Queen Maria's POV
Pawisan akong napabangon matapos ang isang napakasamang panaginip na iyon.
"A-ahno ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?!" Naguguluhan kong tanong. Wala akong makitang mukha ni isa. Lahat ay malabo. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Dadanak ang dugo dahil sa digmaang aking nakikita. Paano ko mapipigilan ang isang bagay na hindi ko alam kung kailan at saan magaganap?
Tumayo ako mula sa aking higaan. Tanaw ko ang buong imperyo. Sa ngayon ay napakatahimik ng buong imperyo. Sana lang ay laging ganito. Pero sa ayaw at sa gusto ng kung sino man, magaganap ang napakalawak na digmaan.
At bigla akong napa-unat sa aking naalala, Si Kyrae! Nasa kapahamakan ang buhay niya ngayon! Hindi dapat matuloy ang misyon niya.Danaya's POV
Kasalukuyan na akong nasa labas ng gate ng Academy kasama si Maryse, hinihintay na lamang namin sina Kyrae at iba pa upang palihim na umalis para sa misyon. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay sobrang nababalisa ako, hindi ko alam pero parang may nais sabihin sa akin ang mga puno't halaman. Ngunit tila hindi makapagsalita ang mga puno upang masabi sa akin ang nais nilang sabihin.
"Naya ayos ka lang?" -Maryse
"Ah, oo okay lang." Nakangiti kong sagot.
"Oh andito na sila." Lumingon ako sa gate at nakita kong papalabas na sina Dylan at Freezca duh! Kasunod ay si Kyrae naman.
"Oh narito na pala kayo eh! Sige na hali na kayo." Yaya ni Kyrae. Nais ko sanang ipaalam kay Kyrae ang masama kong kutob ngunit ayaw ko namang makasira ako sa unang mission na ibinigay sa amin kung kaya't iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isipan. Bahala na!
"Sige tara na!" At nagpatiuna na si Dylan kasunod si Freezcang linta na laging nakabuntot dito, sumunod na rin kaming tatlo at tinahak ang madilim na daang iyon.
Grimzo's POV
Sinadya kong hinaan ang aking aura at palihim na pumasok sa loob ng United Empire upang man-manan si Sharmell na una kong target. Kailangan kong mag-ingat, dahil once na malaman ni Maria na narito ako, malamang hindi na ako makalabas ng buhay dito! At muli akong nagpalit ng anyo at ginaya ang kasuotan ng mga bantay sa imperyo. Salamat sa kalasag na ito at hindi ako madaling makikilala. Dali-dali kong tinahak ang direksyon papunta sa isang bundok na nasa loob din lamang ng imperyo kung saan mag-isang naninirahan ang sorceress na si Sharmell.
Kyrae's POV
"Grabe, nakakatakot ang kagubatang iyan!" -Freezca
Nasa bukana na kami ngayon ng Hamurawon. At sa tingin ko ay nakakatakot talaga ang gubat na ito."Sige na humanda na tayo at papasok na tayo." Sabi ko, at nagpatiuna na akong lumakad. Sumunod na rin silang apat.
Nagtaka ako ng pagtapak ko sa mismong bukana ng gubat na ito ay may naramdaman akong enerhiyang tila nakakapangilabot.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasyFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...