Radcliff's POV
"Malapit na tayo! Nakikita na natin ang mga pagsabog gawa ng mga paglalabang nagaganap!" Sigaw ni Sir Cris habang patuloy pa rin kami sa mabilis na pagtakbo.
"Pero bakit hiwa-hiwalay ang mga labanan? Nasaan kaya si Kyrae?" Tanong naman ni Ma'am Flora na tila alalang-alala kay sa Kyrae na iyon. Naguguluhan ako, pero bakit tila napaka-importante ng isang iyon para sa mga matataas na tao? At may mga nighters pang sumugod sa academy para lang makuha sya? Ano bang meron sa kanya? Saisip ko. Nagtataka talaga ako dahil ngayon ko lang nakita ang apat na guro na nagsama-sama para lamang iligtas ang isang estudyante. Sino ka nga bang talaga, Kyrae?
"Kailangang matulungan natin silang lahat. Maghiwa-hiwalay tayo. Flora, Tenny, Radcliff at Carter doon kayo sa isang panig na iyon!" Turo ni Sir Cris sa isang panig kung saan may nagaganap ding labanan.
"Yes sir!" Sagot namin ni Carter. Si Carter ang Rank 1 sa Room 3, at Lightning ang power nya. Si Tenny naman ay ang babaeng nakakapagpalabas ng milyon-milyong patalim at pasabog at kung ano ano pang mga kagamitang pang nija gamit lamang ang pagkumpas ng mga paa't kamay nito. Gumagamit din ito ng mga magic letters na nakakabit sa mga patalim at sandata nito na nagagawa nitong pasabugin ano mang oras, sya ang Rank 1 sa Room 5. Si Ma'am Flora ang mamumuno sa grupo namin.
"Frank, Icy, at Syntharo! Doon naman kayo sa isang iyon!" Itinuro ni Sir Criss sa Dalawang batang babae at lalaki ang isang direksyon kung saan may nakikita kaming malalaking halimaw. Ang batang babae na si Icy ay Ice ang power, Rank 1 sa Room 8. Si Syntharo naman ang batang lalaki, at Rank 1 sa Room 7, isa syang card magician. Makakasama nila si Sir Frank.
"Mark, Clarice at Raven! Doon naman kayo sa isang yon!" Itinuro naman ni Sir ang isang panig kung saan ay may nagliliparang mga puno at iba pang mga bagay. Si Clarice ay ang babaeng naka-ponytail ng tatlong parte ang buhok at may malaking pamaypay, hangin ang kapangyarihan nito, Rank 1 sa Room 4. Si Raven naman ang malaking lalaki at Rank 1 sa Room 6, Iron ang kapangyarihan niya. Si Sir Mark naman ang Team Leader nila.
"Wathor at Ezikiel. Sakin kayo sasama!" Utos nito sa dalawa pang lalaki na natitira. Si Wathor ang Rank 1 sa Room 9 na may water element. Si Ezikiel naman ang Rank 1 sa Room 10, earth ang element nito.
"Masusunod po Sir!" Sagot ng mga ito.
"Sige na bilisan natin, maghiwa-hiwalay na tayo!" -Ma'am Flora.
"Hali na kayo!" Niyaya na ni Sir Frank ang mga kasama nito. Ganon din sina Sir Mark at nagsi-alis na ang mga ito.
"Mag-iingat kayo!" -Sir Cris. Tumango naman si Ma'am Flora bago kami niyaya at mabilis na kaming tumakbo paalis. Naghiwa-hiwalay na kaming lahat.
Cristoff's POV
Kinakabahan ako, may palagay akong hindi basta-basta ang mga nighters na ito. Nag-aalala na talaga ako sa mga estudyanteng kumakaharap sa mga kalaban ngayon. Lalo na kay Kyrae. Siguradong mananagot kaming lahat kay Queen Maria kapag may masamang nangyari kay Kyrae. Lalo na kapag nakuha ito ng mga Nighters. Hindi lingid sa amin ang tunay na pagkatao ni Kyrae, inatasan kaming lahat sa Academy ng Power Council na alagaan, at protektahan si Kyrae mula sa mga Nighters, sapagkat nais itong makuha ng tunay nitong Ama na si Sathan Mahrr Valkyrie. Ngunit ngayon nga ay nanganganib ngayon ang bata dahil may sumabutahe sa amin ng hindi namin alam kung sino.
Palapit na kami sa isang labanan, at nakikita na namin ang mga tubig na patuloy na nagsasalpukan na dinaig pa ang may tsunami sa sobrang lakas ng mga pwersa nito. Nadurog na ang mga punong malapit sa labanan. At di nagtagal ay nakita ko na ang isa sa mga estudyante namin. Si Maryse! Patuloy itong lumalaban kahit na kita namang pinaglalaruan lang ito ng kalaban nito na si- Teka! Tama ba ang nakikita ko? Si Talina? The Queen of Ocean is here? Pero bakit? Bakit nito kinakalaban ang Academy?
"Maryse!" Sigaw ko at mabilis itong tinulungan. Nakita kong tila nabuhayan ng loob ang bata ng makita kami. Halata na ang sobrang pagod sa mukha nito. Napakarami na ng mga pasa at malalaking sugat nito sa katawan at maging sa mukha. Hindi ko napigilang mahabag sa nangyari sa isa naming estudyante.
Nagpakawala ako ng sunod-sunod na mga sipa habang papasugod sa kinaroroonan ng kalaban. Bawat sipa ko ay may lumalabas na mga berdeng aura na nagbibigay ng lakas at pwersa sa aking mga atake. Nahahawi ang napakalaking tubig na sumasalubong sa aking mga sipa hanggang sa marating ko ang kinaroroonan ni Talina na nakatayo sa nakalutang na tubig."12 Feet of Fury!" Sigaw ko at mabilis ko itong kinombo ng sunod-sunod at mabibilis na sipa na tumama lahat sa babae dahil hindi nito inaasahang makakalapit ako rito kaya't nabigla rin ito sa atake kong iyon.
"Ah-aah-haa-aaaah!" Sigaw nito habang tinatamaan ng sunod-sunod kong sipa. Bumagsak ito sa napakalawak na ilog na iyon ay lumubog.
"Wag po kayong aapak sa tubig na iyan Sir!" Sigaw ni Maryse. Mabuti na lamang at nakakapaglakad ako sa hangin kung kaya't hindi ako naka-apak sa tubig.
"Tumabi ka na Maryse! Kami na ang bahala rito!" Sigaw ko.
"Sir!" Sigaw ng tatlong estudyante ng makitang may mala-higanteng ahas na tubig ang mabilis na sumusugod paakyat sa aking kinatatayuan.
"Huh!" Huli na para umilag, at mabilis na tumama sa akin ang higanteng water snake at mabilis ako nitong nilunok.
"Uhmpph!" Nagkakakawag ako ng malunod ako sa loob ng katawan nito.
"Stone Goliath!" Sigaw ni Ezikiel. Nakikita ko pa rin ang nangyayari sa labas sapagkat tubig naman ang ahas na lumunok sa akin. Ngunit hindi pa rin ako makahinga. Nakita kong tumaas ang isang bahagi ng lupa hanggang sa tila maging bundok ito, ilang saglit pa ay nawasak ang tila bundok na iyon at lumabas ang isang napakalaking taong bato!
"Gggrrrroowwwll!" Malakas nitong angil. Mabilis nitong inatake ang malaking Water snake at winasak ito. Sumabog ang tubig kaya't nakawala din ako. Bumagsak ako sa lupa at mabilis na bumangon. Sapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang hingal. Muntik na ako dun ah! Pambihira talaga ang kapangyarihan ni Talina. Isang atake pa lamang nito ay muntik ng kitilin ang aking buhay! Sya nga ang Reyna ng karagatan!
"Sir! Ayos lang po kayo?!" Tanong ni Maryse habang tumatakbo palapit sa akin. Inalalayan ako nito.
"Ayos lang ako!" Sagot ko. Nakita ko muling lumutang si Talina ngunit nakita kong may mga pasa na rin ito gawa ng aking atake kanina. Sa lakas ng atake kong iyon ay pasa lamang ang nakamit niya? Kung isang gaya ko lamang ang aking nakalaban ay siguradong kanina pa nagurog ang mga buto! Napakalakas niya! Mahihirapan kaming matalo sya. Patuloy na lumalaban sina Wathor at Ezikiel na pareho ng mga sugatan at pa-ulit-ulit na tumitilapon sa kung saan-saan. Nahihirapan silang makalapit sa kalaban sapagkat sa tuwing aapak sila sa tubig ay binabalot sila nito at malakas na sumasabog. Ang tubig ni Wathor ay nagagawang lamunin ng kapangyarihan ni Talina. Nawasak na rin ang malaking taong bato na ginawa ni Ezikiel kanina.
"Maryse, balutin mo ng makapal na tubig ang batong iyon, bilis!" Itinuro ko ang isang napakalaking tipak ng bato. Mabilis namang tumalima si Maryse, at kahit hirap-na hirap ng gumamit ng kapangyarihan ay pinilit pa rin nitong gawin ang utos ko. Lumutang sa himpapawid ang bato at nababalutan na ito ng napakakapal na tubig.
Bumwelo ako at biglang tumalon."Drunken Kick!" At ubod lakas kong sinipa ang malaking bato patungo kay Talina na nagulat sa bilis ng panyayari. Diretso itong tunamaan at sumabog ang katawan nito na naging tubig kasabay ng pagsabog ng bato. Unti-unting humupa ang tubig at nawawala na rin ang mala-ilog na gawa ni Talina. Pare-pareho kaming hinihingal dala ng sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasiFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...