Chapter 25: The Dream
Janelle's POV
"Girls, nanaginip ako kanina,, may tinulungan daw akong matandang babae tapos nagkausap kami hanggang may inabot sya saaking isang kinakalawang ng relo tapos ay naglaho na sya!"
"Creepy dream Janelle, forget about it!" Sambit ni Cristy
"Anong itsura ng matandang babae?" Tanong ni Kayezy
"Hindi ko na matandaan!"
"Oh M G, baka may meaning ang dream mo na yun!" Wika ni Shaina
"Hindi ko alam pero nang magising ako feeling ko pagod na pagod ako!"
"Nabasa ko yan sa internet, kapag nanaginip ka daw at nagising kang pagod na pagod ibig sabihin nun ay gumagana ang utak mo kahit na tulog ka!" Pagpapaliwanag ni Briyana
"Ah, kaya naman pala, buti nalang sinabi mo, I'm bothered kasi!"
"At yung sinabi mo na binigyan ka nya ng kinakalawang na relo may ibig sabihin din yun!" Wika ni Briyana
"Anong ibig sabihin nun?"
"Ang ibig sabihin nun ay naghihintay ka sa nakaraan!" Mariing sabi nya.
"Weird, sino ba ang maghihintay sa nakaraan!" Sambit ni Kayezy
"Hindi ko rin alam pero yun ang nabasa ko sa internet!" Paliwanag ni Briyana
Naghihintay sa nakaraan? Anong nakaraan? Napatigil na lamang ako nang maalala ko ang sabi ng matanda sa panaginip ko.
"Ang lumalabas na salita sa bibig ay kadalasan nanggagaling sa utak, pero hindi ito tugma sa kung ano talaga ang nais sabihin ng puso!"
Marahil ay may point sila, si Ron pa rin ang nasa puso ko kahit na si Carlo ang nasa utak ko.
Siguro ay naguguluhan ako noon kaya nanaginip ako ng ganung bagay.
"Janelle!! Ba't natulala ka?" Tanong ni Kayezy
"Wala naman may iniisip lang!"
"By the way, why don't we just go out there and swim like a mermaids!" Sambit ni Shaina
"Ayan ka na naman sa fairytale mo Shaina ah!" Wika ni Cristy
"Ahhhh, kahit kailan talaga kinukontra mo lagi ako, siguro ikaw ang evil step sister o evil squid na kalaban ng mga mermaids!" Pabirong sambit ni Shaina.
"Oo ako ang evil squid kaya humanda kayo!" Wika ni Cristy.
"Pillow fight!!!" Sigaw ni Kayezy.
Katulad ng dati ay nagsimula na naman kami sa favorite hobby namin ang maghampasan ng unan. Pink Pop plus Briyana Pillow Fight.
---
Carlo's POV
"Ron! Ok lang ba talaga sayo?"
"Ang alin?"
"Wag ka ngang mag maang maangan d'yan!" Wika ko sabay katok sa bunbunan nya.
Hahaha sa wakas nakaganti na ako...
"Tungkol ba sa inyo ni Janelle? Ok lang saakin yun! Diba matagal na tayong nag-usap tungkol d'yan, pinangako mo na naman saakin na aalagaan mo sya at hindi mo sya iiwan!" Sambit nya habang kinakamot ang kinatok kong bunbunan nya.
"Salamat Ron!"
"Salamat saan?"
"Salamat sa pagiging understanding mong kaibigan! Bihira na sa mundo ang tulad mo!"
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.