Still kyung's pov
----------
Pagdating ko sa park, isang basang basang at walang malay na baek ang nakita ko. Agad ko siyang binuhat papuntang hospital, nahihirapan kasi siyang huminga.After ko siyang madala doon, tinawagan ko kaagad si tita at sila suho. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. "Asan na siya kyung?" Natataranta nilang tanong pagkadating nila. Tinuro ko lang siya sa may ER. "Mag-antay nalang muna daw po tayo." Sagot ko at napa upo nalang kaming lahat.
After an hour, si tita lang ang pinapunta doon. Pagkabalik niya, humagulgol na siya ng iyak kaya pinaupo na muna namin siya ulit. "Why tita? What happened?" Tanong nila.
"Bumalik na naman yung sakit niya. This is all my fault." Kwinento niya na noong pinagbubuntis daw ni niya si baek ay uminom daw siya ng iba ibang gamot para malaglag siya kaso malakas daw ang kapit ni baek. Normal naman daw yung delivery ang kaso, nabutasan yung left lung ni baek. Naoperahan si baek at naging maayos naman na daw habang lumalaki siya pero bumalik na naman daw ulit. Sabi ng doktor, bumalik daw ito dahil sa sobrang babad ni baek sa ulan. Nalamigan daw ng sobra yung katawan ni baek at lumakas ang pressure sa loob nito kaya nabutasan ulit yung left lung ni baek. "We need to take him in the states immediately. Sa sat na yung flight namin. Kung hindi daw ito maagapan, mawawalan na ng hininga si baek." Ani ni tita. Tila para kaming nabagsakan ng napakaraming bato dahil sa katahimikan namin. Umiiyak na sila suho.
"Okay lang po tita. If that's the only the way for him to get better." Ani ko at niyakap si tita. "Things will get better soon tita, baek is a strong person. We all know that." Pagcocomfort ko pa sakanya.
Please be strong baek. I can't afford to loose you.
Baek's Pov
Paggising ko, andaming nakasaksak na kung ano ano saakin. Hindi ko din maibukas masyado mga mata ko, hindi din ako makagalaw kasi hinang hina ako. "Baek anak?" Rinig kong tawag ni mama saakin. Nung nakalapit na siya, mangiyak-iyak siya sa harapan ko at niyayakap ako.
"Ma, ano pong nangyari?"
"Shhh. I'm glad that you're awake." Bakit? Mamamatay na ba dapat ako? "What you're thinking is right. We almost lost you anak." Naiiyak na sabi ni mama. Maging ako din natakot, for the second time na pala.
Ilang mga oras pa e nagsidatingan na din ang mga bakla at si kyung. Gaya ni mama, umiyak din sila. "Shhh please stop crying guys. Parang namatay naman na ako niyan e!" Pag-iinarte ko sakanila at salamat naman dahil tumigil na din sila.
-------
"Okay ka lang ba?" Ngayon lang ako kinausap ni kyung. Siya lang at ako ang meron sa room ko ngayon dahil kumain sila. I managed to smile at him."As long as all of you are around, i'm feeling okay kyung." Napangiti naman siya. Pero ayokong lokohin sarili ko, naalala ko na naman si yeol at hanggang ngayon nagtatanong padin ako sa sarili ko if he really meant all of what he said to me.
All of the words that broke me.
"Stop thinking about him baek." Matigas na sabi ni kyung. Kilala na nga niya talaga ako.
"I can't kyung."
"You can. You just have to help yourself." Hindi na ako nakapagsalita pa. Pinagpahinga na muna nila ako. Bukas, uuwi muna daw ako sa bahay.
Kinabukasan
Andito na ako sa bahay and they just wanted me to lay down all day. May pasok pa naman kami ngayon. "Baek baby, I have to go to work now. Just take a rest okay? I'll be back soon." Paalam ni mama sabay kiss saakin bago siya umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Loving you was the most beautiful-- NIGHTMARE (CHANBAEK FANFIC)
FanfictionWill love still lasts even if it's wrong? Will love still prevails when everything gets muddled? And lastly.. Will love still stay even if he decided to just ditch you for the one he chose to love? "Loving him was the most beautiful nightmare ev...