Chapter 21: The Shadow

1K 34 0
                                    

Kyrae's POV

Hindi ako nag-aksaya ng panahon at mabilis din akong tumalon sa bintana upang sundan ang aninong iyon. Nakita kong papunta ito sa mapuno at madilim na parte ng Academy kung saan wala ka ng makikitang mga tao. Habang tumatakbo ay inilabas ko ang aking flute upang atakihin ito. Ngunit gayon na lamang ang aking gulat ng mula sa kung saan-saan ay biglang nagsi-sulputan ang apat na mga kawal ng Academy at mabilis akong inatake. Mabuti na lamang at mabilis din akong naka-ilag sa mga atake nila at umatras ako.

"Anong ginagawa niyo?!" Takang tanong ko. Bakit nila ako inaatake? Hindi ba't dapat pa nga nila akong tulungang madakip ang hinahabol ko? At teka? Bakit hindi sila sumasagot, at isa pa bakit parang mga nanghihina na sila? Para bang pilit lamang na pinakikilos? Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang hinahabol ko kanina ngunit muli nanamang sumugod yung apat na kawal kung kayat mabilis kong inihipan ang aking Flute kung kaya't sabay-sabay ding nagsitalsikan ang mga ito. Ngunit ilang segundo lang ay laking gulat ko ng bigla rin itong nagsibangon.

"P-panong-" At mula sa kung saan ay nakita kong tila may itim na tila anino ang gumagapang sa lupa at kumukunekta sa mga anino ng apat na kawal. Kung ganon, isa itong Shadow CONTROLING TECHNIQUE! Sabi ko na nga ba at may kumukontrol sa kanila!

Nakita kong hirap ng magsigalawan ang mga katawan ng mga kawal ngunit walang magawa ang mga ito sapagkat kuntrolado pa rin ito ng kung sino. Sumugod ang dalawa sa mga ito kung kaya't tumalon ako sa himpapawid. Mabilis ding tumalon yung dalawa pa at sinugod ako sa itaas. Mabilis kong hinanap kung saan nagtatago yung taong kumukontrol sa kanila at hindi naman ako nabigo. Naroon sya sa likod ng malaking punong iyon!

Muli kong Inihipan ang aking Flute at nagpakawala ng malakas na pwersa. Nagsibagsakan sa lupa ang apat na kawal at nagsitalsikan ang malalaking bato ng bumaon ang mga katawan nito sa lupa. Pasensya na talaga! Naawa man ako dun sa mga kawal ay wala naman din akong nagawa. Nakita kong unti-unting humiwalay ang mga anino na kumukonekta sa apat na kawal kung kaya't hindi ako nag-aksaya ng panahon. Pag-apak ko sa lupa ay mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ng taong iyon. Ini-umang ko ang aking kamao at tumalon muli sa himpapawid.

"Yhaaa!" At buong pwersa kong isinuntok sa malaking punong iyon ang aking nagngangalit na kamao. Lumikha iyon ng napakalakas na pagsabog at nawasak ang napakalaking punong iyon. Sino man ang nasa likod noon ay siguradong durog na sa mga oras na it-

"Magaling Mahal na Prinsesa!" Nanggilalas ako ng biglang may nagsalita sa di kalayuan mula sa akin. Mabilis akong lumingon at mas lalo pa akong nangilabot. Grimzo!

"Oh, nagulat ka ata!?" Nakangisi nitong sabi.

"A-anong kailangan mo? Pp-ano ka nakapasok dito!?" Sigaw ko. Pilit kong tinatago ang takot na nararamdaman ko.

"Huh! Kasalanan ko ba kung napakahina ng Barrier ng Academy na 'to at ganon din ang mga walang kwentang mga kawal niyo?" Sarkastiko nitong sagot.

"Hindi mahina ang mga barrier dito Grimzo, kahit ang mga makakapangyarihang nilalang ay hindi basta-basta makakapasok dito!"

"Sa bagay, oo nga malakas naman talaga yng barrier. Pero kumpara sa akin. Bale-wala lang!" Sagot nito na nakangisi pa.
Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Ramdam ko talaga ang napakalakas na aura nito.

"Anyway, kung ayaw mong marami pang madamay ay sumama ka na lang sa akin ng mapayapa mahal na Prinsesa. Hinihintay ka na ng iyong ama!" -Grimzo

"Ano ba kasing kailangan nyo sa akin!? Wala na akong ama! Matagal na syang patay!" Galit kong sigaw.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon