Chapter 27: Fame
Janelle's POV
Lumipas ang ilang buwan at unti unti ko nang nabubura ang pagmamahal ko kay Ron. Dahil na rin siguro sa hindi namin pagkikita. Ang saya na nararamdaman ko ay laging ibinibigay ni Carlo.
Hindi napipilit ang puso na umibig pero dahil sa mga efforts at tiyaga ni Carlo ay unti unti ko na rin syang natututunang mahalin.
Ang concert na dati ay naposponed sa wakas natuloy na. Marami ang nanuod kaya sobrang saya namin.
Marami na rin ang fans na nagmamahal saamin kasabay noon ay ang mga haters at bashers na hindi maiwasan.
Ang dati naming kaaway na si Zoelynna ay tumigil na sa showbiz. Ang balita namin ay nangibang bansa sya at doon na balak manirahan.
Si Shaina at Cedric ay puspusan na ang paghahanda para sa nalalapit nilang kasal. Syempre kami nina Cristy at Kayezy ang kanyang mga bride's maid at si manager ang maid of honor.
Wala akong balita kina Ron at kay Briyana, pero ang nasa isip ko lang ay sana masaya sila.
"Ang lalim ng iniisip mo!" Wika ni Carlo habang nakayakap sa likod ko
"Iniisip ko lang yung mga masasayang nangyayari sana ay wag nang matapos ang lahat.!"
"Pangako ko, hindi matatapos ang kasiyahan na nararamdaman mo.!"
"Thank you Carlo! Dahil matiyaga kang naghintay saakin. Thank you kasi hindi ka nagmadali at minamahal mo pa rin ako hanggang ngayon!"
"Shhhh, don't thank me! You deserve to be loved! At mapalad ako dahil ako ang lalake na nagbibigay sayo nang pagmamahal na yun!"
Humarap ako sa kanya at tinitigan sya kasabay ng paghawak ko ng mahigpit sa mga kamay nya.
"Darating din ang araw na mamahalin na kita ng buo. At gusto ko sa araw na yun ay nandyan ka pa din sa tabi ko!"
"I will Janelle, hinding hindi ako aalis sa tabi mo, hinding hindi ako kakawala sa pagyakap ko sayo at higit sa lahat nais ko na maging panghabang buhay mo!"
Wala akong nasabi matapos nun kaya ang ginawa ko ay humalik sa kanyang labi at yakapin sya ng mahigpit na mahigpit...
----
Ron's POV
Ilang araw hanggang sa naging ilang buwan na hindi nagpaparamdam saakin si Briyana. Naiintindihan ko kung bakit sya naging ganun kaya wala akong dapat na ikasama ng loob.
Kahit na hindi na kami nagkikita ni Janelle at ng Pink Pop ay updated pa rin ako sa mga kaganapan sa buhay nila. May trusted source ako... ang best friend kong si Carlo.
Nagpapasalamat ako dahil naging open minded kami noon at hindi ako naging makasarili. Kadalasan kasi sa mga magkaibigan na nagkakaribal sa isang babae ay nauuwi sa friendship over. I'm glad na dahil doon ay mas tumibay pa ang pagkakaibigan namin.
I'm proud to say this, yung family ko mas lalong tumatag at dumami pa ang business ng parents ko at yung restaurant ko na noon ay hanggang first floor lang,, ngayon may second floor na! Hahaha!!
"Anong iniisip mo d'yan?"
Napalingon ako nang may isang babae ang nagsalita at lumaki ang ngiti sa labi ko nang makita si Briyana.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Magpapaayos sana ako ng kotse ko kaso naalala ko na restaurant pala 'to!"
Hindi ako nakapagpigil at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na sobrang miss na kita!"
"Weh? Talaga? Don't me mr. Park ah!!"
"Araw araw kitang hinihintay! Ayoko naman na pumunta sa inyo dahil alam ko na galit ka!"
"Hindi ako galit mr. Park! At hindi ako nagalit!"
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya at hinarap sya.
"Pero bakit ngayon ka lang?"
"Nag-aral ako ng vocational course, six months din yun at kailangan kong magseryoso para makapasa!"
"Akala ko gusto mong maging Pop star!"
"Matagal na akong hindi nagtitraining, pinakiusapan ko si sir Carlo na kung pwede ay huwag ipaalam sayo!"
"Paano yung pangarap mo?"
"Alam mo ba kung ano na ang pangarap ko ngayon?"
"Ano?"
"Yun ay ang maging pangarap mo!! Hahaha joke!! Yung vocational course na pinili ko ay may kinalaman sa pagluluto, nagbago ang isip ko at gusto ko ma palang maging kusinera!"
"Good! Gusto mo ba na magtrabaho dito?"
"Ayyiee!!! Para ano? Para araw araw mo akong makikita?"
"Ganun na din yun!"
"Eeeeehhhh!!!! Ano ka ba mr. Park!!"
"Briyana, halata naman na siguro na mahal kita! Pwede mo ba ako bigyan ng chance para mas maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko?"
"Ngayon lang tayo ulit nagkita tapos pagtitripan mo ako ng ganyan! Don't me talaga mr. Park!"
Isa lang ang paraan para maniwala sya, isang paraan na dapat kong gawin... Hinawakan ko ang mga pisngi nya at unti unting nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Hahalikan ko na sana sya nang bigla nya akong inunahan.
"Slow ka pa rin mr. Park!"
"Ako dapat ang hahalik sayo para patunayan na mahal kita!!"
"Di na mr. Park!! Ako na ang nauna kasi ang slow slow mo!"
Muli ay hinalikan ko sya at niyakap ng mahigpit.
"I love you Briyana!!"
"Alam mo Ron mas mahal kita! Ikaw lang talaga ang hinihintay ko noon pa!"
"Nandito na ako at wag kang mag-alala dahil hindi na kita iiwan!"
Lumayo sya ng kaunti saakin at natawa na parang baliw.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bakit tawang baliw ka!?"
"Wala lang masama ba? Ron Thank you pala ah!!"
"Para saan?"
"Kasi simula noong inaway mo si tatay, tumigil na sya sa pag-inom ng alak. Naghanap sya ng trabaho at ngayon ay factory worker sya!. Malaki ang pasasalamat ko sayo at maging si tatay ay nagpapasalamat din sayo, dahil kung hindi mo daw sya pinaliwanagan ay malamang nasa dilim pa rin daw sya!"
"Ganun ba, salamat naman at nakakahiya din!"
"Wag kang mahiya, sa totoo lang gusto ka ni tatay para saakin, maipagtatanggol mo daw kasi ako!"
Ngumiti na lamang ako at muli syang niyakap. Masaya ako at kaya ko nang ipagtanggol ang babaeng mahal ko. Hindi ko man ito nagawa noon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nagawa ko na ito ngayon.
"Maghapon ba tayong magyayakapan mr. Park?"
"Kung gusto mo mrs. Park!"
"Eeehhhh, ano ka ba Ron!"
Kumawala sya sa pagkakayakap ko at sumenyas gamit ang kamao nya.
"Bakit? Doon na din naman papunta yun ah! Mrs. Briyana Park!!"
"Eeeeehhhh!!! Gusto ko ligawan mo muna ako, babae pa rin ako noh, gusto ko maexperience yun!"
"Ahhmm, hindi ako marunong manligaw eh!!!"
"Hay naku!! Sige na pakainin mo nalang muna ako dito sa restaurant mo.... Slow mr. Park!"
Tawa na lamang ang naisukli ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko din ang mukha nya ay hindi ko mapigilan na mag-imagine na ikinakasal na kami. Soon magkakatotoo yan!.
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanficA short story of how a man's decision can change his entire life.