A/N:
Since May free time pa ako sa ngayon, gumawa ako ng 4 UDs, mga short lang pero sana okay na...
------------------------------------------------------Kyrae's POV
"Prinsesa Kyrae! Gumising na daw po kayo't may mahalaga daw po kayong pag-uusapan ngayon!" Pambubulabog ng isang kontrabidang katulong sa aking mahimbing na pagtulog.
"Prinsesa Ky-"
"Ano ba kasi yoooon! Ba't naman ang aga-aga?" Asik ko at hinila kong muli ang kumot patalukbong.
"Kyrae!" Agad akong napabangon ng marinig ko ang boses ni Inang Borah!
"Ina?" Hinanap ko ito sa buong paligid at nakita kong nakabukas ang TV screen. Naroon pala ito. Akala ko narito talaga sya as in Live eh!
"Umakyat ka rito ngayon din. May napakahalagang bagay akong nais sabihin sayo!" Utos nito at mabilis na ring namatay ng kusa ang TV.
"Ahy ganon? Ano to rush hour?" Taas kilay kong sabi. Agad na rin naman akong tumalima.
"Sige po mahal na Prinse-"
"Enough manang Eper! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong Kyrae lang itatawag nyo sa akin?" Sabi ko habang nagaayos ng buhok. Akma na sana itong lalabas matapos ayusin ang aking pinaghigaan.
Huminga ito ng malalim at lumapit sa akin. Hinaplos nito ang aking buhok at inagaw ang suklay mula sa aking mga kamay. Inumpisahan nya itong ayusin."Alam mo naman kasing gusto kong panatilihin sa buong imperyo ang pag-galang sa iyo ng lahat ng tao. Ano iisipin nila kung tatawagin kita sa pangalan mo lang?"
"Manang kayo po ang nag-alaga sa akin since birth, kaya walang masama kung tawagin mo ako sa pangalan ko."
"Sige na, umakyat ka na't baka magalit nanaman ang mahal na Borah!" Pagtataboy nito matapos ipusod ang aking buhok.
"Salamat Manang Eper. Sige akyat na ako." Binuksan ko na ang pinto upang lumabas.
"Pagkatapos nyo, bumaba ka na lang sa kusina ihahanda ko na ang almusal mo." Bilin nito.
"Sige po." Pagkalabas ko sa kwarto ay agad akong tumungo sa hagdan paakyat sa 6th floor ng Mansyon. Oo 6th floor talaga! Hindi ko alam kung bakit ganito kataas to. Nasa 3rd floor ang room ko kya't medyo mataas pa ang aakyatin ko. Gustuhin ko mang magdodge na lang pataas ay hindi pwede, magagalit si inang Borah dahil malalaman pa rin naman nya. Andami kayang mata non! Kaya siguro tinagurian syang "The Eye of The Future". Nang marating ko ang pinto ng opesina ni Ina ay agad akong kumatok.
"Bukas yan!" Anito sa loob.
Binuksan ko ang pinto at agad na pumasok. Nagulat pa ako ng makita kong hindi lang pala ako ang pana-uhin ni ina dahil narito rin si Dylan."Oh anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko.
"Ipinatawag ko kayong pareho dahil may nais akong sabihin sa inyo na napakahalagang bagay." Agaw ni inang Borah. Agad akong umupo sa upuang nasa harap ni Dylan.
"Ano po iyon Ina?"
"Gusto kong ipa-alam sa iyo na papasok ka na sa LONA ngayong pasukan!" Pahayag nito. Nagulat ako sa sinabi nito. Pero kasabay noon ay na-excite ako.
"Talaga po ina?" Gustong-gusto ko talagang pumasok don!
"At alam mo namang delikado para sa isang gaya mo na anak ng Borah ang mapag-isa, dahil maaari kang gawan ng masama ng sino man sa mga kalaban ng imperyo. Kaya't nais kong isama mo si Dylan sa pagpasok mo sa paaralan."
"Ho? Ano yun? Chaperone? Nakakahiya naman ata yon!" Reklamo ko.
"Mag-aaral din sya gaya mo. At magiging magkaklase kayo para mabantayan ka nya."
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
ФэнтезиFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...