Chapter 13: The Sanity

1.1K 29 0
                                    

Kyrae's POV

Nakalabas na kami sa kasukalan at mabilis pa rin kaming tumatakbo kahit dama na namin ang sobrang pagod.
Bigla akong kinabahan ng may maramdaman akong napakalakas at napaka-itim na aura! At sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaking naka-abang sa aming daraanan! At nakasuot ito ng itim na kapa!
Nang malapit na kami ay saba-sabay kaming napahinto ng bigla nitong ikumpas ang kamay nito at iniangat ang isang puno mula sa di kalayuan. Sabay-sabay din kaming napa-ilag ng biglang bumulusok ang napakalaking punong iyon at bumagsak sa aming kinatatayuan. Levitation ang kapangyarihan niya!

"Mag-ingat kayo! Dating Sword of the year ng LONA ang taong iyan!" Sigaw ni Maryse. Sword of the year? Nang LONA? Pero bakit nya kami inaatake?!

"Napasailalim na ng isang itim na mahika ang isipan ng taong iyan!" Sigaw ni Black Lotus.

"Kung ganon kontrolado na po ba sya ng kung sino?" -Danaya

"Ganon na nga!" -Lotus

"Mauna na kayo Kyrae!" Sigaw ni Danaya.

"Ano!?" Sabay-sabay naming tanong.

"Kailangan nyong maitakas si Black Lotus at madala sya sa Academy bago pa makarating ang iba pang mga nighters!" Hindi tayo pwedeng maubos dito!" Sigaw nito. May punto ito. Kailangang ma-iligtas namin si Black Lotus.

"Magpapaiwan na rin ako! Kayo na lang ang bahala kay Black Lotus!" Sigaw ko.

"Hindi maaari Kyrae! Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Black Lotus? Kukunin ka ng mga Nighters!"

"Tama sya Kyrae! Hindi ka pwedeng makuha ng mga Nighters!" Agaw ni Black Lotus.

"Pero pano ka?!" Baling ko kay Danaya.

"Bahala na! Ang importante makarating kayo sa Academy. Bilisan nyo!" Wala na kaming nagawa kundi ang umalis na.

"Mag-iingat ka!" Nag-aalala kong bilin kay Danaya. Tumango ito at muling hinarap ang kalaban. Mabilis na rin kaming nagsitakbuhan. Ngunit ilang metro pa lamang ang aming natatakbo ay muli nanaman kaming nagulat ng biglang may humarang sa amin na isang napakalaking nilalang! Isang nakakatakot na nilalang!

"Summoning Jutsu!" Bulalas ni Maryse.
At laking takot namin ng bigla itong sumugod sa direksyon namin. Lahat ng punong maapakan nito ay nadudurog lamang.

"Freez!" Sigaw ni Freezca na buong tapang na tumalon sa uluhan ng halimaw at hinawakan ang noo nito. Mabilis na gumapang ang yelo sa buong katawan ng halimaw at hindi na ito nakagalaw pa. Umapak sa tuktok ng ulo nito si Freezca at naglabas ng isang malaking maso na gawa sa yelo.

"Yhaaaa!" At malakas na hinampas ang ulo ng nawasak na halimaw. Gumawa kami ng shield dahil nagsitalsikan ang malalaking tipak ng yelo.

"Wow!" Tangi kong nasabi.

"Ang bababaw niyo naman!" Nagulat kami ng may dalawang batang lalaki ang sumulpot mula sa kung saan. At gaya ng naunang lalaki ay may mga suot din na cloak ana dalawa, at my naka-sulat na malaking "S" sa likod nito na kulay gold at napalilibutan ng maliliit na patalim.

"Sino kayo?!" -Dylan

"Kami ang Kambal na Summoners, si Hikaku at Kiba!" Sabay na sagot ng kambal.

"Summoners? Kung ganon kayo ang tumawag sa nilalang na iyon?" Gulat kong tanong.

"Kami nga! At kami lang ang may kakayahang mag-summon ng kahit anong nilalang na naisin namin." Sagot ng mga ito na ikinagimbal namin.

"Hindi basta-bast ang mga batang ito!" Bulong ni Dylan sa akin.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon