Kyrae's POV
Pagpasok namin sa isang building ay may lumapit na isang chambermade. At ang cute ng isang to huh! Kamukha nya yung mga sexy at magagandang katulong sa mga animé. 3/4 ang sleeves ng yellow na uniform niya at ang iksi ng skirt nya na yellow din ang color, may short na white na panloob. At naka Stocking sya ng yellow and white stripes. At ang buhok nya ay makintab na white talaga at ang haba. Abot sa may but nya, at may highlights na hellow ang magkabilang part ng buhok nya sa mga sentido. Parang Barbie doll lang!
"Ahm, sila na ba ang mga galing sa United Empire?" Tanong nito na may napakatamis na tinig habang nakangiti. Napangiti rin naman ako.
"Ah kami nga! Ako si Dylan!" Agad akong napasimangot ng bigla nanamang sumingit yung warewolf kong kasama! Magpapakilala lang kelangan pang hawakan yung kamay? Agad ko itong piningot at hinila pabalik sa tabi ko.
"Ah sila nga! Paki-samahan na lang sila sa opesina ni Lord Marduk." Sabi ng kawal at nagpaalam na saamin bago umalis.
"Teka, kanina ko pa napapansin, bakit lord ang tawag nyo sa principal?" Tanong ko sa chambermaid.
"Kasi sya ang pinakamakapangyarihan sa buong academy. Actually sa lahat ng naging Principal dito ay sya ang pinakamalakas. Sya kasi ang anak ng Apoy na Dragon na si Drako." Nakangiting pahayag nito.
"Really? Siya yung anak ng hari ng mga Dragon na si Drako?" Mangha kong bulalas.
"Ganon na nga!" Pagbaba namin sa Elevator ay agad kaming tumungo sa isa sa mga pintuan doon. Nangilabot ako ng tumapat kami sa isang pintuan na may nakalagay na Principal's Office. Napakalalas ng enerhiyang nararamdaman ko sa labas pa lang, nakakatakot. Ganon na ba sya kalakas na kahit hindi gumagamit ng kapangyarihan ay mararamdaman mo pa rin ang aura nya?
"Narito na tayo!" Sabi ng Barbi- ahy Chambermade pala.
"Magandang umaga po Master Marduk, narito na po ang mga taga United Empire!" Bigkas nito. Teka! Pano maririnig yon ng nasa loob eh mukhang napakakapal ng pintong ito. Nagulat ako ng biglang may lumitaw na screen sa mismong pinto at nakita namin doon ang isang malaking kalbo na lalaki.
"Kayo na ba ang mga taga United Empire?" Tanong nito sa makapangyarihang tinig.
"Opo kami na nga!" Sagot ko.
"Sige magsipasok kayo!" Biglang bumukas ang pinto at agad kaming niyaya ng chambermaid na pumasok. Wow! Automatic yung door!
"Magsi-upo kayo." Anyaya ng Principal na ngayon ay kaharap ko na.
"Salamat po." Agad naman kaming nagsi-upo.
"Armeda, pakikuha nga ng bagong profile notebook sa itaas at ng ma-enroll ko na sila!" Utos nito sa Chambermaid na Armeda pala ang pangalan. Agad naman itong tumalima at...
"(0.0)!" Nagulantang talaga kami ng makita naming bumukas ang likod nito at lumabas ang apat na mala-galamay ng gagamba at mabilis itong tumalon at gumapang paakyat sa pinakatuktok ng kabinet na puno ng makakapal na mga libro na halos umabot na sa napakataas na kisame ng opesina. Agad itong kumuha doon ng mga blank profile notes at mabilis ding bumaba.
"Ro-robot ka ri-rin p-pala?" -Dylan
"Oo." Ngiting sagot ni Armeda na ngayon ay nakatago na muli ang mga galamay! Creepy!
Tinanggap ng principal ang dalawang notes at hinaplos ang unang pahina ng unang notes na binuksan nito, at namangha nanaman ako ng makitang biglang nag-fade in ang mga sulat at lumitaw ang mga tungkol kay Dylan. Hanggang sa na-ubos ang limang pahina ng Profile notes ay pawang mga tungkol kay Dylan ang nakasulat. Binuklat naman ng principal ang sumunod na note at nakita kong lumabas sa unang pahina ang picture ko gaya ng kay Dylan kanina. Sa ikalawang pahina ay ang mga kakayahan ko at iba pa.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...