Chapter 10: The History

1.2K 50 0
                                    

Kyrae's POV

Naglakad ako pabalik sa Building ng room namin at habang naglalakad ako ay nagulat ako ng makita ang itsura ng kanina lamang ay wasak na kapaligiran sanhi ng labanan. Ngayon ay maayos na itong muli at nililinis na lamang ng mga servants. Grabeh! Ang bilis nilang naibalik sa dati ang lugar na ito! Nang marating ko ang building ay agad akong umakyat at bumalik sa room namin. Kasalukuyan ng nagtuturo si Sir Mark na Techniques ang hawak na subject. Sya ang last teacher namin araw-araw.

"Ang Summoning Jutsu ay isang napaka-rare na kakayahan sa mundong ito. Nabibilang lamang ang may kakayahan nito. May mga taong mula ng ipanganak sila ay kaya na nilang gawin ito, pero isang porsyento lamang ang tsansa na may ipanganak na ganong tao sa loob ng isangdaang taon." So Summoning Technique pala ang lesson ngayon.

"Pero napag-aaralan naman ito kung iyong nanaisin. Ngunit kailangan mo munang magsaliksik at maging matyaga dahil dadaan ka muna sa napakahirap na proseso hanggang sa makamit mo ang kakayahang ito. Pero kahit na makamit mo man ang kakayahang ito ay pili lamang ang mga nilalang na makakaya mong tawagin mula sa ibang mundo, kung hindi ka natural at tunay na Summoner." Paliwanag nito.

"Ngunit kahit ganon, ang ating Academy ay matyagang nagtuturo sa inyo kung paano magagawa ang Technique na ito, dahil maging kami ay umaasa na ilan sa inyo ay may kakayahang ganito." Ilang minuto pa bago natapos ang lesson ni Sir Mark at lumabas na rin ito. Isa-isa kong tinawag ang mga makakasama ko sa misyon at sinabing magpaiwan muna sila sandali.

"Ano naman ba ang gagawin natin dito at kailangang magpaiwan pa tayong lima dito sa room?" Tila naiiritang sabi ni Freezca na nakakunyapit nanaman sa braso ni Dylan.

"Duh! As if namang gusto ka rin naming makasama!?" -Naya

"Pasensya ka na Freezca pero sa ayaw at sa gusto mo ay kasama ka namin sa ibinigay na misyon sa atin." Sagot ko.

"Okay girls, that's enough! Ano bang misyon ang gagawin natin?" -Dylan

"Oo nga tingnan na natin, parang na-e-excite ako eh!" -Maryse

"Okay lets take a look on it." At dahan-dahan kong binuklat ang maliit na papel na iyon at bigla itong lumiwanag at lumitaw ang mga sulat.

"Kailangan ninyong tumungo sa Kagubatan ng Hamurawon, at kailangan ninyong dalhin dito sa Academy si Black Lotus. Bibigyan lamang namin kayo ng tatlong araw at tatlong gabi para matapos ang inyong misyon." Basa ko.

"Teka sa Kagubatan ba ng Hamurawon ika mo?!" Tila hindi makapaniwalang saad ni Danaya.

"Oo, bakit parang natatakot ka?" Takang tanong ko.

"K-kasi, sa kagubatang iyon nakakulong ang mga isinumpang mahikero! Nakakatakot ang lugar na iyon!"

"Oo nga totoo yon!" -Freezca

"At sino naman si Black Lotus?" -Dylan

"Si Black Lotus ay ang Matandang Ermitanyo na isa ring maalamat na Sorcerer. Isinumpa sya ng mga Borah dahil sa kanyang mga kasalanan at naikulong sa Kagubatan ng Hamurawon." Pahayag ni Maryse.

"Pero bakit naman natin sya kailangang dalhin dito?" -Freezca

"Hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang naganap na pag-atake kanina ng mga Nighters hindi ba?" Napalingon kami sa nagsalita, Si Ma'am Flora.

"Ma'am!" Sabay-sabay naming bulalas.

"Si Black Lotus ay may kakayahang mag bukas ng isang natatanging kakayahan na maaaring nakatago sa loob ng inyong mga katawan. At dahil sya ay isang Black Magician ay kaya nyang pahinain o mas palakasin ang kahit anong uri ng Barrier, makakatulong sya upang mapalakas ang proteksyon ng Academy. Isa pa ay marami syang mga gamot na kayang paghilumin ang kahit na anong uri ng karamdaman o sugat ng kahit na sino. Isa syang maalamat na manggagamot sa kabila ng mga kasalanan nya dahil sya ay isang Black Magician." Pahayag ni Ma'am.

"Pero bakit po sya isinumpa ng mga Borah at ipinatapon sa Kagubatan ng Hamurawon?" Tanong ko.

"Dahil isa sya sa mga pumatay sa Tatlong maaalamat na Sanin noong panahon ng digmaan." Nagulat kami sa sinabi ni Ma'am. Kilala ko ang Tatlong Sanin na iyon. Ayon sa kwento ni Ina, ang tatlong Sanin daw ang Tumulong sa Hari ng mga Dragon na ama ni Principal Marduk upang talunin ang Dragon ng Kadiliman na si Hagedorn. Nong unang panahon daw ay ang Dragon ng kadiliman ang itinuring na pinakamalakas na nilalang dahil kahit ang hari ng mga Dragon na si Drako ay hirap na talunin si Hagedorn. Noong mga panahong iyon ay nakakulong ang mga Borah dahil nagapi ang mga ito ni Hagedorn ng isa-isa nitong atakihin ang mga imperyo. Kung kaya't hindi nakatulong ang mga Borah sa naganap na digmaan ng dalawang Dragon. Tanging ang tatlong sanin lamang ang naglakas loob na ibuwis ang kanilang mga buhay at tumulong kay Drako, magapi lamang ang Dragon ng kadiliman. At base sa mga kwento, hindi pangkaraniwan ang lakas ng mga Sanin.

"Pero hind ba't namatay ang tatlong sanin sa naganap na digmaan ng mga dragon?" Tanong ko.

"Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi si Hagedorn ang nakapatay sa tatlong sanin kundi si Black Lotus. Si Black Lotus ay isa sa mga alagad ng kadiliman noon. Kasama ang dalawa pang nilalang na hindi nakilala ng sino man ay sinamantala ang pagkakataon matapos ang labanan. Nanghihina na noon ang mga Sanin dahil sa katatapos pa lamang na digmaan at iyon ang hinintay nilang pagkakataon upang paslangin ang mga ito. Ang tanging nakita lamang ni Drako ay si Black Lotus, ang dalawa nitong kasama ay nakatakas na. Huli na ng mahuli ni Drako si Black Lotus dahil patay na ang tatlong Sanin, ginamitan ito nina Black Lotus ng isang kakaibang lason na inimbento nila na syang ikinamatay ng mga Sanin. Mula noon, kasama ang mga Borah ay isinumpa nila Drako si Black Lotus at ipinatapon sa Kagubatan ng Hamurawon kung saan ay hindi maaaring makalabas ang mga isinumpang nilalang."

"Kung ganon nakakatakot po pala si Black Lotus! Pano natin sya mahihikayat? Baka maging kalaban pa natin sya!" Nag-aalalang tanong ni Danaya.

"Matagal na panahon na ang kaganapang iyon. At base sa Diwatang taga-bantay sa Kagubatang iyon ay Lubos ng nagsisisi si Black Lotus sa kanyang nagawa. Dahil matanda na rin ito ay binigyan na ito ng kalayaan ng Diwatang taga-bantay." Paliwanag ni Ma'am.

"Pero paano po kung mapahamak kami doon?" -Dylan

"May mga kapangyarihan kayo. Ano ang silbi nito?" -Ma'am

"Baka malalakas na nilalang ang naroon!" -Freezca

"Lahat ng isinunpang nilalang ay hindi na makakagamit ng ano mang kapangyarihan sa loob ng kagubatang iyon. Magagawa lang nilang atakihin kayo gamit ang sarili nilang nga kamay. Sa palagay ko naman ay kaya nyo na silang panghawakan." Nakangiting sagot ni Ma'am.

"Kailangan niyong magmadali bago pa muling sumugod ang mga Nighters dito sa Academy. Mamayang alas dos ng madaling araw ay kailangang palihim ang inyong pag-alis. Walang dapat na makaalam sapagkat maaari itong makarating sa mga Nighters at atakihin kayo. May kutob kaming may traydor sa paaralang ito."

"Masusunod po Ma'am!" Sagot namin. Matapos iyon ay umalis na rin si Ma'am at kami naman ay naghiwa-hiwalay na rin. Pero may isa nanamang bumabagabag sa isipan ko. Sino kaya ang traydor na tinutukoy ni Ma'am Flora? Hanggang sa nakarating ako sa aking kwarto ay wala akong naisip ni isa mang tao sa buong school na maaaring traydor. Sa pagkakaalam ko, may mga attitudes ang iba sa kanila lalo na ang aking mga classmates.
Pero ni isa ay wala akong pinaghihinalaan sa kanila. Iwinaksi ko na lang sa aking isipin ang bagay na iyon, sina Ma'am na ang bahala don. Matapos kong hubarin ang aking uniform at magbihis ay nahiga ako agad sa aking kama, at dahil sa pagod ay nakatulog ako agad.

------------------------------------------------------
A/N:

Ayan, medyo naglagay ako ng konting puzzles, kasi may nakapagsabing okay din naman kung lalagayan ko ng konting puzzles para ma-curious naman kayo kahit onti lang 😸😸...

Anyway, thanks sa mga nagbabasa, please dont forget to vote kung nagustuhan niyo ang chapter na to.. Wag nyo ring kalilimutang punain ang mga errors ko para naman maitama ko sana sa mga susunod na chapts.... Thank you 😘😘😘

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon