Chapter 8: Grimzo's Game

1.3K 36 1
                                    

A/N:

Pasensya na at nagkapalit ata yung Chapter 5 at 7... Hindi ko alam mag arrange eh, pero magkakasunod nman po sya nung ginawa ko, pero bakit parang nagkapalit yata, dinownload ko rin kasi yung sarili kong book para alam ko kung ano ang kinalabasan, at yun nga baliktad yung Chapter 5 at 7... Ang kasunod ng Chap4 ay chap6 at 7 na nahuli yung 5... Ewan ko kung ganon din ba jan sa inyo??

------------------------------------------------------

"Alam kong alam mo na hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo!" Sigaw ni Sir.

"Hayaan mo man sa hindi wala ka ng magagawa." At bigla nanaman itong naglaho na ang tanging natira sa kinatatayuan ng kalaban ay ang mga itim na usok na bumabalot sa katawan nito.

"Dahil babawiin na namin sya!" At sa isang iglap lang ay nasa likuran ko na ito at mabilis na ipinalibot sa aking leeg ang braso nito.

"Kyrae!" -Sir

"Aaah!" Napatili ako sa sobrang gulat. Nakita ko na papatayo na muli si Radcliff at ang lalaking may kidlat, pati yung babaeng may malapad na pamaypay ay pumustora na rin at handang umatake anu mang oras. Nakita ko rin ang iba pang mga rank 1 sa iba pang mga room na nagsusulputan mula sa iba't-ibang lugar, merong mga nasa likod ng puno, nasa bubong at iba pa.

"Nagkamali ka ng paglapit mo sa akin." Mahinahon kong sabi.
Hindi ko man makita ang mukha nito ay alam kong napakunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. At bago pa ito nakapagsalita ay malakas ko itong siniko dahilan upang makabitaw ito sa akin at timalsik papunta sa isa sa mga pader.

"Uhhgg!" Daing nito.

"Water fall!" Sigaw ng isang lalaki. Nakita kong bumagsak mula sa langit ang napakaraming tubig na direktang tumama sa kalaban at tinangay papunta sa gitna ng Park ng Academy. Pero tila bale-wala ang atakeng iyon at dahan-dahan nanaman itong tumatayo habang sapo ang balikat nitong duguan na.

"Mga hangal!"

"Hundred Weapon Combo!" At isang babae ang mabilis na sumugod sa lalaki mula sa likuran nito at sinaksak ito ng Kunai na may magic letter na nakasabit. Bumaon iyon sa likod ng lalaki.

"Aah!" Sigaw nito. At mabilis na nagdodge ang babae paatras at nagumpisa ng umatake ng napakabilis na hindi na halos makita. Tila sumasayaw ang babae at bawat wasiwas ng mga kamay at paa nito ay nagsisilabasan ang iba't-ibang hugis ng mga patalim na lahat ay direktang tumatama kay Grimzo na ngayon ay puno na ng mga patalim ang katawan at naliligo na sa dugo. Huminto ang babae sa pag-atake at pinagsalikop ang mga palad nito.

"Ghats!" At gaya ng bulaklak ni Ma'am Flora ay sumabog din ang unang patalim na isinaksak ng babae kay Grimzo. Naisalag namin ang aming mga braso dahil sa sobrang lakas ng pagsabog. Napaluhod si Grimzo at mula sa ilalim ng lupa ay may lumutang na lalaking gawa sa bato ang buong katawan. Sinakal nito si Grimzo, iniangat ng lalaki ang kalaban at buong pwersa na ibinalibag sa lupa.

Tumalbog-talbog si Grimzo at biglang may sumalo sa katawan nito. Binalot ito ng tila mga baraha na walang mga nakasulat. Ilang saglit lang ay balo't na balot na ito.

"Explode!" Sigaw ng isang maliit na batang lalaki. At nakita ko ang sunod-sunod na pagsabog ng mga cards na iyon. Binalot ito ng napakakapal na usok.

"Ice Sticks!" Sigaw naman ng isa pang batang babae na may sobrang puting buhok. At sa ibabaw ng katawan ni Grimzo ay nabuo ang napakaraming sticks na gawa sa nagkikintabang yelo at mabilis na tumusok sa katawan ng kalaban.

"Uggh!" May lumapit na isang napakalaking lalaki kay Grimzo at ini-angat ito. Itinaas nito ang kabilang kamay at nabuo ang napakalaking bakal na maso.

League Of Nations Academy: "The Adventures Of Kyrae"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon