Chapter 24: Fate
Janelle's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng girls sa kwarto. Mukhang may pinagchichismisan sila, ang aga aga!
"Good Morning Janelle!" Paunang bati ni Shaina na para bang kinikilig.
"Good morning din!"
Napansin ko na parang lahat sila kinikilig,,, anong meron ngayon bakit sila ganyan?
Agad akong nagtungo sa cr para mag ayos ng sarili ko nang paglabas ko ay ganun parin ang mga reaksyon nila.
"Bakit ba kayo ganyan? Anong meron?
"Wala naman!" Sambit ni Kayezy
"Sabihin nyo na ano ba ang meron?"
"Wala nga, masyado ka naman nag-iisip ng kung anu-ano!" Tugon ni Cristy
"Siguraduhin nyo lang ah!!"
Nagsimula na silang magtawanan kaya inaya ko nalang sila na bumaba sa lounge para mag breakfast.
"Alam ko na! Kaya pala kayo ganyan kasi hindi pa kayo nagbbreakfast! Iba pala kayo pag nagugutom!"
Wala naman silang sinabi pero nakasunod pa rin sila saakin papunta sa lounge.
Mas lalo ko pang napapansin na mas lalo rin lumalakas ang pagkakilig nila nang malapit na kaming pumasok sa lounge, ano ba talaga ang meron?.
Nang makapasok na kami ay nakita ko ang mga pulang rosas na nakapalibot sa lounge, sa gitna rin ay may maliit na stage at may mga palamuting puso at puno rin ng rose petals ang sahig.
Tinulak nila ako hanggang sa makarating ako sa stage saka naman lumabas ang boys na pinamumunuan ni Carlo.
Mukhang alam ko na ang mangyayari....
Lumapit saakin si Carlo at nag-abot ng isang dosenang puting rosas. Napansin ko na ang isa sa mga ito ay gawa sa plastic.
"Like those roses my love for you is pure. Titigil lang ako sa pagmamahal sayo kapag natuyot na ang kahuli hulihang rose na hawak mo!"
Kaya pala gawa sa plastic ang isang rose kasi it symbolizes forever para sa kanya.
"Janelle, would you be my girl?"
Nararamdaman ko ang mahinang pagnginig ng tuhod ko at lakas ng kabog ng dibdib ko. Nalilito na naman ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot!!!,,,
Lumingon ako sa girls na kinikilig parin at sumisenyas na sumagot ako ng 'oo'. Tumingin din ako sa iba pang boys, lahat sila ay nakangiti pati si Ron!. Totoo ba na ok lang sakanya ang ginagawa ni Carlo? Totoo ba itong nakikita ko na masaya sya para saamin?...
"Janelle, would you be my girl?" Pag-uulit ni Carlo
Huminga ako ng malalim at sumagot...
"Yes!" Expressionless kong sambit.
Narinig ko ang malakas na sigawan at palakpakan ng mga tao sa paligid ko, naramdaman ko rin ang mahigpit na yakap ni Carlo.
Naririnig ko rin ang tibok ng puso nya na sumasabay sa tibok ng puso ko.
Maya maya pa ay may sumigaw na 'kiss' daw, kaya ginawa talaga ni Carlo na halikan ako...
---
Ron's POV
It's official!! Sila na! Masaya ako sa best friend ko dahil sinagot na sya ng babaeng mahal nya. Masaya din ako para kay Janelle, dahil alam ko na iingatan at aalagaan syang mabuti ni Carlo.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.