Chapter 11

242 12 0
                                    


Chapter 11: Guilty

Janelle's POV

Sa round 2 ay kailangan namin kantahin ang aming latest single. Katulad kanina ay intro pa lang nagsisigawan at nagpapalakpakan na ang mga tao.

Maya maya pa ay biglang may naghagis ng pintura mula sa backstage at saktong natamaan si Shaina.

Nagsitawanan ang mga tao at sa sobrang kahihiyan ay napansin ko na namumula ang mga mata ni Shaina, naiiyak sya sa nangyari.

"Girls lets go!... sa backstage!!" Anyaya ko sa kanila.

Nang makarating kami sa backstage ay nakita kong may hawak na lalagyang may paint balloons si Ron.

Dahil dun ay kumulo ang dugo ko at hindi ko napigil ang aking sarili na sampalin sya.

"How dare you!!... Gumaganti ka? Ang kapal ng mukha mo samantalang P.A lang kita!!! Para saakin ba dapat ang pinturang yan!!?"

Hindi ko na hinayaang makapagsalita si Ron, muli ko syang binigyan ng malakas na sampal at dahil dun ay nabitawan nya ang hawak nyang container.

"You're fired!!!" Pasigaw na sambit ko sa kanya.

----

Ron's POV

Alam kong kayang kaya nila ang showdown na yun buo ang tiwala ko sa Pink Pop.

Pumunta ako sa backstage para ayusin ang mga gamit ng Pink Pop dahil naisip ko na baka malapit na silang matapos.

Nakarinig ako ng sigaw na sinundan ng malakas na tawanan, titingnan ko na sana kaso nakita ko ang isang lalagyang may laman na paint balloons na nakaharang sa daan.

"Huh? Tsk tsk tsk!! Baka may maaksidente dahil dito!" Sambit ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang lalagyan at sakto naman na dumating sila Janelle at ang iba pang miyembro ng Pink Pop.

Lumapit si Janelle at agad akong sinampal, bakit nya ginawa yun? Anong kasalanan ko?

"How dare you!!... Gumaganti ka? Ang kapal ng mukha mo samantalang P.A lang kita!! Para saakin ba dapat ang pinturang yan!!?"

Galit na galit sya habang sinasambit nya ang mga salitang iyon. Napansin ko rin si Shaina na may pintura sa ulo...

Magpapaliwanag na sana ako nang dumampi muli saakin ang malakas nyang sampal.

Sinisante nya rin ako, pagkatapos nun ay umalis na sila.

Ang totoo ay hindi ako nasaktan sa mga sampal ni Janelle, mas nasaktan ako sa matalim na salitang binitawan nya.

Bumalik ako sa dorm nila at nakita ko ang mga gamit ko na nasa labas ng pinto, desidido na talaga sya na paalisin ako.

Wala akong magagawa sa desisyon nya, hanggang dito nalang siguro ako, kailangan ko na rin bumalik sa dati kong buhay... ang buhay ko na wala si Janelle.

---

Shaina's POV

"Hindi ako makapaniwala na magagawa nya yun!" Nalulungkot kong sambit sa kanila.

"Hindi naman talaga nya magagawa yun, naniniwala akong hindi sya ang gumawa nun!!" Pagtatanggol ni Kayezy.

"Kung hindi lang agad tayo umalis doon kanina... sasampalin ko din sya!!" Inis ding sambit ni ate Cristy.

"Let's not talk about it anymore!! Pinaalis ko na sya... so please wag na nating syang pag usapan!!" Pataray na sambit ni Janelle.

"Hmmmm I hate it,, nag dry tuloy ang hair ko dahil dun sa solution na pantanggal sa pintura!!" Mangiyak ngiyak kong sambit.

Sandali lamang ay lumapit saamin si manager, sinabi nya na trending daw ang nangyari saakin kanina. Oh M G!!! Naalala kong Live pala yung kanina.

"Hmmm ano ba yan!! Nakakahiya na!!" Sambit ko.

"Don't worry, maraming sumisimpatya sayo, ang totoo ay galit na galit din sila sa taong gumawa nun sayo!" Wika ni manager

"Talaga po manager?" Tanong ko

"Alam na po ba nila na si Ron ang gumawa nun?" Tanong din ni ate Cristy

"Hindi! Hindi nila kailangan malaman pa! Magiging kawawa sya kapag nalaman ng mga fans nyo!!" Pangambang sagot ni manager.

"Dapat lang na pagbayaran nya ang ginawa nya!!" Inis na sambit ni ate Cristy.

"Ano ka ba Cristy!!! Hindi mo ba nakita ang nangyari sa kanya kanina? Siguro naman ay sapat na yon!!" Pasigaw na sambit ni Kayezy.

Para saakin ay tama sya, mas naaawa ako kay Ron.

"By the way,, pintura lang naman yun at natanggal na kaya let's move on bitches!!" Pabiro kong sambit.

"Ah bitches pala huh!!" Natatawang sambit ni ate Cristy

Nilapitan nila ako at kiniliti, grabe sila pinagkaisahan nila ako..

Naghahanda na ako para sa date namin ni Cedric nang mapansin ko na tila nalulungkot si ate Cristy.

"Ate! Bakit malungkot ka?"

"Inaalala ko lang yung kanina, ayoko kasing nasasaktan o may nananakit sayo!"

"Hmmm, ang sweet ng ate ko! Pero diba sabi ko move on na tayo!" Sambit ko habang niyayakap sya.

Napangiti ko si ate dahil sa paglalambing ko, maya maya pa ay napansin ko na ang oras...

"6:30 na!, sige ate aalis na ako at dun ko nalang hihintayin si Cedric sa labas"

----

Cedric's POV

Huminto ako sa tapat ng dorm nila at saktong nakita na papalabas na si Shaina.

Lumabas din ako sa kotse para salubungin sya, dala ko ang isang bugkos ng mga rosas at agad na iniabot sa kanya ito.

Inalalayan ko syang pumasok sa kotse at sinimulan ko na rin na magdrive papunta sa date place namin.

----

Shaina's POV

Wala akong ibang naiisip gawin kundi ang ngumiti, grabe kinikilig ako!

"Pwede ka naman magsalita kung gusto mo!" Sambit ni Cedric

"Ahh eh kasi..." nalilito kong sagot.

Blangko ang utak ko ngayon,, at saka nahihiya ako sa kanya. Matapos ko syang balewalain noon hindi ako makapaniwala na hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nya para saakin.

"Sige ako nalang ang magtatanong!" Nakangiti nyang sambit na agad na nagpakaba saakin.

Naku!!! Ano ba ang itatanong nya!!? Masasagot ko kaya ng tama?? Aligagang sambit ko sa aking isip.

"Kumusta ka na?" Tanong nya.

Huh? Yun lang yon? Nangungumusta lang sya??

"I'm fine Cedric!" Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang kilig ko.

"I heard what happened earlier and I'm so worried!" Seryoso nyang sabi

"Ah yun ba, well ok na ako, at natanggal na din yung paint sa ulo ko!"

Napatingin naman ako sa kanya nang bigla syang tumawa ng malakas.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala naman!" Tipid nyang sagot

"Hmmm, sabihin mo na kasi!" Tanong kong muli nang mapansin kong hindi pa sya tumitigil sa pagtawa.

"Kasi nakakatawa yung itsura mo kanina, alam mo ba na kalat na sa internet yung picture mo na ginawang memes!" Natatawa pa rin nyang sambit.

"Huh!! Grabe ka naman saakin, nag eenjoy ka talagang makita akong napapahiya noh?" Patampong wika ko.

"Hindi ah!! Natutuwa lang talaga ako kasi kahit na wacky ang mukha mo dun sa picture ay napakaganda mo parin!" Pagpapaliwanag nya.

Hmmm, Enebe nemen yen!! Kenekeleg na naman tuloy ako!!!

My Ex is now a Pop StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon