Chapter 18: Gurlauge

1.1K 33 0
                                    

Noong dumating ang asul na buwan ay may isang batang babae ang isinilang. Ngunit kasabay ng pagsilang sa bata ay isang nilalang ang muling nagising mula sa mahabang pagkakatulog nito. Isang nakakatakot na nilalang na nahulog sa napakatagal na pagkakatulog ng ito ay i-seal ng mga Borah noong unang panahon sa tulong ng Hari ng mga Dragon na si Drako at ang kapangyarihan ng Power Council. Isa itong uri ng nilalang na nabuo gawa ng malalakas na enerhiyang nagmula sa poot at galit ng mga nilalang sa buong mundo na naipon at nabuo bilang isang napakalakas na halimaw. Sa kasaysayan ng mundo, ang Gurlauge lamang ang natatanging nilalang na may kapangyarihang Asul na apoy o Apoy ng poot at galit. Isang apoy na kahit ano mang bagay sa mundo ay kayang lamunin. Maging ang kapwa nito mga apoy ay hindi tumatalab dito. Bago pa man nabuo ang asul na apoy ay may dalawa ng uri ng apoy sa mundo. Ang pulang apoy at ang itim na apoy na doblehin pa ang lakas ng pulang apoy sa sobrang lakas nito, ang itim na apoy ay nabuo gawa ng kasamaan. Ngunit maging ito ay walang panama sa apoy ng Gurlauge dala ng nagngangalit nitong kapangyarihan. Nahirapan ang mga Borah na talunin ang Gurlauge, masyado silang napinsala sa sobrang lakas ng nilalang. Tumulong na ang hari ng mga Dragon ngunit maging ito ay ilang beses lamang na inilampaso ng Gurlauge. Pinalibutan ito ng mga Borah katulong si Drako at sama-sama nilang inubos ang kanilang lakas upang pahinain ang nilalang. Sinamantala iyon ng Power Council upang isagawa ang Sealing Magic. Tagumpay nila itong na-ikulong sa katawan ng isang batang babae na si Harley Mysticuz, isang batang pinaniniwalaang alagad ng liwanag. Noong panahong iyon ay sya lang ang taong may natatanging katawan kung saan pwedeng ma-ikulong ang halimaw at maikukulong ito sa mahabang pagkakatulog sapagkat may kapangyarihan ng liwanag at kabutihan ang katawan ni Harley. Mula noon ay umasa sila na mananahimik na ang halimaw habang buhay ngunit nagkamali sila ng magkaanak si Harley, sapagkat sumama ang halimaw sa katawan ng bata ng ito ay mailuwal. Isa iyon sa paraan ng halimaw upang madali syang makawala sapagkat ang katawan ni Kyrae ay may kalahating liwanag at kalahating kasamaan. Sapagkat ang ama nito ay isa palang alagad ng dilim at si Harley ay alagad ng liwanag.
Sa kasalukuyang panahon ay unti-unti nanamang nagigising ang halimaw sa katawan ni Kyrae. Nagigising at mas lumalakas ang Gurlauge kapag nagagalit si Kyrae kung kaya't nag-uumalpas ito at pilit na lumalabas. Nababahala ang lahat sapagkat alam nila kung gano ito kalakas. Mas kinatatakutan pa nila ito kesa sa buong Night Emprie!

Queen Maria's POV

"Nakita niyo na!? Kung hindi pa natin agad naagapan ang mga nangyari ay siguradong nasa kamay na nila si Kyrae!" Galit kong sigaw. Nasa loob kami ngayon ng opesina ni Principal Marduk at magkakaharap kami ng mga Headmasters ng Power Council.

"Huminahon ka Maria, alam kong nagkamali ako sa aking desisyon. Hindi ko inaasahang makakarating iyon sa kaalaman ng mga Nighters ng ganoon na lamang kadali." Hinging paumanhin ni Marduk.

"Maging kami ay humihingi ng paumanhin sa iyo Maria, pumayag kami sa plano ni Marduk sapagkat napakatagal na nyang nanunungkulan bilang Principal at lahat ng naging desisyon nya para sa kanyang mga nasasakupan ay nagiging maganda. Hindi rin namin akalaing may traydor sa loob ng Academy na napakalapit lamang sa matataas na tao dito sa loob ng paaralan, kung kaya't kahit napakalihim ng misyon nina Kyrae kung nasaan sila ay may nakaalam pa rin." -Headmaster Jin.

"Sino na ba ang suspect nyo sa mga narito Marduk?" -Headmaster Drae

"Wala pa akong alam ngunit kumikilos na sina Armeda at ang mga guro upang alamin kung sino ang mata ng Night Empire sa loob ng aking nasasakupan."

"Dapat na nating mahuli ang taong iyon sa lalong madaling panahon bago pa may mapahamak, at bago pa may mangyaring masama kay Kyrae!"

"Huwag kang mag-alala Maria, sisiguraduhin kong hindi magtatagal ay malalaman din natin kung sino ang taong iyon!" -Marduk

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon