Grimzo's POV
Lumalabas na ang tunay na anak ni Sathan! Natutuwa talaga ako habang minamasdan ang unti-unting paglabas ng napakalakas na aura mula sa katawan ni Kyrae. May itim na marka ang unti-unting kumakalat mula sa likod nito patungo sa mga braso, dibdib at kalahating mukha ni Kyrae. Tila mga makakapal na sinulid ang mga markang iyon. Umiiilaw din ng dark blue ang mga mata nito at naging puti ang kulay ng buhok nito sa may bandang noo. Unti-unting bumabangis ang itsura nito.
"Sige Kyrae! Ganyan nga!" Sigaw ko. Nasapo ko ang kanang dibdib ko na mayroon ng sugat gawa ng pag-atake kanina ni Kyrae. Hindi ko ma-intindihan pero hindi magawang mag-regenerate ng aking katawan kapag tinatamaan ako ng kapangyarihan ni Kyrae! Lalo na ang gamit niyang musika! Napakalakas nito. Sa pagkakaalam ko, ang gamit nitong flute ay ang flute ni Harley Mysticuz! Ang alagad ng liwanag na naging asawa ni Haring Sathan. Nagbunga ang panlilinlang ni Haring Sathan kay Harley at nagawa nitong talunin si Harley. Ngunit nabigo itong kunin ang batang babae na si Kyrae.
"Aaah!" Napalingon ako kay Sharmell ng sumigaw ito, at nakita kong nakaluhod na ito sa lupa at sapo ang mga mata nito na may mga tumutulo ng dugo.
"Ano ang nagyari sa iyo Sharmell!" Tanong ko.
"B-bakit, hi-hindi k-ko magamit sa kanya ang aking Sharinagi!" Sigaw nito.
"Hindi tatalab ang sharinagi sa estado ngayon ni Kyrae! Hindi tatalab ang kahit na anong mahika sa taglay nyang lakas ngayon!" Sigaw ko. Muli kong ibinaling ang aking pansin kay Kyrae na ngayon ay may napakalapad ng dark blue na aura na hugis malapad na pakpak sa likod nito!
"Ang Wings of Balance!" Bulalas ko. Iyon ang pakpak ng Anghel na taga-balanse ng Kadiliman at Liwanag! Kung ganon, si Kyrae ang taga-balanse?! Nangangahulugan iyon na dalawa ang taglay nitong kapangyarihan! Liwanag at kadiliman! Kaya pala hindi naghihilom ang aking mga sugat na nilikha ng kanyang mga atake! May kapangyarihan siyang Liwanag na kontra sa aking kapangyarihan! Ang musika niya ay kapangyarihan ng Liwanag!
Nakita kong may biglang mga nagsidatingang mga taga Academy. Ang isa ay ang babaeng guro sa LONA na si Flora, at ang tatlo pa ay pawang mga estudyante ng Academy.
"Tch! Nandito ba kayo para tulungan sya? Sa palagay ba ninyo ay kailangan pa nya ng tulong?" Sarkastiko kong sigaw sa mga ito. Patuloy pa rin ang pagkalat ng napakalakas na aura sa paligid.
"Anong ginawa niyo sa kanila?! Anong nangyayari kay Kyrae!? Walang hiya kayo!" Galit na sigaw ni Flora.
"Gaya ng inyong nakikita, nilalamon na si Kyrae ng tunay niyang katauhan! Lalabas na ang tunay na anak ni Sathan! Ahahaha!" Sagot ko at malakas akong humalakhak. Kitang-kita ko ang takot na nakabalatay sa mukha ni Flora.
"Ilang sandali na lang ay mapapasakamay na namin ang buong mundo!" Dagdag ko pa.
"Mga dimonyo!" Galit na sigaw ng isang lalaki na puti ang buhok. Mabilis itong sumugod at gumuhit sa hangin ang napakalakas na kidlat, at hindi ko namalayang nasa-likod ko na pala ang lalaki.
"Electric shock!" At mabilis ako nitong hinawakan sa leeg at gumapang ang napakalakas na boltaheng nagmumula sa kalangitan at diretsong bumalatay sa aking katawan. Nayanig ang aking katawan dahil doon. Bumagal na ang regeneration ng aking katawan dala ng ginawa ni Kyrae sa akin gamit ang kapangyarihan ng liwanag. Ngunit malakas kong sinikmuraan ang lalaki na agad ding nakabitiw at napaluhod dala ng sakit. Ito naman ang hinawakan ko sa leeg habang naka-luhod.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...