Janelle's POV

Unexpected ang pagdalaw ni kuya, pero masaya ako kasi mukhang nagkakamabutihan sila ni Kayezy, kilala ko si kuya at kilala ko rin si Kayezy, alam kong bagay ang dalawa at sana magkatuluyan sila.

"Janelle! Your brother wants to court me!" Sambit nya habang papaupo sa sofa.

"That's great!!!" Tipid kong tugon,

"That's it?? You're not against on what he said?" Pataray nyang sambit.

"Ano ka ba Kayezy, hindi ako yung tipikal na kapatid na laging tutol sa desisyon ng kuya nya!" Pagpapaliwanag ko.

Ngumiti sya sabay itinuon ang pansin sa kanyang phone.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto ng dorm, andyan na sya, nandyan na yung expected visitor na kanina ko pa hinihintay.

"Bumalik ang kuya mo!! Nag enjoy yata sya dito!!" Pabirong sambit ni Kayezy.

Binuksan ko ang pinto at lumiwanag ang mukha ko nang makita ko sya. Natuwa din ang mga kasama ko dahil sa pagbabalik nya.

"Welcome back!!" Pambungad ko sa kanya.

"Yes and I missed you all girls!" Masaya nyang wika

"Hindi ka nagsasabi na darating ka, dapat nakapaghanda kami ng welcome party para sayo!!" Sambit ni Shaina.

"Its ok, I want to surprise you kaya sinabihan ko si Janelle na wag munang sabihin sainyo"

"I think may pasalubong sya!!" Sigaw ni Cristy nang makita ang mga dalang paper bags.

"Yes it's all for you girls, have it and I hope you'd like it!"

Agad silang nagsigawan at pinag agawan ang mga paper bags, mas naexcite talaga sila sa mga pasalubong.

"Ilang buwan ka din sa Europe ah, ano ba kasing ginawa mo doon Carlo?" Seryosong tanong na nasambit ko sa kanya.

Si Carlo Seo ang producer na pinagkakautangan namin ng loob, sya ang dahilan kung bakit kami sikat ngayon, at bukod dun ay hindi nya ipinaramdam na talent lang kami, mabait sya at maalaga. Halos magkakaedad lang din kami kaya sabi nya ay wag na kaming maging formal sa pakikipag usap sa kanya.

Very close kami nitong si Carlo, nagsasabihan kami ng mga secrets sa isa't isa na parang mag best friends, sya din ang nagpoprotekta saamin lalo na saakin laban sa mga mapanirang tao.

Kung gaano nya kami kamahal ay doble pa ang pagmamahal namin sa kanya. I missed Carlo so much.

"May inasikaso lang ako doon, at since natapos ko na.... dito na muli ako sa pinas! Namiss mo ba ako ng sobra sobra?"

"Oo naman, sino ba ang hindi makakamiss sa ganyang kagwapong producer!" Pambobola ko.

Natawa na lamang sya sa sinabi ko at itinuro saakin ang tatlo na hanggang ngayon ay nag aagawan pa rin.

---

Carlo's POV

Napaka warm ng pagwelcome nila saakin ay este sa mga pasalubong ko pala, pero bukod dun ay natutuwa ako dahil nagkita kita na muli kami.

"Sa tagal ng pagkawala ko anong meron na hindi ko pa alam?" Tanong ko sa kanila

"Si Shaina the number one paint!!" Sigaw ni Kayezy.

"Alam ko na yan!!"

"Si ate Cristy na ginawang bola sa volleyball ang mukha ni Zoelynna!!" Sambit ni Shaina.

"Alam ko na din yan!!"

"Si Kayezy na may bagong manliligaw!" Tugon ni Cristy

"Huh? Totoo ba yun Kayezy? Bakit hindi mo sinasabi saakin?? Magtatampo na ako nyan sayo!!" Pabiro kong sabi

"Yung kuya ni Janelle, sya yung manliligaw!" Sagot ni Kayezy.

"Ah... Mabuti kung ganun! Ano pa ba? Meron pa?" Tanong ko.

"Si Janelle... na wala nang P.A" sigaw ni Shaina.

Napansin ko naman na namula ang pisngi ni Janelle nang marinig ang sinabi ni Shaina.

"Bakit Janelle? Anong nangyari kay Maggie?" Seryoso kong tanong

"Si Maggie nag abroad, pero yung latest nyang P.A. ay...." natigilan si Shaina sa pagsasalita nang pigilan sya ng kanyang ate Cristy.

"Si Janelle ang kinakausap bakit ikaw ang sumasagot!! Ikaw talaga!!" Gigil na tugon ni Cristy na ngayon ay kinikiliti si Shaina.

Tinitigan ko si Janelle pero umiwas sya ng tingin, may tinatago ba sya saakin? At sino ang P.A na sinasabi ni Shaina?

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon