Chapter 26: Way Back
Ron's POV
Iniligpit na namin muli ang aming mga gamit at isinakay sa van, babalik na ulit kami sa city at haharapin na naman ang panibagong mga pagsubok.
"I'm so sad, bitin ang vacation, I wish we have more days here!" Sambit ni Shaina
"Tama ka! Bitin ang three days kung nageenjoy ka!" Wika ni Cristy
"Ok na ba ang mga gamit nyo?" Paalala ni Carlo
"Ok na! Naikarga na din namin sa van!" Sambit ni Cedric
"Wag na kayong malungkot girls kasi babalik tayo dito some other time!" Paliwanag ni Carlo
Sumakay na kami sa van at ganun pa din ang naging pwesto namin. Hindi na rin tahimik ang paglalakbay namin kasi lahat kami ay nagkakasayahan at nag-aasaran na. Masasabi ko na close na kaming lahat. Salamat kay Carlo!.
"Ano ang pinakamamimiss nyo sa resort na yun?" Tanong ni Julius
"Ako! Yung malinaw na tubig at white sand!" Sagot ni Kayezy
"Ako naman yung mga pagkain!" Sagot ni Cedric na natatawa pa
"Me yung magandang view!" Sagot ni Shaina.
"Ako yung katawan ni Ron!" Pabirong sambit ni Briyana.
Nagsitawanan ang lahat nang marinig ang sagot ni Briyana.
"Sinasabi ko na nga eh!" Sambit ko
Wala kaming ibang ginawa sa loob ng van kundi ang sumagot sa mga tanong, kumanta at magkasahayan.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay agad akong nagpaalam, bumaba ako at kinuha ang gamit ko.
"Dito nalang din po ako bababa!" Sambit ni Briyana
"Malayo pa bahay nyo dito!"
"Si Ron nalang po ang maghahatid saakin!" Wika nya.
Agad din syang bumaba at kinuha ang mga gamit. Sabay naming tinatanaw ang van nang umandar ma ito.
"Feeling ko namimiss ko agad sila!" Sambit ni Briyana
"Ako din, pwera biro ganun din ang nararamdaman ko!"
"Sige Ron, dito nalang ako maghihintay ng taxi!"
"Pumasok ka muna sa bahay namin!"
"Wag na nakakahiya!!"
"Ano?? Ikaw nahihiya? Walang ganyanan!"
"Hahaha, hindi na talaga!"
"Ayaw mo ba makilala ang parents at mga kapatid ko?"
"Huh? Seryoso ipapakilala mo na ako sa kanila? Tapos ba nito magpapakasal na tayo?"
"Sira ka talaga! Hahaha"
"Sige, gusto ko rin silang makilala!"
Agad kaming pumasok sa bahay at sakto na nagmomovie marathon sina mama, papa at ang mga kapatid ko.
"Magandang hapon po!" Pagbati ni Briyana
"Oh andyan na pala kayo, kumusta ang vacation?" Sambit ni mama sabay beso kay Briyana
"Ok naman po tita!"
Siniko ko ng mahina si Briyana at pinagmulatan ng mata.
"Tita ka d'yan!!"
"Ano ka ba paggalang yun noh!"
"Ah, ma, pa,,, si Briyana po!"
"Sya na ba ang magdadala ng mga apo ko?" Pabirong sambit ni papa na nananatiling nakaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanficA short story of how a man's decision can change his entire life.