Chapter 25: Training With Radcliff

1.3K 46 16
                                    

Danaya's POV

Kasalukuyan kaming nagti-training dito sa buong Academy, kasabay ang lahat ng estudyante na makikita mong nag-eensayo din sa iba't-ibang parte ng school. Oo ganito na lagi araw-araw. Parctice dito, practice doon. Minsan nga nakakapagod na!

"Pahinga muna tayo!" Angal ko kay Maryse na sya ang partner ko.

"Okay sige pagod na nga rin ako eh!"

"Oh, mukhang ang bilis nyo na atang mapagod ngayon girls! Tumatanda na ata kayo ah?!" Nakangising sigaw ni Dylan mula sa di kalayuan.

"Duh! Hindi naman kasi kami kagaya mo na umaasa lang sa puppet kaya di madaling mapagod!" Inis kong sagot. Umupo na kami ni Maryse at nakita kong uminom ito ng tubig. Ganon din ang ginawa ko ay naglabas na ako ng baon.

"Panay kain! Pano yan kung actual na laban na? Magbabaon ka pa rin siguro no?" Pang-aasar pa rin nito. Nakita kong nakasimangot na ang training partner nito, sino pa nga ba ang magiging partner nito kundi si leech?

"Its none of your business mister! Atleast mas kakaunting dalahin ang pagkain kesa sa mga puppet mo no! Mas weird naman ng dihamak yung mga dala mo kesa sa mga babaunin ko!" Narinig kong natawa ito sa sagot ko.
Nakita ko si Principal Marduk at si Master Lotus na lumabas mula sa Building kung saan naroon ang opesina ng Principal.

"All Rank 1 of Senior level, I want you to may office. Now!" Utos ni Principal Marduk. Bumalik din naman agad ito sa opesina nito kasama si Master Lotus.

"Ba't pinapatawag niya yung mga Rank 1? Pano si Kyrae? Nasa kalagitnaan pa sya sa Training with Radcliff? Tatawagin ba natin sila?" Takang tanong ko

"Wag niyo silang tatawagin, hindi pwedeng malaman ni Kyrae kung ano man ang pag-uusapan ngayon ng mga Rank 1 at nina Principal." Nagulat ako ng biglang magsalita sa likod namin si Carter.

"Oh, Carter? Teka ano ba kasi pag-uusapan niyo?" Tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko may nagaganap ngayong labanan sa pagitan ng Borah ng United Empire at ng mga Nighters sa labas ng Imperyo nina Kyrae." Sagot nito. Nagulat ako dahil dito.

"Kung ganon hindi nga pwedeng malaman ni Kyrae ito! Siguradong magpupumilit syang pumunta roon kapag nalaman nya ito." Sabat ni Maryse.

"Ganoon na nga, kaya siguro hindi na rin lang isasama si Radcliff dahil siguradong magtataka si Kyrae. Isa pa pag tapos na ang training nya siguradong lalabas na sya sa Training Cave kayat may posibilidad na malaman nya ang kasalukuyang nagaganap." Kinabahan ako sa nalaman ko. Nasa delikadong sitwasyon pala ngayon ang United Empire!

"Sige maiwan ko na muna kayo." Paalam ni Carter at tumalikod na ito upang pumunta sa opesina ni Principal. Pasimple kong siniko si Maryse.

"Oh ano?" Takang tanong nito.

"Halika, silipin natin kung ano pag-uusapan nila!"

"Ano? Ayoko nga! Baka mahuli tayo no!"

Queen Maria's POV

Inilabas ko ang aking Golden Chain whip at nakita kong nagulat ang mga kalaban sa nakita nila.

"Aa-ang kadenang ginto!" Bulalas ng isa sa mga batang summoners.

"Tama, ang kadenang walang makakaputol kahit na sino!" Sagot ko at mabilis ko iyong ihinagis patungo sa direksyon ng halimaw na sinummon ng mga ito. Agad iyong pumulupot sa leeg nito.

"Aauurghhhh!" Ungol ng halimaw ng pumulipot sa leeg nito ang kadena. Mabilis ko itong hinatak at nagulat silang lahat ng mabilis na lumutang ang halimaw ng hatakin ko ang kadena palapit sa akin.

"Aaargh!" Sinabayan ko iyon ng talon sa himpapawid at sinalubong ko ng malakas na Suntok ang mukha ng halimaw. Kasabay noon ay ang pagkawala ng isang pink na kapangyarihan sa aking kamao na bumaon sa nadurog na mukha ng halimaw bago ito naging abo!

"Hh-hindi!" Bulalas ng kambal.

"Mga inutil!" Sigaw ni Sharmell sa mga ito.

"Summoning Jutsu!" Muling nagsummon ang dalawa at sa oras na ito ay isa namang tila Octopus na halimaw ang tinawag nila.

"Bakit ba kasi hindi kayo tumawag ng libo-libong nilalang!" Galit na sigaw muli ni Sharmell.

"Hindi nila pwedeng gawin iyon! Sapagkat maaari silang mawalan ng kontrol kapag sobrang dami ng kanilang inilabas lalo na kung ganyang kalalakas na halimaw ang palalabasin nila. Baka maging kayo mismo ay atakihin ng mga halimaw na iyan kapag hindi nila ito nakuntrol." Pahayag ko. Nagulat naman si Sharmell. Tila naman nagulat din ang dalawang bata dahil alam ko ang sikreto nila. Napakadali lang naman kasing malaman non!

Kyrae's POV

Kanina pa ako pagod na pagod dahil sa kakailag sa mga atake ni Radcliff! Masyado talagang mainitin ang ulo nito, ewan ko kung ba't ganito 'to? Pinaglilihian ata ako! Walang patawad! Sunog kung sunog ang matatamaan ng kapangyarihan nito.

"Panay ka na lang ilag! Hindi ka gumaganti ng atake! Kapag napagod ka sa kakaganyan mo babagal ang kilos mo at madali ka ng mapapatay ng kalaban!" Inis nitong sigaw sa malayo at muling gumawa ng isang apoy na palaso. Itinutok niya iyon sa akin. Naku! Yung palasong nanghahabol nanaman! Oo, yung palasong yan ay nanghahabol kahit saan ka pumunta hanggang sa tumama sya sa kahit saang bagay. Medyo nagka-crack na nga ang ilang parte ng Cave na ito eh, kahit na kasi may armour ito siguradong maaapektuhan pa rin talaga dahil sa lalakas ng tira nito.

"Hindi mo kasi ako pinagpapahinga!" Sigaw ko rin at inihanda ang aking flute. Ba't nga ba ngayon ko lang naisipang gamitin tong flute ko? Nakalimutan ko na pala ito.

"Sa gitna ng laban walang pahingang nagaganap!" Sagot nito at mabilis na pinakawalan ang Fire arrow nito. Mabilis kong inihipan ang aking flute at isang pink na pwersa ang bumalot sa akin at mayroon ding sumalubong sa fire arrow. Nag-umpukan ang malalakas na pwersa at sa huli ay naglaho ang Fire arrow! Nagawa ko! Napigilan ko!

"Natuwa ka na nyan?" Inis nitong sabi.

"Kung mapigilan mo man ang atake ng isang kalaban ay dapat mong sundang ng mga atake ang ginawa mo sapagkat kung titigil ka lang at hindi aatake malaki ang oras ng kalaban para hanapan ka ng butas!"
Nakakainis na talaga! Ang suplado nya talaga bwiset! Mabilis akong nagdodge patungo rito at ubod lakas kong isinuntok ang aking kamao. Mabilis nitong sinalag ang aking atake gamit ang dalawang nag-aapoy na braso nito! Whaa! Sinalag nya yon?! Nayanig ang buong kweba dahil sa pwersa naming dalawa.

Pero hindi ako nag-aksaya ng panahon at sunod-sunod ko itong inatake at isang sipa ko ang lumusot diretso sa tagiliran nito.

"Ah!" Tumalsik ito ngunit nakabalanse pa ring nakaapak sa lupa habang nakatukod ang isang braso nito. Mabilis din itong tumayo at tumakbo papalapit sa akin. Habang tumatakbo ay nagpakawala ito ng maraming Fire blades patungo sa akin. Lahat iyon ay mabilis kong inilagan. Pero isang pagkakamali pala iyon, sapagkat nagulat ako ng makitang nasa-harap ko na ito.

"Fire beam!" At mabilis na nagpakawala ito ng kapangyarihan at direktang tumama iyon sa akin.

"Aaah!" Napasigaw ako dahil sa sakit. Dire-diretso akong itinulak ng kapangyarihang iyon hanggang sa tumama ako sa pader ng Training Cave! Halos mawasak ang parteng iyon kung saan tumama ang aking katawan at ramdam ko ang sobrang sakit ng aking katawan. Nanghihina akong bumagsak sa lupa.

"K-Kyrae!" Narinig kong sigaw ni Radcliff na halatang nag-aalala. Nakita kong nagmamadali itong tumakbo palapit sa akin upang tulungan ako. Sobrang nanghihina na ako, at bago ako tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman kong binuhat ako nito.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon