Author's POV
Galit na galit si Haring Sathan sa muli nanamang pagkabigo ni Grimzo sa pagkuha kay Kyrae.
"Hindi ko akalaing humihina ka na talaga Grimzo! Ilang beses ka ng pumalpak!" Dumadagundong ang boses na sigaw ng Borah.
"Pp-pasensya na po Mahal na Borah! Ngunit, habang nakakunekta ang aking kapangyarihan sa katawan ng Inyong anak kanina ay ramdam kong mabilis na humihina ang aking enerhiya. Dagdagan pang biglang nagsidatingan ang iba pang mga taga-academy upang tulungan sya. Patawad po Mahal na Hari!"
"P*nyeta! Ginagalit talaga nila ako! Gusto talaga nilang dumanak ang dugo huh?! Pagbibigyan ko sila!"
"A-ano po ang ibig nyong sabihin?" -Grimzo
"Mayroon tayong panibagong plano. Sisindakin natin Ang Power Council at sina Marduk at Maria upang mapilitan silang ibigay si Kyrae sa akin!"
"Pp-ero papano po?"
"Isama mo si Sharmell at ang dalawang Kambal. Tumungo kayo sa harapan ng entrada ng United Empire! Hilingin ninyo na palabasin si Maria upang kalabanin kayo, kapalit ng hindi niyo pagpasok sa kanyang Imperyo. Sina Talina at Magnus naman ay uutusan kong lusubin ang iba pang mga Imperyo upang yanigin ang buong mundo! Ipapakilala natin ang kapangyarihan ng SANITY!"
"Masusunod po Mahal na Hari!" Agad ding tumalima ang alagad ni Sathan upang sundin ang ipinag-uutos nito. Nang makaalis ito ay muling umupo sa trono nya ang hari.
"Hindi na magtatagal at mapapasa-ilalim din ng Night Empire ang buong mundo!" Anito sa nakakakilabot na tinig.
Kyrae's POV
Halos buong school ay nag-eensayo upang mas mapagaling pa ang kanilang mga sarili sa pakikipaglaban. Hindi na muna binigyang pansin ng buong paaralan ang iba pang aralin sapagkat ayon kay Principal Marduk ay ito raw ang makakabuti para sa lahat. Sa pamamagitan nito ay magiging handa ang lahat sa mga darating pang sakuna, sapagkat napapadalas na ang paghahasik ng lagim ng mga taga-Night Empire. Maging ang Academy ay hindi na nito pinalalagpas. Balita na rin ang mga pagpaslang sa iba't-ibang imperyo ng Grupong SANITY! Grupong pinamumunuan ni Grimzo. Masyado na silang kinatatakutan ng lahat, sapagkat maging malalakas na mga tao ay nagagawa nilang paslangin.
"Grabe, nakakapagod naman ang buong maghapong training!" Ani Danaya na tumabi sa aking magpahinga sa isang gilid. Pareho kaming pawisan. Sumunod na rin si Maryse na syang training Partner ni Danaya. Tama, lahat kami dito ay may Training partner, sapagkat kulang na ang magti-train sa sobrang dami ng estudyante rito. Si Dylan naman ang Training Partner ko sapagkat kung sino ang nais namin ay pwede naming maging partner.
"Ahm, Kyrae wag ka sanang magagalit huh?" -Maryse
"Bakit?"
"Ahm, kasi nagtataka talaga kami kung bakit ka gustong kunin ng mga Nighters? Pero mukha namang di ka nila balak saktan, mukhang kailangan ka lang talaga nilang kunin?"
"Oo nga girl, laging ikaw ang puntirya nila!" Segunda ni Danaya.
"Ewan ko nga rin eh, tinanong ko si Grimzo tungkol jan pero hindi naman nya sinasagot ng matino yung tanong ko." Sagot ko.
"Aah basta, ano pa man ang mangyari lagi mong tatandaan na lagi kaming naririto para sayo okay!?" Sabat ni Dylan.
"Yes right!" -Danaya
"Always!" -Maryse
"Alam ko! At salamat!" Nakangiti kong sagot sa kanila.
Nakita naming papalapit sa amin sina Master Lotus at kasunod nito ang dalawa sa mga Rank 1, sina Carter at Radcliff!
"Ouiii yung mga fafabols nyaaa!" Pang-aasar ni Danaya habang sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Ano ba!? Tumigil ka nga!" Asik ko. Tumigil naman sa harap namin sina Master at sabay-sabay namin itong binati.
"Magandang araw po master!" -kami
"Magandang araw din naman sa inyo!" -Master
"Kyrae, hindi ba't napag-usapan na natin noon ang tungkol sa magiging training mo kasama sina Carter at Radcliff? Baling nito sa akin.
"Aah opo master naalala ko po. Pero kailangan ko pa po ba talaga sila kalabanin ng sabay?!" Bulalas ko.
"Yun nga ang kailangan ko sayo ngayon. Dahil sa mga nagaganap na pagsugod ng mga Nighters ay hindi na nagiging maayos ang klase sa buong Academy, kung kaya't napag-desisyunan namin na baguhin ang marami sa mga nakasanayan na sa school na ito."
"Ano po ang ibig nyong sabihin master?" -Dylan
"Ang Tournament ay magaganap na sa lalong madaling panahon. Kaylangan ng maitalaga kung sino ang magiging sword of The year, at pansamantalang tapusin ng maaga ang klase ngayong taon. Masyado ng delikado para sa mga estudyante rito ang madalas na pag-atake ng mga Nighters." Pahayag ni Master.
"At tungkol naman sa training mo Kyrae, hindi na magaganap ang pakikipaglaban mo kina Radcliff. Pero kailangan ka pa rin nilang i-train para mas lalong madagdagan ang iyong skills sa pakikipaglaban."
"Talaga po Master? Hindi ko na sila kakalabanin? Hhhayy salamat!" Nakahinga talaga ako ng maluwag.
"Pero-
"Pero ano nanaman po master!"
"Pagkatapos na pagkatapos ng Training niyo ay mag-uumpisa na ang pagpili ng dalawang manlalaro mula sa bawat imperyo upang isali sa Liga! At kailangan ay maging handa kayong lahat dahil baka isa kayo sa mga mapili." Napatangu-tango kami sa sinabi ni Master.
"At kung sakali man na magkaharap-harap kayo sa arena, sana ay wag kayong magpakita ng awa sa isa't-isa!" Nagulat kami sa sinabing iyon ni master at ni isa ay walang nakapagsalita sa amin. Oo nga, nakalimutan kong may tyansang magkaharap-harap kami sa Tournament.
"At isa pa, Kyrae siguradong isa ka na sa mga makakasali. Sapagkat lahat ng Rank 1 ay otomatikong makakasali na. Ang makakapareha mo na lang ang pipiliin pa." Tango lang ang naging sagot ko. Napatingin naman ako kina Carter na nakangiti lang sa amin at kay Radcliff na kabaligtaran naman ni Carter. Parang may sarili syang mundo! Kung ganon, malaki ang tyansang makaharap ko ang isa sa kanila. Napa-iling-iling ako sa aking naisip. Oo nga at hindi naman kami close ni Radcliff pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Ilang beses na ba nya akong tinulungan at iniligtas? Si Carter naman, hindi ko ma-imagine na naglalaban kami ng patayan sapagkat lagi kaming nagtatawanan at naghaharutan pa nga kung minsan kapag kami ay magkasama. Oo naging close kami dahil parang si Dylan lang. Makulit din sya!
"O sya sige na aalis na ako. Bukas na nga pala mag-uumpisa ang training mo kasama si Carter." Ani Master.
"Po? Bukas agad?"
"Oo naman, alangan naman pagtapos na ang tournament? Syempre kelangan nga daw magmadali diba?" Sabat ni Dylan.
"Ay bastusan lang?! Di ikaw kinakausap ko bwiset!" Angil ko.
"Oo Kyrae, bukas agad. Kayat magpahinga ka na ngayon ng maaga para makapaghanda ka. Tatlong araw mong makakasama si Carter, ganoon din si Radcliff." Iyon lang at umalis na si Master.
Sumunod na rin sina Radcliff."Bye Kyrae! See you tomorrow!" Nakangiting kaway ni Carter.
"Sige bye!" Nakangiti ko ring iwinagayway ang aking kamay.
"Bye Kyrae, see you tomorrow!" Panggagaya ni Dylan na halos di na maipinta ang mukha.
"Problema mo?" Asik ko.
"Ajjiii!!! Nag-che-chelot siyaaa!" Pang-aasar nina Danaya at Maryse kay Dylan.
"Hindi ah! Naku jan na nga kayo!" *walk-out*
"Ahyy? Anuh yun? May regla?" -Maryse
"Baka." Kibit-balikat naman ni Danaya.
"Hayy naku wag niyo na lang pansinin yun. Magpokus na tayo sa training!" Yaya ko sa mga ito at nagsitayo na kami.

BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...