Year 3008...
Bumaba ang makapangyarihang Diyos mula sa kalangitan upang linisin ang sanlibutan dahil sa mga kasalanan ng mga nilalang na namumuhay sa mundong Earth. Naganap ang pandaigdigang sakuna sa pamamagitan ng pagtaas ng tubig dagat na lumamon sa sangkalupaan, ito ay tinawag na THE GREAT WIPE-OUT. Tatlong araw ang itinagal nito at ng matapos ay naubos lahat ng may buhay sa lupa. Ang tanging natira na lamang ay ang mga taong may Especial ability o powers. Nawasak ang lahat ng bansa at buong kalupaan, pati mga bundok at kagubatan. Nagkaroon ng malaking pagbabago. Ang dating hiwa-hiwalay at napakaraming kontinente ay nagsama-sama at nahati na lamang sa anim na parte. Hinango ng Diyos ang mga taong nakaligtas mula sa sakuna at tinipon. Doon ay pinagbukod-bukod niya ang mga taong may magkakaparehong kapangyarihan at pinagsama-sama sa iisang kontinente. Nagtayo ng imperyo ang bawat kontinente, at ito ay pinamumunuan ng BORAH na syang pinakamalakas sa buong imperyo. Ang Anim na imperyo ay ang:
Fog Empire
Ang Imperyo kung saan nakatira ang mga taong may Wind Element. Pinamumunuan ito ni Queen Aira Stormy Zeffer, sya ang Borah sa imperyong ito.
Hell Empire
Dito nakatira ang mga taong may Fire element. Sila ay pinamumunuan ni King Hagedorn Zerref Fierry.
Mount Empire
Dito namumuhay ang mga Earth benders. Pinamumunuan ni Queen Vixen Zhien.
Shore Empire
Naninirahan dito ang mga taong may Water element. Pinamumunuan ni King Michael Jell Todile.
Night Empire
Dito naninirahan ang mga Dark Magic Users. Pinamumunuan ni King Sathan Mharr Valkyrie.
United Empire
Dito naman makikita ang mga taong may kanya-kanyang abilities and powers na hindi nabibilang sa kahit saang Elemento. Dito makikita ang may mga especial abilities gaya ng mga Puppet masters, Mind reders, Illusion manipulator, Invisible, Ninjas at iba pa. Dito rin naninirahan ang mga may powers na sub type ng 4 main elements gaya ng Ice na sub type ng water. Light na Sub type ng Fire. Lightning na sub type ng Wind. At Iron na Sub type ng Earth. At marami pang ibang klase ng kapangyarihan meron ang mga tao dito. Queen Maria Malak is their Borah.
POWER COUNCIL
Dito nagmumula ang mga batas na dapat sundin ng lahat ng tao sa buong mundo na may kinalaman sa mahika o kapangyarihan. Matatagpuan ito sa kalangitan na pinamumunuan ng mga makapangyarihang tao na tinatawag na HEADMASTERS.
Year 3017...
Nagkasundo ang lahat ng mga Borah na magtayo ng isang paaralan na makikita sa gitnang parte ng mundo. Isang napakalaking paaralan na kung saan ay mayroong mga Buildings na tirahan ng mga estudyante rito. May mall at market kung saan sila mamimili ng mga kailangan nila, may mga parke rin sa loob ng paaralang ito. Isang paaralang sinlaki ng isang syudad. Ito ay pinamumunuan ng Isang Principal na katumbas ng isang Borah pagdating sa kapangyarihan at tungkulin.
Ang paaralang ito ay tinatawag na LEAGUE OF NATIONS ACADEMY...
------------------------------------------------------
A/N:Eto po ay hango sa una kong story na kapareho ang Title. Accidentally ay nadelete ko po yon na meron ng 20 chapters. Ang kaibahan lang ay binawasan ko ang characters ngayon dahil kakaunti pa lang ang nangyayari ay nakarating na agad ako sa 20 chapters noon, masyadong mahaba. Dati ay 11 empires, 20 swords at 11 Borahs.
So ayon, gumawa ako ng panibago. Sana magustuhan nyo. 😉
Thanks po...
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
خيال (فانتازيا)Full of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...