Chapter 24: Fight for Empire

976 29 0
                                    

Queen Maria's POV

Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng napakalakas na pagsabog kung kayat napatayo ako mula sa aking lamesa. Mabilis akong tumungo sa bintana upang hanapin iyon. Natanaw ko ang napakalaking usok na siguradong bunga ng pagsabog na iyon. At naroon iyon sa Gate ng Imperyo!

*tok tok tok*

Nakarinig ako ng malalakas at tila nagmamadaling mga katok sa pinto.

"Bukas yan!" Sagot ko. Mabilis namang bumukas iyon at pumasok ang isa sa 10 Fury ng Imperyo.

"Mahal na Borah, nasa labas nanaman po ng Imperyo ang mga Nightets! At gusto daw po nila kayong palabasin!" Pagbabalita nito. Kung ganoon ay gusto pala akong makaharap ng mga ito. Hinahamon talaga nila ako!

"Pupuntahan ko sila!" Sagot ko at umapak na ako sa bintana para tumalon.

"Naroon na po ang mga kasama ko mahal na Borah, sasama din po ako!" Anito at sumunod din ito sa pagtalon ko. Mabilis kong tinungo ang lugar kung nasaan ang mga ito. Nakita kong sarado pa rin ang napakalaking gate ng Imperyo, oo nga't malakas ang nangyaring pagsabog pero hindi iyon sapat para masira ang isang gate ng imperyo.
Sinalubong kami ng ilan sa mga kawal.

"Mahal na Borah, may mga Nighters po sa labas! A-at ang lalakas nila! Hindi po kami makalabas dahil natatakot po kami! Ang ilan sa 10 Fury ay mga sugatan na po! Tila pinaglalaruan lamang sila ng mga Nighters na iyon!" Pagbabalita sa amin ng isa sa mga kawal.

"Wag kayong matakot, basta walang lalabas sa inyo hanggat maaari! Ano pa man ang mangyari sa labang ito ay wag na wag niyong hahayaang may makapasok sa imperyo maliwanag!" Bilin ko sa mga ito.

"Maliwanag po!" Yumuko ang mga ito bilang paggalang.

"Buksan niyo ang gate at lalabas ako!" Utos ko. Mabilis na tumalima ang mga nasa gate at tulong-tulong na hinila ang mga tali sa magkabilang gate upang bumukas iyon. At mula rito ay kitang-kita kong nagsitalsikan ang ilan sa mga Fury ng Imperyo dahil sa isang napakalaking nilalang na sigurado akong Sinummon pa mula sa ibang daigdig! Hindi nga sila pangkaraniwan! Napakalakas ng halimaw na iyan para ma-summon ng kung sino lamang. Nakita kong nakatayo lamang sa gitna ng mga ito si Grimzo, at nakangiti ito ng makita ako. Humakbang ako palabas kasunod ang isang Fury na kasama ko.

"Mm-mahal na Borah, mag-iingat po kayo!" Takot na sabi ng nasa likod ko. Tumango ako bilang sagot. Nakita kong sugatan na ang mga Fury at mabilis ding nagsibangon ang mga ito at lumapit sa akin. Yumukod ang mga ito bilang paggalang kahit na mga sugatan na sila.

"Pp-atawad po mahal na Borah, ngunit napakalalakas nila!" Anang pinuno ng 10 Fury.

"Wag kang panghihinaan Kakuzo! Malaki ang tiwala ko sa iyo, at sa inyong lahat, kailangan ko ang tulong ninyo hindi para protektahan ako kundi para tulungan niyo akong protektahan ang ating imperyo!" Nagsitango naman silang lahat bilang sang-ayon.

"Oh, narito na pala ang Mahal ma Borah ng United Empire!" Nakangising bati nung babaeng kasama ni Grimzo. Pagtingin ko sa mata nito ay agad na nayanig ang aking katawan dahil sa titig nito. A-ang Sharinagi!
Napa-atras ako kung kayat umalalay ang ilang babae na Fury at Pumwesto naman ang mga lalaki para protektahan ako.
Hindi ko maitatanggi ang lakas ng kapangyarihang ito ng Mata na Sharinagi! Kumpara sa illusion manipulation, dihamak na mas malakas ito sapagkat kaya nitong saktang ang actual na katawan ng mapapasa-ilalim nito.

"Hahaha! Hanggang titig ka lang pala mahal na Borah? Nakakahiya!" Pang-aasar ni Grimzo. Nasa-ilalim pa rin ako ng Sharinagi at ang sakit ng aking katawan, ngunit hindi nila ako dapat maliitin! Mabilis akong tumalon sa himpapawid at sinugod sila! Nagulat ang mga ito pati na ang dalawang batang kasama nito, mabilis na bumulusok pababa ang aking kamao at buong pwersa ko iyong isinuntok sa kinatatayuan nila.

"Pp-ano pa sya nakakakilos kahit nasa ilalim na sya ng maalamat na sharinagi?!" Bulalas ng isa sa mga bata bago mabilis na nagsi-ilag.

"Pagnatamaan kayo ng kamao ng Borah na iyan ay siguradon durog ang buo ninyong katawan!" Babala ni Grimzo sa mga kasama nito. Agad na nawasak ang lupang tinamaan ng aking kamao. Nagsitalsikan ang naglalakihang mga bato lumikha ng napakalawak na butas ang atake kong iyon sa lupa. Maging ang ilan sa mga Fury ay napahawak sa lupa dahil sa pagyanig nito. Lumapag sa iba't-ibang direksyon ang mga kalaban at ngayon ay nakatayo na ako sa gitna ng malawak na nabutas na parteng iyon ng lupa. Kinakapos pa rin ako ng hininga dahil pilit kong pinaglalabanan ang Sharinagi! Sa ilalim ng ilusyon nito ay sinasakal ako ng isang nilalang na hindi ko mawari, ito ay likha ng Sharinagi. Gaya ng Illusion manipulation, ang Sharinagi ay gumagawa lamang ng mga nakakapangilabot na illusion, ngunit di gaya ng Illusion manipulation, ang Sharinagi ay talagang kayanh saktan ang Actual mong katawan. Kapag sinaksak ka sa ilalim ng ilusyon nito ay talagang masusugat ang tunay mong katawan. Kung ano man ang gawin sa iyo sa ilisyon ng Sharinagi ay mararamdaman iyon ng tunay mong katawan.
Pinilit kong igalaw ang aking kamao at malakas na inatake at sinuntok ko sa panga ang nilalang na iyon na ngayon ay tumalsik sa malayo. Napaluhod ako sa lupa ng mabitawan ako nito. Nakahinga na ako unti-unti.

"Aaah!" Rinig kong sigaw nung babaeng may Sharinagi. Nasapo nito ang panga nito.

"Anong nangyari Sharmell?" Tanong ni Grimzo.

"I-imposible! Nakagalaw sya sa ilalim ng ilusyon ng Sharinagi! At nakawala sya!" Sigaw nito.
Napangisi ako sa sinabi nito. Muli akong tumayo at taas noo ko silang tiningnan.

"Masyado nyong minaliit ang pagiging Reyna ko mga Nighters. Oo at walang panama ang pagiging illusionist ko, pero baka nakakalimutan niyong may kapangyarihan din ang aking mga mata?" Nakita kong napa-ismid si Sharmell. Pero sa totoo lang hindi ko na tinitignan ang mata nya. Mahirap na at baka mahuli nya ako muli! Baka sa oras na ito ay tuluyan na nila akong magapi sa isang titigan lamang!

"Ipapakita ko sa inyo ngayon ang tunay na laban!" Sigaw ko. Mabilis kong inilabas ang tunay kong pwersa, na maging ang 10 Fury ay nagulat. Dahil maging sila ay ngayon lamang nakita ang tunay kong pwersa. Hindi ko dapat maliitin ang mga Nighters na ito!

Sinugod ko si Grimzo at dahil sa bilis ng kilos ko ay hindi nito namalayang nasa likod na ako nito.

"Yhaa!" At ubod lakas kong tinuhod ang likuran nito.

"Aggh!" Daing nito at mabilis na tumalsik sa malayo. Pero gaya ng inaasahan ko ay nakaapak pa rin ito sa lupa.

"Mabilis ka mahal na Borah, mukhang mag-eenjoy kami nito!"

"Tch!" Nabalot ng pink na kapangyarihan ang aking kamao at ini-umang ko iyon sa direksyon ni Grimzo. Bumwelo ako at ubod lakas ko iyong isinuntok sa hangin. Ubod man ng layo si Grimzo ay nagulat pa rin ito ng makitang bumubulusok na ang malakas na kapangyarihang aking pinakawalan. Mabilis itong naging usok at lumutang sa hangin kung kayat tumama ang kapangyarihan ko sa kagubatan dito sa labas ng imperyo. Nawasak ang parteng iyon ma tinamaan. Maraming mga puno ang nadurog. Hindi ako nag-aksaya ng panahon at nag-teleport ako papunta sa likod ni Grimzo.

"Huh!" Gulat nitong bulalas. Ini-amba ko ang aking siko upang atakihin ito ngunit biglang may malaking kamay na humampas sa akin kung kayat mabilis akong bumulisok pababa. Mabuti na lamang ay mabilis akong naka-ikot kung kayat nakatayo pa rin akong nakaapak sa lupa.

"Nakakalimutan nyo po atang nandito kami!" Anang dalawang bata. Kung ganon sila ang mga summoners na tumawag sa halimaw na ito na humampas sa akin!

"Kung ganon matitkman niyo rin ang galit ko kung iyan ang inyong nais!" Nakangiti kong sagot sa mga ito.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon