Dylan's POV
"Bye lan! Balik na ako sa upuan ko!" Paalam ni Freezca ng dumating na ang susunod naming guro.
"Good Morning Everyone!" Bati ng pala ngiting lalaki.
"Good Morning sir!" Sagot namin.
"My Name is Cristoff Freas, and I will be on of your four teachers this year!" Pahayag nito. Oo di gaya ng mga normal school noong 20th century na marami ang subjects, ngayon ay 4 na lang. Una ang History(syempre all about magic), Challenges (oo subject yun dito), Ability/Power Training, at Teachniques (dito itinuturo ang mga techniques gaya ng, Cagebunshin, Pagpapalalim ng Illusions o Illusion making, Mind Reading, Medical techniques, at ang pagtawag ng iba't-ibang nilalang mula sa Magic World, ang Summoning Technique. Pero yun ay kung may kakayahan kang mga ganito o kahit isa lang sa mga ito. Napaka-rare kasi ng mga kakayahang ito at sadyang malalakas na tao lang talaga ang nakakagawa nito, kadalasan pa nga kahit malakas ka, kailangan mo pa ring dumaan sa ilang taong training bago mo magawa ang isa sa mga ito. At sa totoo lang wala akong kayang gawin ni isa man sa mga Techniques na nabanggit ko.
"So we will discuss about the game called Rumble Elimination." Nakinig kaming lahat sa bawat sinasabi ni Sir.
"And becaus ethia is your firat challenge, this will be the basis of your rankings." Oh so my rankings pala?
"Gaganapin ito sa isang Dimension kung saan pwede niyong gamitin ang mga kapangyarihan ninyo ng buong-buo!"
"Una ay isa-isa kayong papasok sa Dimension Door, i-teteleport kayo nito patungo sa isang napakalawak na lugar sa ibat-ibang direksyon. At dahil magkakahiwa-hiwalay kayo ay kailangan niyong maghanapan, at bawat makakasalubong niyo ay ituring ninyong kalaban. At isa pa, sa inyong paghahanapan ay hindi lang mga kaklase niyo ang maaaring makasalubong niyo, kundi maging mga Monsters and Demons!"
"What?" Angal ng ilang kababaihan.
"Creepy!" -Danaya
"Pati monsters? Eh pano sir kung sa monsters pa lang ay matalo na kami?" -Harley
"Edi mababa ang magiging rankings niyo!" Natatawang sagot ni sir.
"Pero don't worry, hindi ganon kalalakas ang mga makakasagupa niyong monsters dito. At isa pa, may 3 stars kayo sa inyong mga Belt na isusuot, tatlong green stars. At sa tuwing matatamaan kayo ay mababawasan ang inyong stars, hanggang sa maubos ang mga ito."
"Eh pano po sir kung mapuruhan kami at mamatay?" -Kyrae
"Oo maaari nga kayong mamatay doon, pero kapag naiteleport na kayo dito ay babalik kayo sa normal na parang wala lang kayong natamo at parang wala lang nangyari."
"Wow! Amazing!" Bulalas ko. Imagine balik normal lang?
"At ang matitira sa inyo ay siya ang magiging rank 1. So nakabase ito kung pang ilan kayo sa matatanggal. 42 kayo sa room kaya ang unang matatanggal ay Rank 42, ang ikalawang matatanggal ay Rank 41 and so on." Marami pang idiniscuss si Sir Cris bago natapos ang oras.
Kyrae's POV
Tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Magkakasabay kaming magkaka-ibigan na lumabas.
"Nakakatakot naman yung challenge, kelangan pala natin maglaban kung sakali!" Ahy! Di lang pala magkakaibigan, may humalo nanamang linta.
"Oo ng eh, sa bagay pwede naman tayong magtulungan kung sakali para mas may chance na tayong dalawa ang rank 1&2!" Sagot naman ni Dylan.
"Duh! As if namang mananalo kayo samin!" Sabat ni Danaya na mukhang di na nakatiis.
"Haha! Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo porket may elemental power ka. So pathetic!" Sarcastic na sagot ni Freezca.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...