Maryse's POV
"Ba't naman kaya ang tagal nila!" Nagdadabog na angal ni Freezca. Tch! Wag ka masyadong maingay, baka mairita ako sayo at lulunurin kita!
At pareho kaming nagulat ng biglang may mga bakas kaming narinig mula sa kasukalan.
"D-did you hear that?" -Freezca
Mas lalo pa itong lumalakas at tila paparami ng paparami ang mga yabag! At hindi ako nagkamali, biglang lumabas mula sa kasukalan ang napakaraming alagad ng Night Empire!"Maryse! Mga N-nighters!" Di magkanda-ugagang sigaw ni Freezca na hindi maintindihan kung papasok sa loob ng kweba o ano ang gagawin.
"Wag kang mataranta ano ka ba! Kailangan natin silang kalabanin at huwag hayaang makapasok sa loob ng kweba!" Sigaw ko. Bumalik naman ito at tumabi sa akin habang takot na takot na humarap sa mga kalaban. Napakarami nila! Mahihirapan kaming pigilan sila! Nasan na ba kayo Kyrae! At isa-isa ng nagsisugod ang mga Nighters sa amin.
"Breath of the Ice Dragon!" Sigaw ni Freezca at nakita kong umihip ito ng napakalakas pasalubong sa mga papalapit na kalaban, at nakita kong inilipad ang mga ito at mabilis na nagyelo ang mga katawan bago bumagsak sa lupa at sabay-sabay na nabasag. Marami agad ang nabawas. Pero bakit tila napakarami pa rin nila?!
"Water wave!" Ikinumpas ko ang aking mga kamay at naglabas ng napakaraming tubig. Pinataas ko ito lagpas sa malalaking punong naroon at mabilis na ibinagsak sa mga Nighters. Tinangay ang iba ngunit marami pa rin ang nakakapit sa mga puno.
"Freezca bilis! Pagyelohin mo ang tubig!"
"Ha?! Pero madadamay ka?!" Tila nag-aalala sagot nito.
"Papasok ako sa loob ng Kweba, sa hindi naabot ng tubig!" At mabilis akong tumakbo patungo sa may bukana ng kweba.
"Ice Blend!" At mabilis na humalo sa tubig na kumalat sa lupa ang mga yelo at lumakad ito hanggang sa masakop ang kapaligiran kabilang na ang mga Nighters na naroon pa.
Kyrae's POV
Huminto kami ng makita kung ano ang nasa pinakadulo ng kwebang iyon. Isang White Crystal Shield kung saan nakatayo ang isang matandang ermitanyo na napakahahaba na ng balbas at mga puting buhok nito. Dumikit ito sa Crystal at titig na titig sa akin.
"Bakit naririto ka?!" Tila natatakot na tanong nito sa akin. At bakit? Kilala nya ba ako?
"Kukunin na po namin kayo lolo!" Sagot ko.
"Hindi ka dapat lumabas sa kung saan ka man naroon. Baka mapahamak ka! Hindi titigil ang ama mo para makuha ka!" Mabilis naming binuksan ang Crystal Shield gamit ang spell na ipinadala sa amin ng Academy. Lumapit agad sa akin ang matanda at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Kailangan mo nang makabalik agad! Ikaw ang papatay sa buong mundo kapag nakuha ka ng mga kalaban!" Muli nitong sabi. Lubhang nakakalito ang mga pinagsasabi nito. Ama? Ako? Papatay sa mundo? At sino naman ang kukuha sa akin?
"Lolo hali na po kayo!" At inakay na ito nina Danaya at Dylan. Nakalingon pa rin ito sa akin na tila may takot sa mga mata.
"Bilisan natin, may nangyayari sa labas!" Sigaw ni Danaya.
BINABASA MO ANG
League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"
FantasíaFull of Action! Jaw Dropping Scenes and Highly Recomended Tagalog Fantasy Story By Bo$$Drae... Anim na Imperyo Anim na Nasyon Anim na Borah Isang paaralan... Samahan ang Labing Dalawang Swords sa kanilang adventure at jurney. Tulungan sila...