Chapter 29

253 10 1
                                    


Chapter 29: Live Happily Ever After

Janelle's POV

I'm so nervous!! Natatanaw ko palang sila sa loob ng simbahan kinakabahan na agad ako, paano pa kaya sa paglakad ko papasok.

Everything is perfect, every people have smiles on their faces at ang dream kong wedding heto na!.

Pinigil ko ang aking paghinga nang binuksan na ang pinto ng bridal car. Bawat kilos ko ay kasabay ng pintig ng puso ko.

Unti unti na akong naglalakad patungo sa altar at natatanaw ko na din ang ngiti sa labi ni Ron.

Unti unti ko na din nakikita ang ngiti ng mga kagrupo ko, mas happy pa sila kaysa saakin ngayon.

Wala rin akong ibang naririnig kundi ang wedding song na naka-play. This is really my dream wedding and now it's happening.

Nang makalapit ako kay Ron ay agad akong humawak sa braso nya at sabay namin nilakad ang kaunting distansya hanggang sa altar.

Nang makarating na kami doon ay nagpalitan na agad kami ng aming wedding vows at ginawa ang maikling seremonya sa kasal.

Unti unti na rin inaangat ni Ron ang aking belo at dahan dahang nilalapit ang kanyang mukha sa akin.....at......

"And cut!! Good take!! Pack up na guys!!!" Pasigaw na wika ni derek.

Nagt-taping kami para sa ilalabas namin na bagong music video, ang theme...wedding.

"Ang galing... uwian na ginalingan ng dalawa!" Sambit ni Shaina

"Ano ka ba, dapat lang galingan para sa music video natin 'to!"

"Tapos na ba ang role ko dito? Pwede na ba akong umalis?" Tanong ni Ron

"Hindi pa pwede Ron!! Magce-celebrate tayo at dapat hindi ka mawala!" Pasigaw na sambit ni Carlo habang papalapit saamin.

"Yung girlfriend ko kasi hinihintay na ako sa restaurant!" Wika ni Ron

"Mr. Park!!! Bagay sayo ang suot mo!" Sigaw ni Briyana mula sa pinto ng simbahan.

"Shhhh, ang ingay mo nasa loob tayo ng simbahan oh!" Sambit ni Ron nang makalapit na si Briyana.

"Hi Pink Pop! Hi Sir Carlo!,,, tinawagan ako ni sir, sabi nya pumunta agad ako dito!" Wika ni Briyana

"Magce-celebrate kasi ang Pink Team at dapat kasama kayo ni Ron!" Sambit ni Carlo

"Wow Pink Team!!! Bago yun ah!" Wika ni Shaina.

"Hey! Not bad I liked it!... hashtag Pink Team." Sambit naman ni Kayezy

"Sige magbihis na kayo para makaalis na din tayo!" Utos ni Carlo.

Sa ginawa namin na efforts sana ay mahalin ng mga fans ang music video namin na malapit nang i-release...

----

Ron's POV

Habang nagcecelebrate kami sa isang bar and resto, hindi maiwasan na igisa kami ng mga kasamahan namin..

"Kailan na nga ba ang kasal Ron? Tanong ni Carlo

"Hindi pa namin napag-uusapan yan!"

"Kasi ang totoo ayaw nyang pag-usapan namin! Wala yata akong balak na pakasalan nitong lalaking ito!!" Pabirong sambit ni Briyana

"Hahahaha, is that true?" Wika ni Kayezy

"Syempre!!"

"Anong syempre?? Ikaw mr. Park tigiltigilan mo ako ah!! Baka sapakin ko mukha mo ngayon!" Asar na sambit ni Briyana

"Hahaha, alam ko na Ron ang dahilan mo!!! Ayaw mong maging under sa misis mo!!" Wika ni Carlo

"Hahahaha, sinabi mo pa, ang tapang tapang kaya nya!"

"Ahh ganun? Hetong sayo!!!"

Sambit ni Briyana habang sinasakal sakal ako.

Maya maya pa ay dumating na sina Cedric at Julius na kapwa may dalang mga bulaklak para kina Shaina at Kayezy.

"Uyyyy, kung may metro lang ang kilig siguro ang laki na ng bill nyo ngayon!" Wika ni Cristy

"Enebe!!! Wag ka nga d'yan!!" Pabirong sambit ni Shaina.

"Tama si Shaina, Enebe!!" Natatawang wika ni Kayezy.

Agad na naupo ang dalawa at nakisalo saamin. Ito ang sinasabi ni Carlo... Ang Pink Team, medyo korny pero hindi naman siguro masama na magpaka-korny paminsan minsan! Hahahaha

----

Carlo's POV

"By the way, kumusta ang details ng kasal nyo Shaina at Cedric?"

"Ok na kuya Carlo! Fixed na mula sa invitations hanggang sa wardrobes.!" Sagot ni Shaina

"Buti naman, excited na kaya kami!"

"Konting hintay nalang, it will happen next month!" Wika ni Janelle

"Yung sainyo Kayezy at Julius?"

"We're starting to plan palang, but we decided na gawing simple and unique!" Kinikilig na sambit ni Kayezy

"Nice, mabuti yan!"

"Thank you Carlo!" Wika ni Julius

"Ikaw naman Cristy!"

"Anong ako naman? Wala akong ginagawa sainyo ah!" Pabiro nyang sagot

"Hahaha, hindi ka pa ba niyayaya ni Jin na magpakasal?"

"Hindi pa! But I'm sure he's looking for a perfect time!" Kinikilig din nyang sagot

"Naku kung nasa dorm lang tayo, malamang pillow fight na 'to!" Sambit ni Janelle.

"At ang matalik kong kaibigan na si Ron kailan kaya magpo-propose kay Briyana?"

"Ako na naman Carlo? Gisang gisa na ako ah!" Pabirong sambit nya

"Hahahaha, sana magpropose ka na! Para sabay tayong ikasal, double wedding!!"

"Ibig mong sabihin ay...?"

"Oo!! Guys!! Janelle said 'yes' kagabi nung nagpropose ako!!"

Nakita kong kinilig ang mga babae at tinutukso-tukso si Janelle, si Julius at Cedric naman ay napa-palakpak sa sinabi ko. Ang best friend kong si Ron,, ang laki ng ngiti!

For me, a wedding is not only a precious ceremony but an imaginary ribbon that binds two loving hearts together as one.

"Ang dami pala natin kailangan i-celebrate,, kaya dapat umorder pa tayo ng marami!!"

----

Ron's POV

Dumating ang panahon at nag-isang dibdib na sina Shaina at Cedric. Ilang buwan din matapos noon ay sumunod naman sina Kayezy at Julius, ikinasal sila sa isang maliit na simbahan na tinutulungan ni Julius.

Sa hinaba haba ng paglalakbay at sa dami ng mga taong nakakasalubong, may iisang tao na makakasabay mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, na sya rin ang aagapay sayo kahit na anong mangyari.

Tinupad ko ang gusto ng kaibigan kong si Carlo, ang sabay kaming ikasal sa iisang simbahan. Nakikita ko na magiging masaya sila ni Janelle habang buhay dahil sobra nilang mahal na mahal ang isa't isa. Syempre kami din ni Briyana, araw araw ko syang mamahalin at gagawin ang nararapat at makakabuti para sa kanya.

Hindi ko inakala na noong oras na tinanggap ko na lumayo kay Janelle ay ang oras din na makikilala ko ang babae na tunay na para saakin.

Para saakin, mahahanap mo o mahahanap ka ng taong para sayo sa panahon o oras na hindi mo pinaka-inaasahan. Mapaglaro talaga ang tadhana pero kung magiging matatag ka at kaya mong ipagsapalaran ang damdamin mo ay mayroon kang eighty percent na magtagumpay. Ang nalalabing twenty percent? Dapat paghirapan mo.

Sabi nga sa lyrics ng kanta "love moves in mysterious ways" kaya kung may mahal ka, ikaw na mismo ang tumahak sa mysterious ways na yan, dahil malay mo pagdating sa dulo ay masasabi nya na "sa dami nang tao sa mundo ay ikaw ang itinadhana na maging akin at ako pala ang itinadhana na maging iyo!".

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon