Kyrae's POV
"Kyrae, tumakas ka na! Kami na ang bahala ni Dylan dito!" Sigaw ni Black Lotus habang pinipilit na bumaba mula sa likod ni Dylan.
"Hindi po maaari Lolo, kayo po ang dapat na mailigtas dito, hindi ako!"
"Hindi ako ang pakay ng mga Nighters na iyan Kyrae, kundi ikaw!" Nagulat ako sa sinabing iyon ni Black Lotus, kung ganon totoo nga. Ako nga ang balak nilang kunin simula pa nung una. Naalala ko ang sinabi noon ni Ma'am Flora,
"Salamat at hindi ka nila nakuha!" Tila nag-aalalang bulalas nito ng magising matapos ang naganap na pagsugod noon ni Grimzo sa Academy."Hali ka mahal na prinsesa. Sumama ka sa akin!" -Grimzo
"Isa ako sa mga dapat mong nakasama sa iyong paglaki. Ngunit ninakaw ka ni Maria mula sa iyong ama!" Dapat kong nakasama? Ako? Ninakaw ni Ina? At mula daw sa aking ama?
"Ikaw ang papatay sa buong mundo kapag nakuha ka ng mga kalaban!" -Black Lotus
Napa-iling-iling ako ng maalala ang mga sinasabi nila. Kung ganon, hindi nagsisinungaling ang Grimzong ito. Kukunin nga niya ako! Pero bakit? Hindi ko talaga maintindihan!
"Hindi titigil ang ama mo para makuha ka!" -Black Lotus
At bakit ba na-isama sa usapan ang ama ko?! Pano ako nito kukunin? Ang alam ko matagal ng patay ang ama ko! Naguguluhan ako!"Wag kayong titingin sa mga mata ng babaeng iyon! Mayroon syang Sharinagi!" Bulalas ni Black Lotus.
"Sharinagi!?" Sabay naming sambit ni Dylan. Hindi ba't iyon ang mata ng kamatayan?
"Mabilis kang makapansin tanda! Bilib din ako sa iyo, isa kang malakas na nilalang, sapagkat nagawa mo pang makapagsalita..." Pabiting sabi ng babae.
"Kahit na nasa ilalim ka na ng aking kapangyarihan!" Gilalas kaming napatingin kay Black Lotus na ngayon ay pawisan ng nakaluhod sa lupa habang sapo ang magkabilang sentido nito na tila may iniindang matinding sakit!
"Lolo!"
"Aaah-aaaaahggh!" Sigaw ni Black Lotus.
"Ahahahaha!" Halakhak ng babae.
"Halimaw ka! Anong ginagawa mo sa kanya!" Galit kong sigaw.
"Unti-unti ko lang naman siyang pinapatay!"
"Hindi maaari!" Mabilis ko itong sinugod at ini-amba ang aking kamao, ng marating ko ang kinatatayuan nito ay buong lakas kong pinakawalan ang isang suntok ngunit mabilis itong naka-ilag. Nawasak ang lupang tinamaan ng aking atake. Nagsiliparan ang napakalalaking tipak ng mga bato, pinagsisipa ko ang mga iyon papunta sa direksyon ng babae. Nakita kong humaba ang mga kuko nito na tila sing tibay at sing talim ng mga dagger, at mabilis nitong sinalubong ang mga bato at winasak ang mga ito gamit ang matatalim nitong mga kuko!
Hindi mo magagamit ngayon sa akin ang Sharinagi sapagkat kasalukuyan mo itong ginagamit kay Black Lotus! Inilabas ko ang aking Flute at ito ay aking inihipan. Naglabas ito ng malakas na pwersa at diretsong umatake sa babaeng kasalukuyan pa ring nakalutang sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...