"Cheska, nakita ko na yung isusuot mo. And I think its pretty good on you" sambit ni miss. saka nginitian niya ko. Yung hindi fake ha? Yung totoo.
Wow, bago yon ah
"Follow me"
Sumunod namn ako sakanya. Nakita ko si Jeon na nakaupo sa isang sofa at naka de'kwatro. Pero kakaiba siya ngayon kase may suot siyang specs. Ang gwapo😍 May hawak siyang documents yata yon. Ah! Basta may binabasa siya.
Tinaasan ko siya ng kilay pero inirapan niya lang ako.
"Ipasukat mo na sakanya" utos niya kay miss. Agad siyang sinunod nito.
Sumunod ako kay miss sa fitting room.
"Isukat mong mabuti." Saka siya ngumiti.
Anong meron sakanya ngayon? Bakit ang bait mo? Ha?
Gusto ko sana siyang tanungin kaso..
Maya maya pa inabot sakin nung babae yung damit. Nagulat ako sa ganda nung damit. At sa sobramg fit non sakin...
Hindi ko yata kaya to. Pwede baNg mag back out?
Nakita na kaya to ng section A?
Napalunok ako dahil sa damit na ito.
Medyo pa v neck siya, palda shorts. Pero mas bongga sa naiimagine niyo, kase may pa boots siya tapos medyo labas cleavage. Ngekk.. Papalit na nga ako.
"Wow, it looks good on you." Nakangiting sabi sakin nung babae. Nginitian ko siya at medyo inibaba yung palda.
"Masyado yata pong maigsi tapos po yung ano, alam ko na yung ano medyo.. parang pang adult" habang hinihila yung palda at nagfake ng ngiti
"Ay hindi, tama lang sayo. Tsaka ang cute mo naman diyan e" sabi nung babae.
"Hindi ba po parang hindi naman bagay sakin?" Medyo pilit na ngiting sabi ko.
"Bakit hindi mo sakanya itanong" ngumiti siya at hinila ako palabas ng fitting room.
Wait-wutt?! No, no Hindi niya ako pedeng makita na ganito ang suot. Nakakahiyaaa!!!
Pero huli na ang lahat dahil nasa labas na ako. Napapahiya akong tumingin sakanya samantalang si Jeon nman umayos ng upo at hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. Feeling ko nagukat din siya kase ang ikli ng suot ko. Nagiwas ako ng tingin ng makita kong titig na titig siya sakin. Nang mapansin niya ang katangahan niya inilis niya ang glasses niya at nagiwas din ng tingin.
"A-ah" akward kong sabi.
"Bumalik ka dun at magbihis, ayoko ng suot mo" walang emosyong sabi niya. Agad naman akong bumalik sa fitting room para magpalit.
Napabuntong hininga ako kasabay ng pagkirot ng dibdib ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting kirot.
Siguro hindi niya nagustuhan ang suot ko kagaya ng hindi ko pagkagusto dun
Feeling ko tuloy gusyo ko na magback out.
Nang makapagbihis agad akong nagtungo kung saan siya nakaupo, nang makita niya akong papalapit agad na siyang tumayo.
Inayos ko ang sarili ko at tumingin sakanya.
"Ok lang ba yung damit? Hehe feeling ko magpaparenta na lang ako ng bago" sabay pilit na tawa. Pero hindi nagbago ang emosyon niya.
"Yun ang pinili ng admins kaya hindi mo pedeng b-baguhin" sabi niya.
"Ah ganon ba" pilut ngiting sabi ko pa rin.
Hindi na siya umimik kaya nagsalita na ako.
May iba sa kinikilos niya.
"T-tara na, gutom na ko" pilit kong sabi.
Sumang ayon naman siya.
"S-saan mo gusto kumain?" Tanong ni Jeon.
Humarap ako sakanya at tumingin.
"Sa bahay namin" Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Uuwi na lang ako" sabi ko
Nag nod naman siya. Bigla ko na naman naramdaman ang kirot sa dibdib ko. Nakatingin lang kami sa isat isa at hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.
Habang nakatingin sakanya nababakasakali ako na baka bawiin niya ang sinabi niya at kumain kami sa labas. Hindi ko alam pero umaasa ako.
Pero makalipas ang ilang segundo na nakatingin kami sa isat isa, wala samin ang umimik o di kayay nagiwas ng tingin. Mas lalo akong nasaktan sa katotohanan na hindi niya binawi ang sinabi niya.
Taimtim akong nagbuntong hininga "sige mauna na ko, ingat" sabi ko at tinalikuran siya.
Bago pa man ako makahakbang papalayo sakanya, hinawakan niya ang bisig ko at niyakap ako. Nakaramdam ako ng tuwa kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"May problema ba tayo?" Bulong niya sa tainga ko.
Hindi bat dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Sa halip na sabihin ko yun sa kanya minabuti ko na wag na lang.
Umiling lang ako habang nakapikit. Hindi naman niya ako kita kaya ok lang maginarte. Ang bango niya kaya..
Bumitiw siya sa yakap at hinawakan ang balikat ko.
"Psh!" Inirapan niya ako 'bading' "S-sorry" habng kinakamot ang batok niya. Ang cute!!.
"B-bakit ka nagsosorry?" Tanobg ko.
"I know, medyo harsh yung nasabi ko kanina about sa suot mo" sabi niya habang derektang nakatingin sa mga mata ko.
Buti naman alam mo.
"Im sorry, hindi ko sinasasadya." Sabi niya "Sobrang ganda mo kase sa suot mo, natatakot ako na baka may tumingin sayong iba" bulong niyang sabi. Na hindi ko narinig dahil nadagil ko yung upuan. Bwisit panira.
"Sorry, ano nga ulit yun?" Tanong ko.
"W-wala sabi ko, masyadong maikli baka mabastos ka kako" sabi niya.
"Weh? Parang hindi naman yun yung narinig ko e" i teased.
"Tsk! E yun nga yung sinabi ko e" medyo iritado niyang sabi.
"Hindi kaya" biro ko.
"Wag ka ngang makulit" inis na sabi niya.
"Ang cute mo kapag nagagalit ka, para kang baby" sabi ko habang nakatawa.
Medyo ngumisi naman siya may nasabi ba ako?
"tara na nga baby, ihahatid na kita" sabi niya inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at sabay kaming naglakad habang siya tumatawa.
Imbis na mainis napangiti ako.
May mga araw na sa sobrang saya mo kapalit nun ay sobrang lungkot mo, at ngayon kabaligtaran ang naramdaman ko.
Pero minsan kapalit ng saya ko papasok sa isip ko na kaibigan niya lang ako.
A/N: hinalikan ka na nga e diba! Bobo naman. Charr manhid kase lintek na yan HAHAHA
YOU ARE READING
Im Inlove With My Bestfriend
रोमांसBEST FRIEND? Meron🙇 si JEON LOPEZi fall for him kaya hindi ko alm kung paano ko maaamin ang nararamdaman ko paano kung hindi niya ko gusto? At ang malupet paano kung may iba syang gusto? Pano na ko? paano kung magiba ang pakikitungo niya sakin aft...