Chapter 7

273 12 0
                                    


Chapter 7: Numb

Ron's POV

Inayos ko ang mga sapatos ni miss Janelle at agad itong dinala sa kwarto nya. Napansin kong mahilig pala sya kay pikachu, ang daming pikachu sa paligid ng kwarto nya pati cover ng kama at unan si pikachu.

Inilapag ko ang mga sapatos sa gilid ng kanyang kwarto at inikot ko ang aking paningin sa paligid, nahagip ng mga mata ko ang mga pictures nya.

Nagbago na ba talaga sya? Sa pisikal oo, mas gumanda pa sya ngayon pero sana ganun pa rin ang ugali nya, yung mabait na Janelle na nakilala ko.

"Wake up early tomorrow, may photoshoot kami!"

Panggulat na sabi nya habang lumalapit saakin.

"Opo miss Janelle!"

"Sige na lumabas ka na sa kwarto ko!"

"Ah Janelle, tungkol pala doon sa mga nangyari noong nakaraan... Sorry!"

Kung gaano kahina ang boses ko noong sinabi ko yun ay ganoon na man kalakas ang kaba sa dibdib ko.

"Pwede ba 'wag na nating pag usapan yan!!? Ayoko nang ungkatin pa ang nakaraan. Masaya na ako ngayon kaya please stop!! Leave my room now!!!"

----

Shaina's POV

"Photoshoot na bukas sa beach! Oh M,,, Excited na ako ate!!"

Kapag kinakausap ko itong si ate Cristy lagi nalang snob, ewan ko ba kung kapatid ko ba talaga sya o ampon lang sya.

Hinampas ko sya ng unan at agad syang gumanti, aba yun pala ang gusto nyang bonding, ayaw nya ng girl talk gusto talaga nya ng sakitan!! Matindi din pala itong ate ko.

Natigil lang kami nang umayaw na ako, amazona talaga sya, hindi nagpapatalo. Pero kahit ganyan sya.. mahal na mahal ko ang ate ko.

----

Janelle's POV

Maaga kaming pumunta sa location ng photoshoot, isang beach resort na limang milya lang ang layo sa dorm.

"Wow ang ganda dito!!" Sigaw ni Shaina na tumatalon talon pa.

"Oh nandoon na pala yung photographer at naka set up na din pala sila,, kayo kayo girls double time, change up!" Sambit ni manager.

Tumingin ako kay Ron na nagbababa ng mga gamit namin mula sa kotse, sumenyas ako para pabilisin sya at agad naman nyang ginawa.

Natapos din ang photoshoot sa loob lamang ng dalawang oras kaya nagkaroon pa kami ng sandali para magtampisaw sa dagat.

Natanaw ko si Ron na abala sa pagbubuhat ng mga gamit pabalik sa kotse, mukhang wala syang kapaguran. Hmmm!

-----

Ron's POV

Salamat at last luggage na tong karga ko, nakakapagod pala pag may photoshoot sila, ang daming kailangan dalhin.

"Ron, pagod ka na ba?" Tanong ni miss Janelle

"Hindi naman po miss Janelle, ok pa naman po ako" nakangiti kong sagot sa kanya.

"No! You should take some rest!"

Umupo ako sa ilalim ng puno at habang tinatanaw ko ang dagat nakaramdam ako ng relaxation, mukhang inaantok ako pero kailangan ko itong labanan....

Nagising nalang ako nang marinig ko ang pagstart ng makina ng sasakyan, Paalis na sila kaya dali dali akong tumayo at tumakbo papalapit sa kotse.

Hindi pa ako nakakalapit ay bigla nalang itong humarurot kaya nagmadali akong habulin sila.

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon