Chapter 9: The Mission

1.3K 35 0
                                    

Queen Maria's POV

"Bakit niyo binigyan ng misyon sa labas ng academy si Kyrae!" Galit kong sigaw sa harap ng TV monitor kung saan naroon sina Headmaster Drae at Principal Marduk.

"Kailangan nating gawin ito upang malinlang natin ang mga kalaban. Lingid sa kaalaman ni Kyrae ay gumawa kami ng clone niya, at kapag umalis na sya sa academy para sa mission na ginawa namin kasama ang mga malalakas na mag-aaral ng LONA ay ilalabas namin ang clone niya upang akalain ng mga kalaban na nasa loob pa rin ng academy si Kyrae. At kapag sumugod silang muli ay hahayaan naming makuha nila ang clone ng sa ganon ay maging ligtas na sya mula sa mga kalaban. At kapag kumagat sila ay kailangan na nating itago ang iyong anak upang hindi na malaman pa ng mga kalaban na peke ang nakuha nila." Mahabang pahayag ni Principal Marduk.

"At paano kung malaman nila na nasa labas na ng academy ang anak ko at nililinlang niyo lang sila? Hindi niyo ba naisip na napaka-delikado ng ginagawa ninyo?"

"Sumugod sa Academy si Grimzo na kanang kamay ni Sathan." -Marduk

"P-pa-pano nangyari yon? Hindi ba't may Barrier na nakapalibot sa academy?"

"Tama ka Maria, pero si Grimzo ay isang Black Magician na may kakayahang pahinain ang kahit na anong uri ng barrier. Kung kaya't nakapasok sya sa Academy at kinitil ang buhay ng maraming mga taga-bantay." -Headmaster Drae

"At hindi mo man lang napaslang ang hangal na iyon!?" Galit kong baling kay Principal Marduk.

"Napakalawak ng Academy kung kaya't hindi ako agad nakapunta kung nasaan ang taong iyon, at napakaraming Nighters na sumugod sa office ko kaya kinailangan ko munang tapusin ang mga ito." -Marduk

"At sa palagay ko ay sinadya nilang harangan ka Principal Marduk, upang hindi ka makatulong kay Kyrae." -Drae

"Kaya nga ilalayo natin ang tunay na Kyrae sa Academy upang maitago natin sya mula sa mga kalaban." -Marduk

"Paano kung may mangyaring masama sa anak ko?!"

"Huminahon ka Maria, dadagdagan natin ng bantay ang paligid at pawang malalakas na estudyante ang ipapasama namin sa kanya." -Marduk
Huminga ako ng malalim, at muli, ay sasang-ayon nanaman ako sa plano nila labag man sa aking kalooban.

"Sige, pero kapag may nangyaring masama sa kanya. Ipapataw ko sa iyo ang kamatayan na hindi kayang ibigay sa iyo ng kung sino man!" Pagbabanta ko kay Principal Marduk.

"Tinatanggap ko ang iyong nais, ang mahalaga ay maging ligtas si Kyrae!" Sagot nito.

Author's POV

Lumuhod si Grimzo sa harap ng trono ng Hari ng kadiliman na si Sathan Mahrr Valkyrie upang magbigay galang dito.

"Ano't tila nabawasan ata ang enerhiya ng iyong aura Grimzo? At nasaan ang aking anak?" Tanong ng hari sa nakayukod na lalaki.

"Patawad mahal na hari, ngunit nabigo akong makuha ang inyong anak. Masyadong malalakas at napakarami ng tao sa Academy, hindi ko sila kinayang labanan ng sabay-sabay. Patawad po!" Tumayo ang Hari at lumapit sa lalaking tila nahintakutan sa nakikita niyang galit na naka balatay sa mukha ng kanyang panginoon.

"Ginagalit talaga nila ako!" Dumadagundong sa buong kaharian ang boses ng hari.

"Bumuo ka ng isang Grupo na makakatulong sa ating layunin, Grupong ikaw ang mamumuno. Kumuha ka ng lima pang miyembro." Pahayag ng hari.

"Pero sinu-sino naman po ang makukuha ko?" Tanong ni Grimzo.

"Kailangan ay malalakas na tao ang iyong makuha. Mga taong may di pangkaraniwang pagkaka-kilanlan. At may mga kilala akong tao na may mga ganitong katangian." Nakangising pahayag nito.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon