Chapter 5: The Game Begins
Ron's POV
Agad akong nagpaalam kay mama na pupunta na ako sa dorm nila Janelle. Ayokong ma-late sa unang araw ng pagiging assistant nya.
Nang makarating na ako doon ay nakita kong nakatayo si Janelle sa pinto na para bang inip na inip na.
"Janelle! Late na ba ako? Maaga akong umalis sa bahay pero ang traffic kaya natagalan ako!"
"Good at nandito ka na!!!, from now on wag mo akong tatawaging Janelle lang... It should be Miss Janelle!"
Seryoso ang reaksyon nya nang sinabi nya yun kaya inisip ko na dapat ko ngang gawin ang bagay na sinabi nya.
"Ok miss Janelle!"
"Good!!!, now get inside at ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo!"
Pumasok agad ako at naabutan ang iba pang myembro ng Pink Pop, busy silang lahat, may nakikinig sa music, naglalaro ng game sa cellphone at yung isa ay sumasayaw. Natanaw ko rin sa glass door ang manager nila na nasa likod ng dorm.
"Ron!!! Ano ba umakyat ka na dito!!" Pasigaw na utos ni miss Janelle saakin na agad ko namang ginawa.
"Ron, ito yung magiging kwarto mo."
Binuksan nya ang pinto at tumambad saakin ang napakaduming kwarto. Bodega ba to??
"Pasensya ka na Ron, hindi na namin nalilinis tong kwarto, bodega lang kasi namin ito. Wala nang ibang available kundi ito lang! Ok lang ba sayo?"
"Ahh miss Janelle, walang problema sakin, kaya kong linisin ang kwartong yan, makikita mo mamaya linis na yan!" Natatawa kong sambit na sinagot naman nya ng tipid na ngiti.
Iniwan na nya ako at nagsimula na rin akong maglinis ng kwarto, ang daming nakatambak kaya dapat igilid ko ang mga yun para may pwesto akong pagtutulugan.
Walang kama dito sa kwarto kaya sa lapag ako matutulog. Ilang oras din ang lumipas nang matapos kong linisin ang magiging kwarto ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako at bumaba. Sakto naman na may pagkain sa mesa nila, kaya hinanap ko si miss Janelle para magpaalam kung pwede bang kumain.
Hindi ko sya nakita sa likod at labas ng dorm kaya sa manager nalang nila ako nagpaalam. Hindi naman sya nagdalawang isip at agad nya akong pinayagang kainin ang pagkain na nasa mesa.
Ang sarap naman nito... mukhang mamahalin pa.
Abala ako sa pagkain kaya hindi ko napansin na may umupo pala sa tabi ko, mabubulunan sana ako sa gulat, nakita ko rin na nakangiti sya saakin.
"So how's the food?"
"Masarap po! Mahal siguro to!"
Napahalakhak naman ang babaeng katabi ko. Ang angas nyang tingnan, para syang bad girl.
"Kayezy!!!... my name is Kayezy!"
Sambit nya habang iniabot sa akin ang kamay para makipag shake hands.
Agad ko namang hinawakan ang kamay nya, ang friendly pala nya, mukha syang bad girl pero ang bait pala.
"Ron po!!"
"Pwede ba wag mo na akong i-po!!!
Si Janelle lang ang boss mo kaya sa kanya ka lang magsabi ng mga ganyang salita"
Napansin kong tumingin sya sa suot nyang wrist watch at nagmadaling umakyat sa hagdan na para bang may hinahabol.
----
Janelle's POV
"Nasaan na ba si Kayezy?!!" Tanong ko sa mga kasamahan ko.
"Nasa baba pa siguro!!"
"Anong oras na, kailangan na nating magpractice, time is expensive... alam nya dapat yan!!" Padabog kong sambit.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Kayezy, nakangiti ito saamin at isa isa kaming niyakap.
"Alam na alam mo talaga kung paano kami lambingin noh?"
"Sorry na Janelle, bihira lang naman ako ma-late!!"
"Ok fine, now let's start!!!"
Kailangan naming magpractice ng sayaw para sa ilalabas na bagong music video. At dapat lang na maganda ang magiging kabuohan ng sayaw namin. Para masayahan ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa Pink Pop.
----
Manager's POV
Natutuwa ako sa mga myembro ng Pink Pop at napaka dedicated nila sa kanilang ginagawa, I'm very proud sa apat.
Kakatapos ko lang mag ayos ng mga halaman sa garden, mukhang bukod sa pagma-manage ay may talent din ako sa landscaping. 😀
Narinig ko rin ang tugtog na nanggagaling sa taas ng dorm, hudyat na nagsimula nang magpractice ang Pink Pop.
Pagpasok ko sa loob ay nakita kong abala si Ron sa paghuhugas ng mga hugasin, mukha naman syang mapagkakatiwalaan, kung ako lang sana ay hindi ako papayag na dito sya tumira, dahil bukod sa mga babae kaming lahat na nandito ay ang awkward pa.
"Ron, hindi ka naman siguro gagawa ng masama na ikakagalit ko diba?"
Natigilan sya sa kanyang ginagawa at tumingin saakin.
"Opo ma'am,, hindi naman po ako masamang tao" nakangiting sambit nya
"Nakikita ko kasi sa mga balita na yung mga manloloko sa ngayon ay napaka desente na, kaya hindi mo talaga mapaghihinalaang masamang tao!"
"Ma'am pangako ko po na ako mismo ang magtatanggol sainyo kapag may pumasok na masamang tao dito!"
Mahinang natawa si Ron at maging ako ay nahawa sa tawa nya. Magaan naman pala syang kasama, hindi naman siguro ako bibiguin ng lalaking to. Magtitiwala ako!
"Oh sya sige!! Excuse muna Ron at magpapadeliver ako ng lunch natin."
"Hindi po kayo nagluluto dito ma'am?"
Tumango ako sa tanong nya habang hawak ang cellphone ko. Natigilan ako sa pag dial ng number nung nakita kong tinaas nya ang kamay nya na para bang may sasabihin.
"Ma'am ako nalang po ang magluluto para sainyong lahat!!"
"Hmm? Talaga marunong ka?"
"Opo ma'am, nagmana po ako ng talent sa mama ko!"
----
Ron's POV
Lagi nalang bang sa fastfood ang kinakain nila dito? Siguro sawa na sila sa lasa kapag paulit ulit na nilang nakakain.
Nagsuggest nalang ako kay manager na ako nalang ang magluluto para maiba naman ang kanilang kakainin sa ngayon.
Binuksan ko ang mga drawer at wala akong ibang nakita kundi mga instant noodles... Napatingin tuloy ako kay manager, lumapit sa kanya at ngumiti.
"Ma'am,,,,, pwede po bang humingi ng pera ipambibili ko po ng ingredients" nahihiya kong sambit sa kanya.
Wala nang anupaman ay agad syang naglabas ng pera at iniabot ito saakin..
"Heto! Bilisan mo lang ha!?"
"Opo ma'am, makakaasa po kayo!"
Kinuha ko ang pambili at agad na lumabas para magtungo sa palengke. Inspired akong magluto ngayon.... sana magustuhan nila, sana magustuhan mo Janelle....
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.