Chapter 5: Rumble Elimination

1.3K 42 1
                                    

Kyrae's POV

Narito kaming lahat ngayon ng mga classmate ko sa loob ng Transportation Room at hinihintay ang oras na papasukin kami ni Sir Cristoff sa Door of Dimensions o ang pinto na magdadala sa amin sa dimensyon kung saan gaganapin ang first challenge namin.

"Are you ready guys?" Nakangiting tanong ni Sir.

"Yes we are!" Sabay-sabay naming sagot.

Hindi ko naiwasang kabahan ng buksan na ni Sir ang pinto at bumungad ang sobrang liwanag na wala kang makikitang kahit ano sa loob ng pinto.

"Once you entered on this door, the battle will begin. You have to be fast because there is no food inside this dimension. Kaya kapag nagtagal kayo sa loob ay maaari niyong ikapahamak ang gutom na aabutin niyo sa paghahanapan." -Sir

Napatangu-tango kaming lahat dala ng pagsang-ayon.

"Take care sissy! See you inside!" Nakangiting sabi sa amin ni Danaya bago nagpatiuna ng pumasok sa pinto at nilamon na ito ng liwanag. Sumunod na rin ang iba at nagkatinginan kami ni Maryse at napatango sa isa't-isa habang nakangiti, hudyat na handa na kami pareho. Nauna na syang pumasok at akmang susunod na ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako dito.

"Mag-iingat ka!" May bahid ng pag-aalalang sabi ni Dylan. Nginitian ko ito.

"You don't have to worry. And please, kung sakali mang magkaharap tayo sa loob, fight and give your best to defeat me." Sagot ko. Napatango naman ito bago ngumiti, at kasabay noon ay binitiwan na ako nito. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng pinto at sobrang nasilaw ako sa sobrang liwanag kaya't napapikit ako habang naglalakad.

"Ahy palakang tumuwad!!!" Bigla akong napamulat sa sobrang gulat ng matisod ako ng isang bato. Buti na lang at di ako nasubsob. Ngunit nagulat ako ng mapatingin ako sa paligid. Puro nakakatakot ang nakikita ko sa buong paligid. Napakadilim at pula ang buwan! Ang mga puno ay nakakatakot na puno ng baging. Ang iba ay wala ng mga dahon at tuyot na.

"Ano to? Haunted Forest?" Nanginginig kong tanong sa sarili ko. As if namang may sasagot. Muli nanaman akong nagulat ng biglang mula sa kung saan ay may narinig akong kaluskos at huni ng isang nakakatakot na nilalang. Napalingon ako sa pinanggalingan nito at ganon na lamang ang hintakot ko ng makita kung ano ito. Napakalaking halimaw na tila kalabaw na nakatayo pero ang mukha ay parang baboy na may balbas!😱

"Nyyaaaah!" Agad akong kumaripas ng takbo at hinabol ako ng nilalang na iyon.
Ahy weyt! Ba't nga ba ako tumatakbo? Bigla akong napahinto sa naisip. Hindi nga pala ako dapat mag-aksaya ng oras! Huminto ako sa pagtakbo at humarap sa papalapit na nilalang. Napangiti ako, Play Time is Over! At bang! Tumilapon pabalik ang malaking halimaw at naputol ang punong dinaanan ng katawan nito bago tuluyang tumama sa isa pang puno matapos ko itong salubungin ng malakas na suntok sa panga nito na tumabingi sa sobrang lakas ng impact. Bumagsak ito ng walang buhay at unti-unting naglaho na parang usok.

"Ooops! Sorry! Napalakas ata!" Napalingon ako sa di kalayuan ng may malakas na mga pagsabog akong narinig.

"Nag-umpisa na ang labanan." Sambit ko ng muli nanaman akong makarinig ng sunod-sunod na mga pagsabog mula sa iba't-ibang lokasyon. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa pinakamalapit na labanan.

Danaya's POV

Pagod na pagod na ako at kanina pa ako hinihingal. Kasalukuyan akong nakasandal sa isang puno at nagpapahinga matapos ang laban namin ni Harley. Grabe yung isang yon. Kala ko matatanggal na ako eh! Puro armas ang gamit niya at napakagaling niya sa combat at close fight. Ang dami niyang inilalabas na iba't-ibang klase ng mga baril. May Pistols, handguns, sinipers, machine guns, shotguns at iba pa, na ang mga bala ay pawang mga magics na iba't iba ang kulay. Ang lalakas ng impact. Iyon ang magic niya. Ikukumpas lang niya ang mga kamay niya ay may lalabas ng pula at blue na usok at magkakaroon na ng armas na naisin nito. Kung gugustuhin nito ay sisiw lang dito ang patayin ang makakalaban nito. Buti na lang advantage ko ang mga puno dito at syempre nautakan ko rin sya! Nagulat ako ng biglang may isang tumilapon na classmate ko at tumama ito sa isang puno sa di kalayuan sa akin. Pagbagsak nito sa lupa ay kumalat ang mga nabiak na yelo. Nakita kong nawala na ang kahuli-hulihang star sa belt nito kasabay noon ay naglaho na ito. Yelo? So nice. Napangiti ako ng matanto kung sino ang may gawa noon. At hindi nga ako nagkamali ng biglang lumabas mula sa malagong mga halaman ang babae na tila nandidiri pa sa mga tuyot na dahon.

"Its nice to see you here Freezca!" Sarcastic kong bati dito na halatang nagulat ng makita ako. Dalawa pa ang star nito at ako ay isa na lang. Hindi gagana ang lakas sa ganitong sitwasyon kundi bilis ang dapat na gamitin. Kung nakulangan lang ako sa bilis kanina pa sana ako naglaho dahil sa mga bala ni Harley na lahat ay naiwasan ko, maliban sa isang bala ng Shotgun na sa isang putok lang ay marami ng lumalabas na bala. Kaya nga napagod ako eh.

"Well, how was your last opponent? Is he or she that weak kaya narito ka pa ngayon?" Pang-aasar nito.

"Uhm, no. Its Harley. At sa palagay ko maswerte ka kasi hindi mo sya nakaharap. Kung nagkataon baka ikaw ang pinaka-unang naglaho." Nakangiti kong sagot.

"Anyway, let's stop talkin'. Time is running!" At nagulat ito ng mula sa likuran nya ay pumulupot ang napakaraming baging ng isang puno na kuntrolado ko.

"Aaah let me goooo!" Tili nito na nakatiwarik na.

"Uhm sorry, but I won't!" At ikinumpas ko na ang aking daliri. Ibinalibag ng puno si Freezca sa lupa na ikinahilo nito.  Bumagsak ito at nabawasan ang star nito. Nakita ko ang isang halimaw na malapit sa kinabagsakan ng babae at napangiti ako.

"I never imagined that I will just go easy on you girl!" Hindi ko na hinayaan pang makatayo ito at biglang pumulupot ang maraming ugat mula sa ilalim ng lupa sa buong katawan nito.

"Aaah let me go bit*h Madaya kaaa!" Singhal nito. Ngunit nasindak ito ng makita kung ano ang nasa may ulohan nito. Yung halimaw na ngayon ay tumutulo na ang laway sa sobrang kasabikan.

"Ooohh nonono nooo!" Nakita kong dinaganan nito ang babae at malakas na umalulong. Tumalikod na ako dahil ayokong makita ang gagawin nito.

"Hhhheeeeeelp-" At napunit na ang tiling iyon ni Freezca ng lapain na ito ng halimaw. Hindi ako nag-alala dito dahil alam kong matiteleport naman ito agad palabas sa dimension.
At least nakaganti na ako sayo, Leech!

------------------------------------------------------
A/N:

Hi Fellas👋😉, its been a while since the last time I Updated this story kaya malaking Sorry sa mangilan-ngilang readers... Pero I hope na dumami pa kayo. Marami kayong dapat abangan, dahil just like the Animé Naruto kung saan ko hinango itong story, marami ring characters na susulpot dito at magugulantang kayo sa mga mangyayari. Walang maraming revelations dahil hindi ako mahilig sa mga puzzles. Kaya stay foot lang kayo huh? And please don't forget to leave any comments and it'll be really appreciated... And please click the star button below... Thank you...

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon