Chapter 19: Confession
Ron's POV
Hinatid namin ni Carlo si Janelle sa dorm nila dahil sa sobrang pag-inom ng wine ay mabilis syang nakatulog kaya inakay namin sya papasok.
Pagkatok namin ay agad naman na binuksan ni manager ang pinto, halata ang gulat nya nang makita ako pero hindi nalang sya umimik at tinuro na lamang saamin ang kwarto ni Janelle.
Pagdating doon ay inihiga namin sya sa kanyang higaan, agad naman kaming pinalabas ni manager dahil sya na daw ang bahala kay Janelle.
Nang makalabas na din kami sa dorm ay naglakas loob akong kausapin si Carlo.
"Gusto mo ba sya?" Paunang tanong ko.
"Sino?" Pagmamaang maangan nya.
"Si Janelle,,, gusto mo ba sya?" Pag-uulit ko.
"Oo! Gustong gusto ko sya!" Seryosong sagot ni Carlo.
Natigilan ako ng bahagya at inaya ko syang maupo sa may hagdan sa labas ng dorm.
"Carlo may aaminin ako sayo!" Mahinahon kong sambit.
"Sa tagal nating hindi nagkita wag mong sabihin na isa ka nang...!" Pabirong wika nya.
Alam ko na ang tinutukoy nya kaya agad ko syang binatukan sa kanyang bunbunan na gustong gusto kong gawin.
"Aray!! Biro lang ikaw naman!!" Sambit nya habang kinakamot ang kanyang bunbunan.
"Naaalala mo ba yung babae na nakasabay natin sa canteen noong high school pa lang tayo?"
"Hindi na masyado, bakit!" Sagot nya
"Yung naging girlfriend ko bago maggraduation! Hindi mo na ba natatandaan?" Pagpipilit kong tanong
"Hindi na talaga!" Matipid nyang sagot.
"Si Janelle yun! Si Janelle yung Ex ko na Pop Star na ngayon dahil sayo." Mahinahon kong pagpapaliwanag
Hindi sya kumibo at napatingin na lang sa kalangitan.
"Carlo nagkita na rin kami noon at naging personal assistant nya, pero pinaalis nya rin ako!" Paghabol ko.
"Ang liit lang talaga ng mundo no? Hindi ko akalain na ex mo pala sya! Hindi ko rin akalain na ganito ang mangyayari!" Wika ni Carlo.
"Carlo I'm sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo noong una palang natin na pagkikita!"
"Wag kang magsorry! Hindi pa naman huli ang lahat! Ako naman ang magtatanong sayo!,,,, mahal mo pa ba sya?" Mahinahong sambit ni Carlo
Tumingala din ako sa kalangitan at tiningnan ang mga bituin...
"Oo mahal ko pa sya!" Direct to the point kong sagot.
"Paano yung girlfriend mo ngayon?"
"Isa pa yun! Ang totoo ay hindi ko talaga sya girlfriend,,, pinagpapanggap ko lang sya, wala kasi akong ibang maisip kanina noong nakita ko si Janelle. Sorry Carlo!" Pagpapaliwanag kong muli.
Narinig ko ang mahina nyang tawa saka tumingin saakin, tumingin din ako sa kanya dahil may gusto pa akong sabihin.
"Ano ang balak mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Balak??"
"Ngayon na alam mo na kung ano ang meron saamin ni Janelle,,, hindi kita pipigilan sa kung ano ang gusto mong gawin!" Sambit ko nang mahinahon
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!" Tanong nya
"Sabi mo may gusto ka sa kanya! Hindi kita pipigilan na ligawan o maging kayo, basta Carlo wag mong ipangako, gawin mo na aalagaan mo sya nang higit pa sa buhay mo, mamahalin mo sya nang tapat at hindi mo sya iiwan!" Nakangiti kong sambit sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.