Chapter 18: In Denial
Janelle's POV
Nakakatuwa at nakakabilib ang mga nag-organized ng birthday party ni Carlo. Ang ganda ng theme, nakakagood vibes.
Nakikita ko na nagkakasayahan na rin sina Shaina at Cedric, sina Kayezy at kuya Julius at sina Cristy at ang pinili nyang date na si Tyson.
"Ang tagal nya!" Nababalisang sambit ni Carlo.
"Bakit Carlo may problema ba?"
"Yung kaibigan ko kasi ang tagal dumating. Ah ipapakilala pala kita sa kanya kapag dumating na sya!" Seryosong sambit nya.
Sinong kaibigan naman kaya ang tinutukoy nya? Sana lang mabait sya para magkasundo agad kami.
"Oh ayan na pala sya!" Pasigaw na tugon ni Carlo.
Hindi ko na naituloy ang iniinom ko nang makita kung sino ang taong hinihintay ni Carlo. Sya ba talaga yun o baka naman kamukha lang!.
"Janelle meet my best friend Ron!" Wika ni Carlo
Natulala lang ako sandali at hindi makapaniwala na kaharap kong muli si Ron.
"Hi Ron!" Tipid kong pagbati
"Hello Miss Janelle! Nice to meet you!" Pagbati nya saakin na para bang ngayon lang kami nagkita.
"Ron dito ka na maupo kasama namin, pero teka!!! Nasaan ang date mo?" Sambit ni Carlo
Lumingon lingon si Ron at napangiti nang makita ang isang babae na papalapit saamin.
"Carlo,,, Miss Janelle,,,I want you to meet Briyana,,,,my girlfriend!"
Naubo ako sa sinabi ni Ron at nakaramdam ng pagsikip ng aking dibdib.
"Excuse me, I need to go to the rest room!" Pagpapaalam ko.
Bakit ako nagi-guilty ngayon? Bakit parang nasaktan ako sa sinabi ni Ron? Alam kong wala akong karapatan magselos pero bakit nakakaramdam ako ng ganun ngayon!?
---
Ron's POV
Binatukan ako ni Briyana nang makaalis si Janelle at pinagtawanan lang ako ni Carlo.
"Bakit mo sinabi na girlfriend mo ako? Wala sa usapan yan ah!" Bulong ni Briyana saakin.
"Sumakay ka na lang, bibigyan kita ng bonus!" Bulong ko rin sakanya.
"Sige ah, aasahan ko yan, kapag di ka tumupad susuntukin talaga kita!" Pabirong bulong ni Briyana
"Carlo bago ko pala makalimutan Happy Birthday!" Pagbati ko kay Carlo sabay abot ng regalo ko sakanya.
"Uyy Salamat!! Teka, baka Gin nanaman to ah? Ganyan ka kapag magreregalo noon binabalot mo yung Gin. Hahaha" pabirong sambit ni Carlo.
Pilyo talaga ako noon, pero matagal na yun kinalimutan ko na ang mga kakulitan kong hindi kanais nais.
"Kailan pa naging kayo ng girlfriend mo?" Tanong nya
"Ahh,, last week lang! Oo last week lang!" Pagpapanggap ko.
Sinisiko ako ni Briyana na para bang may gustong sabihin.
"Ano ba? Bakit anong problema mo?" Pabulong kong tanong sakanya.
"Samahan mo akong kumuha ng pagkain kanina pa ako nagugutom dito oh!" Pabulong nya ring sambit.
"Uyy anong pinagbubulungan nyo d'yan love birds?" Birong tanong ni Carlo.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.