Chapter 26: Fall of The Furies

1K 31 12
                                    

Queen Maria's POV

Hingal na hingal na ako dala ng pagod sa halos wala na atang katapusang labanan. Ganon din ang aming mga kalaban, kita ko rin sa mukha nila ang sobrang pagod at panghihina dala ng sobrang daming sugat na natamo namin pare-pareho sa labanang ito. Ang dalawang batang summoners ay pareho ng pagod at nakalupasay sa lupa. Si Sharmell na sapo ang balikat at dibdib nito na sobrang dami na ng dugo. Maging si Grimzo ay hindi maitago ang sakit na nadarama sa katawan nito.

"Sa palagay nyo ba talaga ay matatalo nyo ako ng ganon-ganon na lang? Huh! Masyado mo naman atang minaliit ang pagiging Borah ko!" Sarkastiko kong sabi habang pare-pareho na kaming mga hinihingal. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kapaligiran at nakita ko kung gaano na kalaki ang pinsala maging ang Gate ng imperyo ay halos bumigay na, sinusuportahan na lamang ito ng mga tagabantay na pagod na pagod na rin sa pagprotekta sa gate gamit ang kanilang mga kakayahan.

"Pasasaan ba at mamamtay ka rin!" Asik ni Sharmell na makikitaan mo na rin ng pagod at maraming pinsala sa buong katawan, maging ang mata nitong nagtataglay ng Sharinagi ay nagdurugo na rin dahil sa ilang beses na pagsubok nitong gamitin sa akin ang kakayahan nito. Aminado akong kaunti na lamang at bibigay na ang aking katawan, lalo na kapag muli akong ginamitan ng sharinagi ni Sharmel, hindi ako sigurado kung marereverse ko pa itong muli! Saisip ko.

"Tch! Siguro, pero sigurado naman akong mauuna ka sa akin!" Ganti ko rito, kasabay ng aking pagsuntok sa lupa ay nabiak ito at lumakad ang biak patungo sa kinatatayuan ni Sharmell na hindi na nakakilos at nahulog sa nabiak na lupa.

"Aah!" Sigaw nito. Ngunit dahil nasa malapit lamang ang isa sa mga kambal na si Hikaku ay mabilis itong nahawakan ni Sharmell at nadala sa pagkahulig, ngunit mabilis na nakahawak si Hikaku sa gilid ng nabiak na lupa.

"Aah! Kiba tulooong!" Sigaw ni Hikaku. Nakakapit naman si Sharmell sa isang braso nito.

"Aaah! Ang braso koo!" Iyak ng bata.

"Hikaku naryan na ako!" Sigaw ni Kiba habang tumatakbo. Mabilis na tumawag ng itim na anino si Sharmell at isang malaking brasong anino ang lumutang galing sa lupa at sinagip ito. Samantalang naiwan naman si Kiba habang hawak ang kambal nito na sa sobrang panghihina ay di na nya magawang hatakin pataas.

"Tulungan nyo kami!" Iyak ni Kiba.

Habang ako naman ay mabilis na ibinaon ang dalawang braso sa magkabilang panig ng lupang nabiak. Inipon ko ang aking lakas at muling pinagsalikop ang lupang nabiak!

"Yaaaaah!" Namangha maging sina Grimzo sa aking ginawa sa kabila ng pagod ko. Lumikha iyon ng malakas na dagundong ng lupa.

"Hindiii!" Gimbal na sigaw ni Kiba ng makitang kinain ng lupa ang kaawa-awang kapatid nito. Nanghihina itong napa upo sa lupa at malakas na humagulgol.

"Huh! Bagay lang yan sa inyo! Tatanga-tanga kasi kayo!" Asik ni Sharmell kay Kiba.

"Oh!  One down 3 to go!" Pang aasar ko sa mga ito.

Maya-maya ay bigla akong nagulat dahil sa mga mahihinang daing na aking narinig mula sa aking likuran at nagimbal ako sa aking nakita!

"Urghh!"

"Aggghh!"

"T-ttul-loong!" Daing ng syam na Fury na ngayon ay sakal sakal na ng mga taong tila gawa sa usok. Mabilis akong sumugod para tulungan ang mga ito ngunit huli na,  sapagkat rinig ko pa ang paglagutukan ng mga buto sa leeg ng mga Furies ng sabay-sabay iton balian ng leeg ng mga taong usok na iyon!

"Hindiiii" At nakita kong nagsibagsak na sa lupa ang mga duguan at walang buhay na mga katawan ng mga ito!

"Mga hangaaaaal!" Muli akong bumaling sa mga kalaban ngunit dahilan iyon para muli akong mapatigil sapagkat nakita kong hawak na pala ni Sharmell ang pinuno ng aking mga Furies! Nakapulupot ang braso nito sa leeg ng Fury na wala ng nagagawa sa sobrang panghihina.

"Bitawan nyo sya!!!" Galit kong sigaw.

"Pasensya na pero hindi ako sumusunod sa utos ng mababang nilalang!" Nakakalokong sagot ni Sharmell. Kitang-kita ko kung pano nya pinaharap ang Fury sa kanya at hinawakan ito sa leeg. Hinigop nito ang kaluluwa ng kaawa-awang Fury!

"Mga hangaaaaaal!" Galit akong sumugod papunta sa direksyon ng babae!

"Sharmell!" Sigaw ni Grimzo ng makita nitong papasugod ako sa kasama nito.

Hindi pa lubusang natatapos ni Sharmell ang paghigop sa kaluluwa ng Fury na hawak nito ay napalingon ito ng sumigaw ng malakas si Grimzo. Ngunit huli na sapagkat eksaktong pagkalingon ng babae ay malakas na tumama ang aking kamao na pinuno ko ng malakas na pwersa at nag nga-ngalit na kapangharihan. Di na nito nagawa pang makasigaw man lang ng tumama ang aking kamao sa mukha nito at mabilis at ubod lakas na tumilapon ito. Sa sobrang lakas ng pwersa ay lumikha iyon ng malakas na impact maging sa buong paligid at nagsi-liparan ang mga naglalakihang bato.

Grimzo's POV

Nanggilalas ako sa aking nasaksihan! Si Maria ay naglabas ng buong pwersa, isang napakalakas na pwersa!  Kasabay niyon ay nakita kong malakas na tumilapon si Sharmell na sa sobrang lakas ng impact ay ilang beses pa itong tumagos sa malalaking bato na nadaanan ng tumulapon nitong katawan bago ilang beses na sumadsad sa lupa bago tuluyang huminto ang katawan nito na halos di ko na matanaw sa sobrang layo ng kinalagyan nito.

"Sha-Sharmell!" Bulalas ko sa aking isip. Hindi ko na nakita pang gumalaw ang katawan nito kung kaya't mabilis akong lumutang sa hangin at nag anyong usok patungo sa kinaroroonan nito.

At doon, doon ko nakita ang halos madurog na mukha ng babae habang naliligo ito sa sarili nitong dugo na nagmula sa nabasag nitong bungo at nagkalasog-lasog na katawan!!!

Nakapangingilabot na pwersa!!!

"GRIMZOOO nasaan kaaa!!" Nagulat ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng Borah na ngayon ay sobrang galit na, ramdam na ramdam ko ang kanyang pwersa na kumakalat na sa buong lugar! Mabilis akong muling nag anyong usok at kumalat sa hangin. Kailangan kong mag isip ng isang magandang stratehiya upang mapatay ko ang babaeng ito. Mahihirapan akong patayin sya lalo na't mag isa na lamang ako sapagka't wala na ring kwenta ang isa pa sa natitirang kambal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon