Kyrae's POV
Woaaah! Grabe nakakapagod talaga! Hindi ko akalaing napakabilis ng mga araw. Parang kaylan lang kagagaling kobpa lang sa School Clinic, tapos ngayon pang 1 month ko na palang nagti-training kasama si Master Lotus. Oo MASTER LOTUS NGA! I preferred to call him Master than Black. He's so damn good to me, and also to everyone. At ramdam kong totoo yun sa puso nya. Kaya't ano pang silbi ng Black sa name nya? Isa pa, napatawad na sya ng lahat sa kung ano man ang nagawa nya sa nakaraan. Ngayon malaking tulong talaga sya. Naikwento sa akin nina Danaya kung pano sila tinulungan ni Master Lotus sa pagbukas daw ng mga natatago pa nilang powers at pakiramdam nila mas lalo pa daw silang lumakas. Hindi pa man nila nasusubukang gamitin ang mga bago nang kapangyarihan ay ramdam na daw nila iyo. At oo maging ako ay nararamdaman ko ang mas lumakas pang aura ng karamihan sa mga estudyante rito. Especially yung mga Rank 1. Speaking of Rank 1, kamusta na kaya yung iba? Ang madalas ko lang makita ay si Carter. Yup, si Carter nga na may power of lightning. Ewan ko pero simula nung mangyari yung araw na napalaban kami parang naging close na kami. Madalas nya ako noong dalhan ng flowers at mga prutas nung nasa clinic pa ako. Madalas nga kaming tuksuhin noon eh. Si Dylan obvious na ang pagseselos na dinadaan na lang sa padabog-dabog at walk-out. Oo nga pala, si Dylan. Parang may kakaiba sa kanya? Hindi ko masabi pero, parang mas lalong lumakas ng di hamak ang aura nya. Parang pakiramdam ko isa sya sa pinakamalakas ang kapangyarihang naidagdag ni Master Lotus. Pero bukod naman don ay wala ng ibang nagbago sa kanya. Sa ugali nyang always nag-aalala sa akin at nagpapatawa. Yung pagiging chickboy nya naryan pa rin naman. Isa pa, si Radcliff, napapansin kong mas lalo syang naging suplado sa akin, minsan kasi napag-utusan syang i-train ako sa fighting techniques. Palagi nya lang akong nasisigawan, kainis yun! Madalas akong tumitilapon kapag nagagalit na sya! Di gaya ni Carter, palagi akong pinapatawa, at hindi ako pinupuruhan, Close fight naman ang itinuro sa akin ni Carter at wow! Ang galing nya talaga sa malapitang laban.
"Kyrae! Naririnig mo ba ako!?" Sigaw ni Master.
"Ahy opo Master!" Agad akong napatywid ng tayo dahil sa sobrang gulat ko. Magkaharap kamo ngayon ni master dito sa Training Cave. Akala ko kasi tapos na training namkn for today!
"As of tomorrow, may bago ng papalit sa akin bilang trainor mo. Naituro ko na sayo ang lahat ng kailangan pagdating sa pagkontrol sa Gurlauge na nasa loob ng katawan mo. At natutuwa ako sapagkat madali mong nagamay ang lahat ng itinuro ko sayo. Magaling kang estudyantr Kyrae!" Nakangiti nitong pahayag.
"Po?! Hindi na kayo ang magtuturo sa akin?" Gulat kong tanong.
"Oo iha, may mga bago ng magtututo sa iyo. Magaling ka naman na sa pakikipaglaban pero mas makabubuting madagdagan pa ang galing mong iyon. Kaya't bilang huling pagsubok sa iyo ay kailangan mong kalabanin sina Carter at Radcliff-" Napasinghap ako ng marinig ko ang mga pangalang iyon. Seriously? Silang dalawa talaga ang kakalabanin ko?!
"-nang sabay!" Dugtong nito.
"Waah! Sabay? Meanibg Handicap match ang mangyayari? Nyyyahh! Master naman!" Angal ko
"Kaya nga dapat magfocus ka sa gagawin nilang pati-training sayo. Dapat mong kabisaduhin ang mga galaw nila para madali mo silang matalo!"
"Ayoko po Master!"
"Sige na Kyrae, papadilim na. Lumabas na tayo para makapagpahinga ka na rin. Napapagod na ako, alam mo namang matanda na ako hindi ba?" Sabi nito habang naglalakad na palabas ng Cave.
Paktay na ako neto! Sana naman di ako magkalasog-lasog!Sumunod na rin naman ako palabas at gaya ng inaasahan ay hindi ko nanaman nakita si Master. Lagi naman eh! Matanda na raw sya pero mas mabilis pa sa kuting!
Napansin kong madilim na nga ang buong paligid dahil sa kalat na ang dilim. Nakabukas na ang mga naglalakihangbilaw na nakapalibot sa buong Academy. Naisipan kong dumiretso na lang sa Canteen upang maghapunan na. Kainis, lagi na lang akong alone!
Napadaan ako sa harap ng building ng Girls dorm at nakita ko si Davila na nakatayo sa may entrance nito. Panay ang tanaw nito sa kinaroroonan ng canteen.
Pagtapat ko ay napatingin ito sa akin at mabilis na umirat. Tch!Dumiretso na ako sa paglalakad papunta sa canteen. Ang dilim naman dito. Medyo kulang kasi ang ilaw sa bandang ito papunta sa canteen, nakakatakot pa dahil nasa tapat ng mapunong parte ng school. Habang naglalakad at naramdaman kong tila may sumusunod sa aking likuran kaya't mabilis akong lumingon. At hindi nga ako nagkamali dahil may nakita akong naglalakad ilang dipa lang mula sa akin. Muli nanaman itong umirap sa akin habang naglalakad. Si Davila lang pala!
Pagpasok ko sa canteen ay agad na akong umorder, at dumiretso sa isang bakanteng lamesa. Gusto ko na talagang magpahinga. Nakakapagod ang araw na to. Susubo na sana ako ng pagkain ng biglang may babaeng umupo sa harapan ko.
"Pa-join ako huh?" Mataray nitong sabi at tila nagmamadali ng kumain.
"Tch! Nagpaalam ka pa eh naka-upo ka na nga!" I replied sarcastically.
"Hmmn!" -Davila.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at nauna na itong matapos. Ba't parang nagmamadali tong isang to? Pero nagtaka ako ng ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito umaalis at nakasimangot lamang. Hinayaan ko na lang ito at tinapos ko na rin ang pagkain. Marapos kong uminom ay nagpunas lang ako ng tissue at tumayo na para umalis. Nagulat ako ng bigla ring tumayo si Davila at sumabay sa akin paglabas.
"Pasabay na lang ako huh?! Di kasi sumabay sakin yung santelmo na yun eh!" Inis na sabi nito. Si Radcliff ata tinutukoy nyang "santelmo" daw.
Nagkibit lang ako ng balikat at hinayaan ko na sya. Nang mapatapat kami sa madulim na bahagi ng daanan ay napansin kong tila mas dumidikit pa ito sa akin at panay ang lingon sa kung saan-saan. Natatakot ba sya? Duh!
Ilang saglit pa ay biglang may tumunog mula sa mapunong bahagi ng school na dinadaanan namin.
"Aaaa!" Nagulat ako ng malakas na tumili si Davula kasabay ng magkapit nito sa isa kobg braso na halos manginig na dahil sa takot. Weh? Takot ba sya sa multo? Haha!
"Ano yan? Natatakot ka?" Tanong ko.
"Heh! Wag ka ngang maingay!" Sagot nito na nakakapit pa rin at panay ang lingon.
"Duwag ka naman pala eh!" Kantyaw ko.
"Sinong duwag? Ako? Sunugin kaya kita dyan?!" Singhal nito na hindi pa rin bumibitiw sa akin hanggang sa makarating na kami sa dorm. Mabilis itong bumitiw.
"Salamat huh?!" Sarcastic kong sabi dito na mabilis ng pumasok sa elevator.
"Ayos lang!" Sagot din nito. Duh!
Mabilis itong bumaba sa second floor at lumingon sa akin.
"Anyway, thanks huh!" Sabi nito bago tumalikod. Nagsara na rin ang pinto ng elevator. Hmks! Kala mo kung sinong matapang!
Pagtapat ko sa kwarto ko ay nagtaka ako sapagkat may nararamdaman akong malakas at pamilyar na aura. Nasa loob! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at walang ingay na pumasok. Nagtago ako sa likod ng malaking cabinet at sinilip ang kabuuan ng kwarto. At di nga ako nagkamali dahil may anino akong nakita. At nalaman nito na nagtatago ako sapagkata mabilis itong naghagis ng tatlong magkakasunod na shurikein patungo sa akin. Mabilis kong ihinarang ang malaking cabinet ngunit nabutas lamang iyon at diretsong tumagos, mabuti na lamang at nakayuko ako kung kayat sa pader iyon nagsibaon. Mabilis kong sinugod ang anino ngunit mabilis din itong tumalon sa bintana. Shit! Tatakas sya!

BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...