Author's POV
Patuloy na inaatake ni Kyrae sina Radcliff at Carter na pareho ng nanghihina. Nauubos na ang kanilang mga lakas gawa ng napakaraming sugat. Maging ang napakalakas na si Radcliff ay hindi magawang talunin si Kyrae na ngayon ay tuluyan ng nagwawala.
"Aaah!" Sigaw ni Carter na tumalsik sa malayo matapos atakihin ni Kyrae.
Ganoon din ang nangyari kay Radcliff, paulit-ulit lamang silang tumitilapon sa tuwing susubukan nilang lumapit kay Kyrae. Isang napakalakas na atake ang ginawa ni Kyrae na direktang tumama kay Carter at malakas itong tumalsik at bumagsak sa lupa.Radcliff's POV
"Fall of Meteors!" At mula sa kalangitan ay pina-ulan ko ng naglalakihang mga meteor. Isa iyon sa pinakamalakas na atake sa kasaysayan ng mga Fire User! Ito na lang ang paraan para matalo ko si Kyrae at maibalik sya sa dati!
"Radcliff! Napakalakas ng ginagawa mo! Isa yan sa mga ipinagbawal na Technique ng Power Council, baka mapahamak ka! At baka mapatay mo Si Kyrae!" Sigaw ni Carter na halos hindi na makabangon. Pinilit nitong tumayo at tumakbo sa malayo upang hindi matamaan ng mga meteorites.
"Wala na akong magagawa, kailangan natin syang mapatigil. Kung hindi, tayo ang mamamatay!" Sigaw ko. Papalapit na ang nga meteorites!
Ngunit laking gulat ko ng tuluyang lumapit ang mga meteorite sapagkat sinalo lang ang lahat ng iyon ni Kyrae at sabay-sabay na hinigop! Nanggilalas kami sa aming nasaksihan! Nang maubos ang mga meteors ay muli itong tumingin sa akin at nakita kong umuusok pa ang bibig nito!"Hi-hindi maaari!" Sindak kong bulalas! Wala na kaming pag-asa pa! Mamamatay na kami rito. Nakita kong nagliyab ng asul na apoy ang buong katawan ni Kyrae. A-as-asul na apoy?! Oo, asul na apoy! Ang ipinagbabawal na mahika!
Mula sa kung saan ay nakita kong mabilis na sumugod si Principal Marduk kay Kyrae, at gamit ang nagliliyab sa apoy na mga braso ni Principal ay hinawakan nito si Kyrae mula sa likod, at pinilit na pigilin ang mga kamay nito.
"Ggggrraaawwwll!" Nagwawalang angil ni Kyrae.
"Aaaah!" Sobrang lakas ng mga ito.
"Radcliff tulungan mo si Principal Marduk!" Sigaw ni Carter. Mabilis akong tumalima at pinagsalikop ang aking mga palad. Hindi ako pwedeng lumapit sa kanila ngayon. Sa sobrang lakas nila ay maaari akong maipit!
"Burning Hands of The Fire Dragon!" At inubos ko ang natitira ko pang pwersa. Mula sa aking dibdib ay lumabas ang nagliliyab na mga kamay at braso. At humaba ang mga ito diretso sa kinatatayuan nina Kyrae at Principal Marduk. Mabilis na kumapit ang dalawang kamay ng dragon sa mga braso ni Kyrae. Magkatulong kami ni Principal Marduk sa pagpigil kay Kyrae. At nakita kong mabilis na dumating si Queen Maria Malak at lumapit kay Kyrae. Inilapat ng Borah ang kanyang palad sa nagliliyab na ulo ni Kyrae!
"Aah!" At nakita kong nasunog ang palad at buong braso ng Borah, ngunit hindi ito agad na bumitaw.
"Mapapahamak ka Maria!" Nag-aalalang sigaw ni Principal Marduk. Maging ang mga braso ni Principal ay nasusunog na rin hindi dahil sa sarili nitong apoy, kundi dahil sa nagliliyab na katawan ni Kyrae!
"Power Council's Sealing Technique!" At mabilis na lumayo ang Borah, may isang puting aura ang naiwang naka-kunekta sa ulo ni Kyrae at sa palad ng Borah. Umusal ng ilang chant si Queen Maria. At mula sa kalangitan ay bumukas ang magkahalong dilaw at puting liwanag. Ang kapangyarihan ng Power Council! Nakakamangha! Subrang liwang nito at kumikinang!
Diretsong tumama ang liwanag mula sa kalangitan patungo kay Kyrae, mabilis kaming bumitiw dito ni Principal Marduk, at lumayo ito kay Kyrae.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...