Chapter 10: Hardest Word
Janelle's POV
Ayoko nang maalala ang nangyari kagabi, mas mabuti nang ibaon yun sa limot dahil hindi ito mahalaga.
I'm drinking my coffee nang mapansin ko ang isang invitation na nakapatong sa mesa..
"Excuse me Cristy! Kanino yang invitation?" Nagtatakang tanong ko.
"Para saatin yan, may tv guesting ulit tayo!"
"Huh? Tv guesting ulit!!? Saan? Dun ba sa dati nating pinuntahan?" Aligagang tanong ni Shaina.
Bakit kaya sya aligaga? Tv guesting lang naman pala yan.
Binasa ko ang invitation at napansin ko na bukas na pala 'to, ikinataas ng kilay ko nang mabasa ko ang salitang 'be prepared'.
Lagi naman kaming handa, so nothing to worry about!.
"Nasaan ang P.A. ko?"
Tanong ko sa kanila nang mapansin ko na wala sya.
"Kasama nya si Kayezy! Magjojogging daw sila!" Kinikilig na sambit ni Shaina.
Di ko maipaliwanag pero nawalan ako ng ganang ubusin ang coffee ko!
----
Kayezy's POV
Ipinahiram saakin ni Ron ang suot nyang sumbrero, baka daw kasi may makakita saakin at pagkaguluhan ako. Concerned?
"Ayan! Wag mo munang tatanggalin hanggang sa makabalik na tayo sa dorm nyo!"
Tinitingnan kong mabuti ang nakangiti nyang mukha, hindi ko maiwasan na makadama ng sinasabi nilang butterflies in stomach.
"Ready?" Tanong nya
"Ah eh,, oo ready na ako!"
Sabay naming tinakbo ang subdivision's circle, naka tatlong ikot kami nang makaramdam ako ng pagod.
"Pagod ka na ba? ...Ok ka lang?" Pag aalala nyang tanong nang makita nya na napasandal ako sa isang puno.
"Ok lang ako! I'm just catching my breath!"
Inalalayan nya ako at pinaupo sa isang bench, inayos nya rin ang suot kong sumbrero.
"Kung pagod ka na umuwi na tayo!" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nya habang sinasambit nya ang mga katagang iyon.
"No!! Hindi ako madaling sumuko, kung gusto ko ang isang bagay... gagawin ko ang lahat makuha lang ito kahit na sobrang pagod at paghihirap ang maramdaman ko!"
Nakita kong nagseryoso ang mukha nya, ang kaninang nakangiti nyang aura ay napalitan ng expressionless face.
"Ako din! Hindi rin ako madaling sumuko, kaya kong magsakripisyo para sa mga bagay na gusto ko!"
Hindi ako umimik pero nakatitig pa rin ako sa mukha nya.
"Pareho pala tayo!!!" Pahabol na sambit nya.
Bigla syang lumingon sa akin at pinakawalan ang nakakakilig nyang ngiti. Naku!! Nararamdaman ko na naman ang butterflies in my stomach.
---
Ron's POV
Nang matapos na ang pagjojogging namin ni Kayezy ay bumalik na kami sa dorm nila, ang saya nya talagang kasama hindi ko man lang naramdaman ang pagod.
"Who told you to flirt!!!" Pambungad na sambit ni Janelle nang makapasok kami sa dorm.
Natigilan ako at napatingin kay Kayezy, at saka ibinalik kay Janelle ang aking paningin..
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.