Chapter 21: Answer
Carlo's POV
Agad kong dinala si Janelle sa hospital nang mawalan sya ng malay. Kinakabahan ako kung ano ba ang naging dahilan kung bakit sya nawalan ng malay.
"Doc, is she ok?" Pangamba kong tanong
"She's fine, I think she's been very tired this past few days and it triggers her to faint." Paliwanag ng doktor.
"Thank you doc!"
Agad kong nilapitan si Janelle na nagpapahinga sa hospital bed. Ipinaalam ko na rin sa manager nya ang nangyari.
Habang pinagmamasdan ko sya ay hindi ko maiwasan na mapaisip kung gaano kaganda si Janelle. Bukod sa panlabas na anyo ay maganda rin pati ang kanyang kalooban.
Hinawakan ko ang kanyang noo at napansin kong nagkakaroon na sya nang malay.
"Are you fine now? Anong nararamdaman mo?"
"Si Ron?"
Natigilan ako nang marinig ang sinabi nya,, hinahanap nya si Ron, pero bakit?
"Wala sya dito Janelle!"
"Akala ko nandito sya, naramdaman ko kasi ang kamay nya sa noo ko!"
"Janelle magpahinga ka muna, sabi ng doktor dahil sa pagod kaya ka nawalan ng malay!"
"I'm sorry!"
"Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka naman ginagawa!"
Ngumiti sya saakin at ipinikit muli ang kanyang mata...
Iniisip nya si Ron kahit na ako ang kasama nya, hindi kaya mahal pa nya si Ron?
----
Shaina's POV
Labis kaming nag-aalala sa nangyari kay Janelle, pinuntahan na sya ni manager sa hospital at buti naman ok lang daw sya sabi ni kuya Carlo.
"Kayezy anong ginagawa mo?"
"Tinitingnan ko yung mga nagkalat na balita sa social media tungkol kay Janelle, ang daming comments!" Pagpapaliwanag nya
"Ang bilis naman kumalat ng balita, grabe na talaga ngayon!" Sambit ko.
"Hayaan mo na yan! Stress lang ang mapapala mo d'yan Kayezy!" Paliwanag ni ate Cristy
"Tama si ate Cristy, stop scrolling!"
----
Ron's POV
"Hoy!!! Sino yang ka-chat mo?" Pabiro kong tanong kay Briyana.
"Wala, hindi ako nakikipagchat, binabasa ko lang itong article ng isang social media page, si Janelle daw sinugod sa hospital kanina lang!"
"Huh? Patingin!"
Kinuha ko ang cellphone nya at binasa ang article. Kinabahan ako sa nabasa ko kaya tinawagan ko si Carlo.
"Carlo kumusta ang lagay nya?"
"Ok na sya sabi ng doktor, konting pahinga lang ang kailangan nya!"
"Ah, mabuti naman kung ganun"
Napabuntong hininga ako nang marinig kong ok na sya.
"Sige Carlo, maraming salamat!"
*end of call
"Ang O.A mo naman Ron, feeling boyfriend?" Pang-aasar ni Briyana
Hindi na lang ako nagsalita pero napapaisip at nag-aalala pa rin ako kay Janelle.
----
Janelle's POV
BINABASA MO ANG
My Ex is now a Pop Star
FanfictionA short story of how a man's decision can change his entire life.