CHAPTER 23 Part 1 (sick Jeon)

406 15 0
                                    

Nagising ako sa malaking kwarto. Nasa kwarto pala ako ni bespren.

"Gising ka na pala" sabi ni Jeon habang papasok sa kwarto. Tumango ako .

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Maayos na namn. " Sagot ko "teka,ikaw? Kamusta ang pakiramdam mo. May sakit ka diba?" Nag aalala kong tanong. Sak hinawakan ang leeg niya at noo.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay lang ako." Tiningnan niya ako sa mata ng seryoso pero nag iwas din siya ng tingin. "Lets eat" tumayo siya at inunahan akong maglakad

"What was that?" Wala sa sariling sabi ko.

Ang weird ng bespren ko. Ano ba yannn!!??

Pagkatapos naming kumain nag desisyon akong umalis na. Nag presinta akong mag commute dahil alam kong hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni jeon. Pero hindi siya pumayag. Nag presinta rin si manong pero hindi siya pumayag. Ang kulit.

"Fine, sige na ikaw na mag hatid sakin. Pero siguraduhin mong makakauwi ka ng maayos. Kukutusan talaga kita." Sabi ko.

Tumango siya. "Oo naman yes, im okay alright"

At ganon na nga ang nangyari hinatid niya ako sa bahay. Sinabi ko na pumasok muna siya. Pero ayaw niya. May pasok pa raw bukas. Well, gabi na nga namn. At inaantok na rin ako.

"Jeon" agad niya akong nilingon.

Humakbang ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap.

"Thank you" nakangiti kong sambit.

"Dont mind it. Go to your room and rest. Sleep well." Tinap niya ang ulo ko at ngumiti. "I'll call you" sabi niya at pumasok na sa kotse saka pinahaturot ang kotse niya.

Ako namn pumasok na sa gate ng nakangiti hindi ko alam kung bakit. Pero iba yung feeling kapag nandiyan si Jeon. I feel safe in his arms. Thankful ako kase bestfriend ko si Jeon. Im so lucky.

Someone's POV.

"MGA BASTARTO,bakit niyo hinayaang magpatalo sa mokong na yun?" Inis na sigaw ko sa mga tauhan ko.

Mga walang kwenta.

"Boss, hindi po kami nagpatalo sadyang malakas--aahh" pinaputukan ko siya sa binti.

"WALA KAYONG KWENTA. MAGSILAYAS KAYO!!" sigaw ko.

"Boss may may nagpapabigay po."
Kinuha ko yung black box. Sinuri ko ito kung kanino naggaling pero walang nakalagay.

"Sinong nagbigay?" Tanong ko sa tauhan ko. Pero nagkibit balikat lang siya.

Binuksan ko ito at nakita ang isang imahe na nagpapahiwatig na kailangan namin mag handa. Alam kong hindi basta basta kalaban ang kinalaban ko pero kailangan ko itong gawin. Kahit pa ang kapalit, ay ang sarili kong buhay.

"Boss, anong balak niyo?" Tanong ni Kris, ang pinakapinagkakatiwalaan kong tauhan..

"Ipagpapatuloy natin ang nasimulan natin"

Cheska's POV

"My,nasan si Dy?"

"Ah, vacation again cheska" sagot ni momny.

Palagi naman nasa vacation si daddy. Parang nga hindi na siya umuuwi e.

"Sige My, alis na po ako. I love you" tumayo ako at humalik sa pisngi.

"I love you too, take care"

At school..

"Woyy!! Antoniooo!!"

Im Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now