Nalalapit na ang music festival kaya nandito ako ngayon sa labas ng village iniintay ko si Jeon kasi sabi niya susunduin niya ako. Hindi ko lang alam kung san kami magpapractice.
Best friend
Oy san ka na ba? Tagal mo best friend.
Message sent
Nagtext na ako at baka mabatukan ko pa yun palagi na lang niya akong pinagiintay.
123456 years later.
Best friend
Slr.Almost there.😘
Ganyan talaga siya mag text or magchat sakin. May kiss emoji. Sanay na ako. Hahaha. Well i love it. Enough cheska. Only beats for the bitch kuno.Sakit ma-best friend zoned.
Finally. Ang magaling na Presidente sa wakas nandito na.
Pinagbuhat niya ako ng instruments at inilagay sa compartment. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng sasakyan.
"Ano yan?" Binigay niya sakin yung supot na may laman na tatlong ferrero. Waw.
"Diba sabi mo gusto mo ng sandamakmak na ferrero. Your wish is my command" kinilig naman ako. Nasabi ko kasi sakanya kagabi nung magkatawagan kami na gusto ko ng chocolates. Hindi ko naman lubos akalain na seseryosohin niya.
"Baka magka diabetes ako nito." Pinisil ko ang pisngi niya pero malumanay lang para hindi siya masaktan. Nginitian niya ako. Ang cute "Thank you best friend"
"I'll do anything for you just ask me...para sayo " pinandar na niya ang sasakyan. Ako lutang dahil sa sinabi niya. Pero iba ang naramdaman ko hindi kilig kundi lungkot kasi alam ko na May gusto siyang iba. Cheska please. Wag ka ng umasa. Masasaktan ka lang Tanggapin mo na kaya lang siya ganito sayo kase nga best friend ka niya at wala ng hihigit pa dun. Tanggapin mo na lang na hanggang dito na lang kayo at wala ng hihigit pa. Mahal ka niya pero as a best friend. Sad to say but truth hurts :(
Para akong tanga kasi kinakausap ko ang sarili ko. Tanga yan ang tamang word na sakto sa pagkatao ko.
Habang nasa biyahe unti unti kong kinain yung bigay niyang chocolates tatlo naman kaya inumpisahan ko na.
"Hindi mo ba ako aalukin?" tanong nito
"Nganga" kumunot ang noo nito "Nganga susubuan kita" sinunod niya ako at sinubuan siya ng chocolate.
Nginisian niya ako "ang sweet ng best friend ko. Kaya mahal na mahal kita e" eto na naman siya ang hilig niya sa banat.kung banatan ko kaya siya. Sarap lang sipain nito e. As if kaya ko.
"Sandali lang dito ka muna." Binababa ko ang bintana at nakakita ang napakalaki nilang bahay mala mansyon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at deretsong pumasok ang laki ng gate de kuryente yata to. mas malaki to sa bahay namin.
"Humawak ka lang sakin baka mawala ka" hinwakan niya ang kamay ko at naglakad papasok ng bahay.
"Grabe kakabugin ang MOA sa laki ng bahay .. Yung totoo nagkikita kita pa ba kayo?" Natatawa kong sabi
"Actually not really." Sabi nito. "Auntie salie make us food." Utos nito sa matandang babae. Naka maid suit siya. Nginitian ko siya.
"Hijo anong bang gusto mong ipaluto ko." Tanong nung matandang babae.
"No i want you to cook for us. Hindi masarap yung luto nila. Nakakasuka" grabe kaharap pa naman niya yung ibang maids tapos ganon siya magsalita. Pero baliwala lang naman sa kanila. They seem not offended .
YOU ARE READING
Im Inlove With My Bestfriend
RomanceBEST FRIEND? Meron🙇 si JEON LOPEZi fall for him kaya hindi ko alm kung paano ko maaamin ang nararamdaman ko paano kung hindi niya ko gusto? At ang malupet paano kung may iba syang gusto? Pano na ko? paano kung magiba ang pakikitungo niya sakin aft...