Kyrae's POV
Narito na ako ngayon sa labas ng Training Cave at naghahanda ng pumasok. Siguradong nasa loob na si Carter ngayon. Knowing him, hindi yun nagpapa-late. Laging on-time! Advance pa nga!
Pagpasok ko ay hindi nga ako nagkamali, natanaw ko agad ito sa isang panig ng Cave na ito at nakangiting kumaway sa akin. Ang gwapo talaga nitong tukmol na to kainis! At Nakangiti rin naman akong lumapit dito."Oh, ang aga mo ah?" Bati ko.
"Syempre, isang magandang binibini ba naman ang iti-train ko eh!" Hinampas ko ito sa balikat.
"Eto! Masyado kang mapagbiro! Teka nga ilalapag ko muna tong bag ko!" Sabi ko at hinubad ang bag ko. Naghanap ako ng mapag-papatungan at may nakita akong isang kama sa isang gilid ng Kweba. At may table din sa gilid nito.
"Oh bat may Kama dito?" Takang tanong ko.
"Ah yan ba? Magpa-practice din kasi tayo jan." Nakangiting sagot nito. Agad naman akong namula dahil sa sagot nito at mabilis na hinampas ito gamit ang bag ko.
"Pervert!" Sigaw ko.
"Ah-arrayy! Eto naman, binibiro ka lang eh! As if namang tototohanin ko!" Tumatawa nitong sagot habang panay ang salag sa mga hampas ko.
"Yyucks! As if namang papayag din ako kung totohanin mo man!"
"Haha, grabe ka, choosy ka pa nyan huh? Sa gwapo kong to. Tiyak na kaiinggitan ka ng mga girls dito!"
"Aah so swerte ko pa na nagkaroon ako ng kasamang manyak!?"
"Haha, grabe ka naman sakin! Manyak talaga? Diba pwedeng Gwapo na lang!"
"Cheh!" At tumalikod na lang ako dito upang ilagay ang bag ko sa table na naroon.
"Oh, kala ko ba ayaw mo? Ba't pumupunta ka na jan? Ngayon na agad?" Natatawang sabi nito ng makitang papalapit ako dun sa table sa gilid ng kama.
"Cheh! Ilalagay ko lang bag ko no! Kainis ka!" Pagkatapos kong ilapag ang bag ko ay bumalik din ako agad sa may gitna ng cave kung saan naghihintay na si Carter.
"Okay, seryoso na. So handa ka na?" Tanong nito.
"Oo naman!" Sagot ko.
"Kumuha ka ng kahit anong patalim o armas. Alam mo naman sigurong close fight tayo diba?" Nakangiti nitong sabi. Tumalima naman ako at hinugot ko ang dalawang tila hawakan ng malalaking kutsilyo mula sa aking pocketknives na nasa magkabilang binti ko.
"Oh ano yan? Sabi ko patalim? Hindi hawakan ng patalim!" Natatawang sabi nito.
"Oo nga!" At sabay kong iwinasiwas ang dalawang hawak ko at biglang nagkaroon ng mga mahahabang patalim ang kanina ay mga hawakan lamang. Isa iyong patalim na gawa sa sarili kong aura. Hindi ko man maintindihan kung bakit tila kulay asul na apoy ang armas na ito ay hindi na lang ako nagtanong. Si Master Lotus ang gumawa nito gamit ang pinagsama naming kapangyarihan.
"Wow!" Bulalas ni Carter na halatang na-amaze din sa kikita. Tila isang asul na apoy na naghugis patalim ang aking armas na ngayon ay ini-umang ko na rito.
"Oh, so fast!" Anito na nagulat ng bigla kong maitutok sa leeg nito ang aking sandata.
"But not enough!" Laking gulat ko ng mula sa aking harap ay isang kisap-mata lamang at nasa likuran ko na ito at handa na akong atakihin gamit ang espada nitong hugis kidlat. Hindi ko na iyon kaya pang ilagan kung kayat isinalag ko na lamang ang aking mga sandata.
"Ah!" Daing ko ng maramdaman ko ang malakas na pwersa ng sandata nito. Sunod-sunod ang ginawa nitong pag-atake at lahat ng iyon ay sinasalag ko lamang. Ilang saglit pa ay tumigil ito at ako naman ay hinihingal na nag-dodge paatras.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...