Chapter 7: The Visitor

1.3K 36 1
                                    

Kyrae's POV

"So sya pala yung rank 1 sa Room 2 ng senior level?" Bulong ng isa sa katabi niya. Kasalukuyan kaming kumakain noon sa canteen at di naiwasang marinig ko ang ilang bulungan tungkol sa akin.

"Oo daw, sya nga!" Sagot ng isa.

"Kung ganon malakas pala sya?"

"Oo at sa pagkakaalam ko sya daw yung anak ng Borah ng United Empire na si Queen Maria Malak!"

"Wow!" Sabi ng isa. Tch! Kainis naman, magbubulungan na lang ang iingay pa!

"Wag mo na lang pansinin yang mga yan, kumain ka na!" Nakangiting sabi ni Naya.

"Nakakawalang gana kasi eh!"

"Oui teka, lahat daw pala ng rank 1 sa bawat room ay ipinapatawag mamaya sa training room para sa all in all rankings!" Pagbabalita ni Maryse.

"Ah, ganon ba?" Napatango na lang ako.

"Sino kaya ang Rank 1 sa room 1?" -Danaya

"Mukhang may idea na ako kung sino yun." Tila walang ganang sagot ni Maryse.

"And Speaking of the devil!" Mariin nitong sabi ng makita kung sino ang mga papasok sa canteen. Sina Davila at Radcliff!
At nakita ko kung gano katalim ang mga titig ni Maryse sa lalaki. Ganon na ba kalaki ang galit nya sa lalaking yan? Sa bagay di ko ito masisisi dahil nasira ang friendship nila dahil kay Radcliff.

"So sya kaya ang Rank 1?" -Naya

"Ewan ko lang, pero malamang." Muling ibinaling ni Maryse ang pansin sa kinakain nito.

"Malalaman din natin yan mamaya." Sagot ko. Susubo na sana akong muli ng biglang sumakit ang aking likod dahilan upang mabitawan ko ang kutsarang hawak ko na umagaw sa atensyon ng marami.

"Aahray!" Daing ko. Agad namang tumayo si Danaya upang daluhan ako.

"Anong nangyayari!?" Tarantang tanong nito. Naglagay naman ng tubig sa baso si Maryse at iniabot sa akin. Saglit lang naman ay nawala rin ang kirot na naramdaman ko.

"Ah, okay na ako pasensya na. Ewan ko't sumakit ang likod ko. Suguro dala lang ng pagod sa challenge natin kahapon." Pahayag ko.

"Magpahinga ka kasi ng mabuti." -Maryse

"Ganon na nga ang gagawin ko." Nakita ko ang mga matang nagtataka na nakatingin sa akin, ngunit ibinaling din nito sa sarili nilang lamesa ang kanilang mga pansin. Napansin ko si Davila na nakatingin sa akin at tila, Nag-aalala ba sya? Parang nababasa ko sa mga mata nya ang pag-aalala, pero sandali lang iyon at muling bumalik ang supladang aura nito at inirapan ako. Hmnn! Anong problema ng isang yon? Muli ko na lang ibinaling sa pagkain ang aking atensyon.

Pagkatapos ng last subject namin ay agad akong nagpaalam kina Danaya na pupunta na ako sa Faculty para sa meeting ng mga Rank 1, habang naglalakad ako sa pasilyo ay nakita ko ang maraming estudyante na kanya-kanya ng grupo, may mga naglalaro, may nagtatawanan at iba pa. Ngunit nagulat ako ng mula sa kung saan ay biglang may sumulpot na Darkball at sumabog ito sa mismong gitna ng Park ng Academy. Napakalakas ng impact noon at umabot hanggang dito sa kinatatayuan ko. Yumanig ang lupa dahil sa impact nito kaya't na out-balanced ako.

"Aaaah!"

"Tulooong!" Sigawan ng mga naroon. Muli akong tumayo at tinanaw ang gitnang parte ng Academy kung saan marami ang natamaan at naapektuhan. Nakita kong marami ang mga nawasak na mga sasakyan sa Parking lot sa di kalayuan, at nag-crack din ang ilan sa mga dingding ng building.
At mas nagimbal ako ng mula sa kung saan ay may isang lalaki ang lumulutang mula sa himpapawid papunta sa gitna ng Academy. Napapalibutan ito ng malakas at napakaitim na aura. Umuusok ng itim ang buong katawan nito, mahaba ang buhok at maraming hikaw pati sa labi at ilong. May kasunod itong mga Nighters!

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon