Chapter 19: Dylan's Feelings

1.1K 44 0
                                    

Dylan's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kwarto ni Kyrae, balita ko nagising na daw ito kanina. Salamat naman at nakahinga na rin ako ng maluwag. Grabe ang pag-aalala ko noon lalo na sa gitna ng laban. Kitang-kita ko kung pano nagtransform si Kyrae, hindi nga nagbago ang itsura nito ngunit binalot ito ng napakalakas at kulay asul na aura. At ang asul na iyon ay gumawa ng napakalapad at dalawang pares na mga pakpak sa likod ni Kyrae. Oo dalawang pares talaga. Nakakamangha pero nakakatakot. Hindi ko na nagawang makabangon nung mga oras na yun sapagkat masyado ng malaki ang pinsala ko. Nais ko man itong tulungan ay hindi ko na kaya. Pero nagulat din ako sapagkat nakita ko ang takot na bumalatay sa mga mukha ng dalawa naming kalaban nung mga oras na iyon. Muntik ng patayin nung babaeng Sharmell ang pangalan si Black Lotus sa isang titig lamang ngunit hindi iyon umubra kay Kyrae nung nasa ganong sitwasyon na sya. Pero ang isa pa sa ipinagtataka ko ay mukhang nawala sa sarili si Kyrae nung mga oras na iyon, dahil maging sina Radcliff at Carter ay inaatake na nya. At mas namangha pa ako sapagkat nakita ko kung pano nya paglaruan ang dalawa sa pinakamalalakas na nilalang na nakilala ko. Mabuti na lamang at dumating si Principal Marduk at Ang Mahal na Borah kung kaya't napigila si Kyrae. Doon na lamang ang naalala ko sapagkat naging blanko na ang lahat sa akin noon.

"Hi Lan!" Nakangiting bati sa akin ni Freezca, na as usual, bigla nanamang umangkla sa braso ko.

"Hello, kamusta ka na?"

"Eto magaling na, wala na kahit isang galos." Nakangiti nyang sagot.

"Ah mabuti naman." Sabi ko.

"Ikaw kamusta ka na? At san ka pupunta?"

"Ahm dadalawin ko si Kyrae. Masyado akong nag-alala para sa kanya."

"Ah oo nga, kahit ako nag-alala din namanssa kanya kahit papano. Teka, tama narinig ko nga kanina na gising na daw sya. Halika sama na rin ako." At iyon nga hindi na bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na si Kyrae na naka-upo sa kama nito habang sina Maryse at Danaya naman ay nasa isang sofa. Agad naman akong pumasok at sumunod si Freezca.

"Aaaaaahyyyy tulooong may linta may lintaaa!"

"Aaah linta! Nasaaan!?" Gulat din namang tanong ni Maryse na mabilis itinaas ang mga paa sa sofa.

"Aaaahy linta, linta! Pulutin niyoo aaayhh!" Mabilis ding nagtititili si Freezca at todo yakap ang ginawa sa akin habang diring-diri at nakapikit.

"Aaayh lintaaaaa!" Sigaw pa rin ni Danaya. Bigla namang napatigil si Maryse ng humalakhak si Kyrae. Pati ako ay napatingin dito. Tuwang-tuwa ito habang pinanonood si Freezca na takot na takot.

"Aaahy ayan na kumapit nanaman yung lintaaaa!" Sarcastikong pang-aasar nanaman ni Danaya. Natawa naman ako dahil na-gets kong si Freezca mismo ang tinutukoy nito.

"Aaaah- ah!" Tila nakasantop din naman ang babae at masama ang tingin na lumingon kay Danaya na ngayon ay humahalakhak na kasabay nina Maryse.

"Tama, pulutin niyo at tapakan tapos ihagis sa malayo biliiiis!" Tili pa rin ng mapang asar na babae. Pati ako ay natawa sa pinaggagagawa ng mga ito. Agad namang bumitiw si Freezca sa pagkakayakap sa akin at akmang susugurin si Danaya kayat mabilis ko itong hinila pabalik.

"You freak!" Galit na sabi ni Freezca.

"Tama na yan, binibiro ka lang ng mga yan!" Natatawa kong awat.

"See? Nakakatakot ang linta diba? Pati sarili nya natakot na!" -Danaya

"Halika't sisipsipin ko yang dugo mo!" -Freezca

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon